Home » Archives » 05. February 2009
A Ghost Story : MOnster under my bed
Thursday, February 5th, 2009
Ewan ko ba kung san ko nakita tong picture na ito. Basta kalat na kalat ito sa internet. Ang nakakainis lang nito eh kamukha ko pa yung lekat na natutulog na yan sa ibabaw ng kama. Eh sino naman kaya yang nasa ilalim na yan? Malayong kamag-anak ni Sadako?
Ibang klase din dati ang mga palabas na horror. Laging may habulan sa pagitan ng moomoo saka nung bida at ang dialogue lang ng moomoo ay walang katapusang “HAR! HAR! HAR!” habang yung bida naman e kunyari nadadapa sa pagtakbo. Gusto ko pag ako ang gumawa ng horror film ay yung medyo cute.
Ganito ang