bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

DOTA in the Waterworld

Monday, October 12th, 2009

Nakalimutan ko nga pala ikwento. Masyadong intense ang labanan namin sa DOTA ng mga kaopisina ko nung umaga ng September 26. Di pa tumitigil ang ulan simula nung nakaraang gabi pero di namin yun alintana. Di ko alam kung masyado lang talaga kaming sugapa o manhid lang sa nagbabadyang panganib. Basta pagkatapos ng shift,deretso agad sa shop. limahan. walang pakialam. di bale nang malunod, makaganti lang sa hero ng kalaban.

Nagsimula kami ng alas-otso ng umaga. Pagdating ng alas-nuwede,nagsisimula nang sumikip ang kalsada sa Ortigas dahil sa mga stranded na sasakyan. Wala pa rin kaming pakialam. Kelangang makaganti! Double Kill! Godlike! Sunod-sunod na patayan. Kelangang walang masasayang na sandali. Kelangan naming mawasak ang mga tore. Alas-diyes. hanggang tuhod na ang tubig sa kalsada.Sabi ko sa TL ko,”boss, mukhang tumataas na ang tubig”…”ok lang yan,ano ba bago?” sabi ni TL. O siya, sige. Gangbang pa rin. Lamang na kami sa kalaban. OK! panalo! Rebanche daw. Sige RM na to. Di ko na mabilang kung nakailang round kami. Basta,naalala ko lang na masaya ako paglabas ng shop dahil panalo kami.

Ala-una na nang tanghali nang maisipan naming lumabas. Hindi dahil sa concern kami at baka malunod na ang mga kamaganak namin sa baha kundi dahil sa magsasara na ang shop. Binalak pa namin maghanap ng bukas na shop para ituloy ang naudlot na giyera ng mga Sentinels at Scourge. Paglabas ko sa pintuan, “Holly Puwet!” antaas na ng tubig. Ups! may kasama pang lumulutang na jerbaks mula sa nalunod na poso-negro. At kung bakit tinawag na poso-negro ang bahay-tae ay isang malaking palaisipan pa rin sakin hanggang ngayon. Tanginers talaga. Ngayon lang yata nangyari to. Lahat na ng pwedeng daanan nalunod na sa tubig. Pagtawid ko sa EDSA, pucha yung mga sasakyan di na gumagalaw. Nakapatay na nga ang mga makina siguro dahil naisip na rin ng mga drayber na wala nang pag-asang umusad pa. Tsk! Watdahel is happening? naitanong ko sa sarili ko. 

Pakiramdam ko naligaw lang ako sa ibang planeta nung mga oras na yun. Syet! wala na talagang masakyan. Sumabay pa ang globe sa problem ko. Nalunod din yata yung signal ng lekat. Di ako makapagtext. Tanginers na Bagyong Undoy yan. Buti na lang medyo maganda mood ko dahil panalo ako sa DOTA kundi, nakow! isasama ko na talaga sa hate list ko yang bagyong yan.

Nawalan na ako ng pag-asang makasakay pa. Naisipan kong bumalik na lang sa opisina para magpalipas ng gabi. Amoy wasabe na yung brip ko sa pawis dahil sa kakalakad tapos bukas pa ako makakauwi. Putek, tiis-tiis na lang muna. Ginamitan ko na lang muna ng Johnson’s Baby Powder. Awang-awa na ako kay pototoy ko dahil sabi yukines na daw yung brip ko. In fairness masarap pala ang pakiramdam ng may pulbo sa yagbols. hehe. Nagmukhang espasol si pototoy ko dahil sa dami ng pulbong binudbod ko.

Nanood na lang ako ng TV buong gabi sa opisina. Linggo ng umaga na ako nakauwi.

Posted by bioniclugaw at 7:33 pm | permalink | comments[3]

Lagareng kabayo

Wednesday, October 7th, 2009

Olrayt…isang mabilisang update habang nakasingit akong gumamit sa PC ng opis.wag lang sana mascreenshot ng lintek na IT. May balak pa akong magtagal dito sa trabahong to. Pucha, ambilis ng mga araw. Dinaya na naman ako ni haring oras. Akalain mong limang buwan na pala ang nakalipas nung huli kong kinalikot ang lungga kong ‘to. Salamat nga pala dun sa mga napapadaan pa rin kahit wala namang napala. O siya eto na, magpaparamdam na ako. Matindi lang talaga pangangailangan ko nitong mga nakaraang buwan kaya wala talaga akong oras bumalik sa blogosperya. Lagare to the bones ako ngayon. Isa akong callboy sa gabi at singer sa lamay tuwing umaga. tsk! Mahirap kaya yun. Dighay nga lang ang pahinga ko. Pati sa pagtulog, napapanaginipan ko pa na nagpupunta ako sa lamay. Paggising ko, wasted na wasted ang pakiramdam ko. Lecheng buhay to,pati ba naman sa pagtulog eh nagpupuyat pa rin ako. Tanginers. Anghirap talaga pag naging dead-hungry ka at slam-soil[read: patay-gutom at hampas-lupa]. Kelangan mo talagang kumayod ng todo. sus ginoo.

Lintek, kelangan ko na naman magtrabaho. pahiram muna ng dialogue ni McArthrur,” I shall return…”

Posted by bioniclugaw at 7:32 pm | permalink | comments[3]

Plakda si Hatton!

Monday, May 4th, 2009

Bago ko makalimutan, nanood pala ako ng laban ni Manny Pacquiao kahapon. Congratulations Manny! Anggaling mo!

Potek namang laban yan. Di pa man nag-init ang tumbong ko sa panonood e bumulagta na agad ang mayabang na si Hatton. Round 1, bagsak dalawang beses. Round 2, plakda. Di na bumangon. Tulog si gago. As in. Nagmukhang batang pinabili lang ng suka ang itsura ni Hatton. Di malaman kung ano ang tumama sa kanya. Alam kong malakas sumuntok si Manny pero di ko akalain na ganun nya kabilis ididispatsa itong maangas na Briton. Hindi umubra ang panggugulang ni Hatton.

May suspetsa akong badinggerzi itong kalaban ni Manny. Panay ang yapos at pilit nakikipagholding hands kada napapadikit si Manny. Hindi kaya front lang nito ang pagiging boksingero? Napansin ko kasi sa mga iba pa nyang laban, lagi siyang nangyayakap ng kalaban. Suspetsa ko lang naman yun. Ayan tuloy, nasampolan siya ni Manny. Di nakayanan ang rapid fire tondo style sapak ng ating pambansang kamao.

Pwedeng-pwede nang gawing endorser si Manny ng Trust condom pagkatapos ng nangyari sa laban nila ni Hatton. “Trust Condom: Round 1 pa lang, bagsak ang tamod! You know…”

Kung basagan din lang naman ng mukha ang pag-uusapan, di tayo patatalong mga pinoy. Walang sinabi ang mga Britton. Sabi nga ni Manny,”Payt lang nang payt! You know…” Sana isunod na si Floyd Mayweather Jr. nang matigil na ang kayabangan nilang mag-ama. Tama na ang satsat, isunod na yan!

Posted by bioniclugaw at 4:08 pm | permalink | comments[15]

News Flash: Kaning Lamig, Naipit!

Nagmamadali akong pumasok sa opisina nung isang gabi. Muntik pa ako malate. Medyo naka-200 kilometers per hour yata ang tulog ko at di ko namalayan malayo-layo na pala ang byahe ko sa panaginip. Ginising ako ng mahinang tapik sa paa. alas-otso y media na pala. alas diyes ang pasok ko sa trabaho. Dali-dali akong bumangon at naligo. Para akong hinahabol ng taga sa sobrang pagmamadali. May naiwan pang sabon sa kili-kili ko paglabas ng banyo. Ok lang, wag lang ma-late. haha. Inisip ko na lang na deodorant yung malagkit-lagkit na nakakapit sa buhok ng kili-kili ko. deodorant yan…deodorant yan…deodorant yan…parang naglalaro sa utak ko ang mga katagang yan[in denial mode ako ngayon kaya syatap, howkei?].
 
9 pm. 1 hour before office time. Usually 8:30pm nakaalis na ako dapat ng bahay sa dahilang ayoko ng naaiipit sa hebi trapik ng EDSA. Yung tipong nagmamadali ako tapos matyempuhan kong sumakay sa jeep na pinaglihi yata sa pagong sa sobrang kupad magpatakbo. Yung isang pirma na lang ng bulate e maagnas na yata ang makina. may libre pang umaatikabong sunog-baga na buga ng usok na akala mo may powerhouse cast ng dragon katol. Ayoko ng ganun, hmmkei? Kaya naman madugo kapag ganitong late na ako at di pa din nakabihis. Isang maling biro e sapak ang aabutin.
 
Pasakay na ako ng jeep nang may maramdaman akong malagkit na nakakapit sa pagitan ng mga daliri ko sa paa. Sobrang lagkit na nakakairita. Medyo malayo-layo pa naman ang lalakarin ko papuntang opisina. Tanginers na yan, may hinala na ako kung ano meron pero “syimpri”, gaya ng sabi ko, indenial mode ako [ o tamad lang mag-imbestiga?]. Sakay ako MRT, di pa rin matanggal. Baba ako MRT, di pa rin matanggal. Sumabay pang late na ako kaya wala na ako oras mangalikot ng paa sa gitna ng kalsada. Tiniis ko ang nakakairitang malagkit na yun sa pagitan ng aking mga daliri.
 
Sa wakas nakarating na ako ng opis. Dali-dali kong sinilip yung sexy kong mga daliri sa paa[oo sexy talaga daliri ko sa paa , pramis]. Anak ng pukeng bagong ahit, kanin pala. Ginawang boarding house ng kanin ang sexy kong daliri sa paa. Dun pa mismo sa pinky finger sumiksik ang hindot. Langyang kanin yan,anong akala nya sa daliri ko, parausan? Bwiset!
Posted by bioniclugaw at 9:30 am | permalink | comments[5]

The Graduate

Monday, April 27th, 2009

“I never let my schooling interfere with my education”-   Mark Twain

Madami na namang estudyante ang nagtapos sa taong ito. Nadagdagan na naman ang mga tambay ng lipunan. Dibale nang alang trabaho, basta may diplomang ididisplay sa dingding ng bahay. Yan kasi ang premyo ng ating mga magulang na pwede nilang ipagyabang sa tsismosang kapitbahay. Ego trippers din ang mga parents natin. haha. ”oy yung anak ko nakatapos ng engineer.” Kala nyo pinagtapos kayo para gumanda buhay eh noh? Hinde. Haha. Napansin nyo ba na kada may family reunion e nagpapataasan ng ihi ang mga magulang natin?

Bidang magulang 1:“oy si junior ko graduate na ng engineer yan!”

Bidang magulang 2:“san siya ngayon nagtatrabaho?”

Bidang magulang 1:“oo pogi ang anak ko.”

‘nlabo ng sagot.

Nung estudyante pa lang ako e madalas kong marinig ang pangaral ni ermat. “anak, mag-aral kang mabuti para makahanap ka ng magandang trabaho.” Teacher kasi ermat ko kaya sa araw-araw na ginawa ng Diyos e ito ang pangaral nya sakin.

Ok naman ang pangaral na yun. Isinapuso naman namin ng utol ko. Kaya nga yung kuya ko e gumradweyt sa UP. Suma.

Suma-sampung taon bago siya  nagtapos. Sa di namin malamang dahilan e sumaydway muna si kolokoy. Nagpakadalubhasa sa kalokohan. Sumali sa fraternity at nadyaryo pa sila sa kasagsagan ng frat war sa kanilang campus noong dekada nobenta. Muntik na makickout at nawalan ng gana sa pag-aaral.

Sabi ko sa sarili ko. Di ako tutulad kay kuya. Ayokong umabot ng sampung taon sa kolehiyo. Mahirap yun kako. Ayun, gumraduate ako.

Magna.

Magna-nine years ako sa kolehiyo. Haha. Di naman. Juk unli. Six years lang naman. At least di pa rin ako umabot ng sampung taon tulad ng kay utol. Anggandang achievement para sakin. Natupad ko ang pangarap kong di matulad kay utol. Di nyo naitatanong, nasa lahi talaga namin ang nagtatagal sa kolehiyo. May mga tito kasi ako na inabot ng sampung taon. Kelangan may magmana. Kami ng utol ko ang sumalo sa tradition. Haha.

Nakaapekto ba yun sa kinahinatnan ng buhay namin? Ewan. Andun kasi yung stigma na kapag hindi maganda ang academic record mo sa kolehiyo e wala ka nang future. Yun kasi ang turo ng mga magulang natin. Sa kaso namin, we broke the myth. Hindi totoo yun. Mukhang napaganda nga epekto nun sa kapatid ko dahil isa na siyang Manager ngayon sa kumpanya ni Danding. Maayos na ang buhay. Ako na lang yata ang hinde. Hehe.

Bago nadedbol si ermat nung bata ako, pinangako ko na tatapusin ang pag-aaral kahit anong mangyari. Nag-aaral din naman ako nun. Di nga lang ako yung tipo ng estudyante na bahay-paaralan. Hanggang sa mabarkada at muntik na tinamad makatapos. Medyo nahimasmasan lang ako sa huli nung maalala ko ang pangako ko kay ermat. Mahirap na, baka bigla akong dalawin nang wala sa oras. Ma, peace tayo. Haha. Sensitib pa naman ang mga balahibo ko pagdating sa bagay na yan. Bigla na lang nagsisitakbuhan. Nauuna pa sakin pag multo na ang usapan.

Sinasabayan ko pa rin naman ng konting gimik yung pag-aaral. Katwiran ko kasi e minsan lang ako magiging estudyante. I might as well enjoy it. Kelangan ko din kumerengkeng ng konti noh? “Sayang ang Miles!” sabi nga nung isang credit card company.

Masipag ako pumasok nun na kahit bangenge pa ako dun sa inuman e go pa rin ako sa klase. Kahit lasing, pumapasok pa rin. Ganun ako kadedicated sa school. Mataas pa rin naman ang mga grades ko nun. Di nga lang ako nagfufull load. May mga raket kasi ako dati saka lintek ang enrollment sa FEU noong andun pa ako. Pabago-bago ng curiculum lalo na sa institute namin. [ayan, nangatwiran pa ako e noh?]

Nagtaka na nga lang ako nung nagsimula na ako mag-apply ng trabaho. Karamihan ng may-ari ng kumpanya na inaplayan ko e puro mga college drop-out ang may-ari. Pinilit kong tapusin ang kurso ko para magtrabaho sa boss na hindi nakatapos ng pag-aaral. Anak ng kunehong baog! Anggaling. Hindi ba insulto sakin yun? Si Bioniclugaw, college gradwet tapos magiging alila ng isang high school gradwet lang?! Watdafak. Parang may mali yata.

Dahil dun, nagsaliksik ako. Nalaman ko na si Bill Gates pala, na pinakamayaman sa buong mundo, ay college drop-out. Maging ang mga tycoons natin dito sa ‘pinas tulad nila Henry Sy at Lucio Tan ay di rin pala nakatapos. Saludo ako sa mga taong ito. sa kabila ng kakulangan nila sa edukasyon, nagawa pa rin nilang magtagumpay sa buhay. Nagkamali ba ng payo ang aking mga magulang? Ewan.

“It is hard to fail, but it is worse never to have tried to succeed.”
Theodore Roosevelt

Ang mali siguro ay kung tinatapos mo na ang edukasyon mo paglabas ng unbersidad at magpadala sa takot na magkamali. May mga tao kasing ganun. Masyadong nakulong ang utak nila sa traditional na eskwelahan. Ayaw na matuto ng panibagong kaalaman. Bakit ko nasabi ‘to? May kilala kasi akong ganun. Nag-aral ng mabuti. Nagtapos. Nakahanap ng magandang trabaho na malaki ang sweldo. Nagkapamilya at nagkaroon ng mga anak. Pagkalipas ng dalawang dekadang paninilbihan sa kumpanyang pinasukan, nagsara ang kumpanya. At sa edad na kwarenta, tumambay na lang sa bahay. [Isipin mo yun? Kwarenta pa lang, isinuko na agad ang pangarap? Ano akala nya, baldado na siya?] Hindi na naghanap pa ng kabuhayan. Saan na napunta yung sweldong malaki? Wala. Gumastos nang gumastos. Akala yata walang katapusan. Hindi na nakapag-ipon.

May mas malaki pang unibersidad pagkatapos ng kolehiyo. Iyon ay ang iskwelahan ng buhay. Talo ang duwag at ayaw sumubok. Hindi iyon natatapos hangga’t hindi pa pumantay ang iyong dalawang paa at pinaglalamayan ang iyong betlog ng asawa mo. Bagsak ka pag mahina ang loob mo. Walang class card dito. Makikita ang grado mo sa bilang ng taong makikipaglibing sayo pag kinuha ka na ni Lord.

I wrote this poem few days before I finished my thesis. I had it printed at the back of my thesis book during my last days at the university. Very mushy but what the heck, ganun talaga ang mga paalis na ng school. Nagiging emotional.

Dreniskus

There is a journey way ahead of time, open it up and you will see. Let us plant a new beginning today, initiate the first step of glory. Through the barricades we should come to make things happen. Proclaim the spirit’s desire, conquer the King’s den.

Illuminate the path for a glimpse of courage against cowardice. The dark rain seems so vague for the daring heart’s bliss. Put the blueprint of valor beneath, the rising sun comes sooner. Do not be afraid to wait, it’s just a single step longer.

Now is the time to look! The chance is near the periphery… Throw the wicked thoughts of defeat to shear emotions of victory. Cry for the pains of struggle. Nevertheless, carry the eagle’s boldness. Bring the new blood of hope, and be the best you can be.

-Bernard Dreniscus Bautista, 4:08 am March 20, 2003

Speaking of education, CONGRATULATIONS sa high school barkada kong si Atty. Antonio “Bingbong”  Ladera IV. Isa na siyang Abugago, este Abugado. Lumabas na ang resulta ng BAR Exam nung isang linggo at isa siya sa pumasa. Ayus! Libre na panotaryo ko!

Posted by bioniclugaw at 2:55 am | permalink | comments[9]

     

March 2010
M T W T F S S
« Oct    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Sponsored Links

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK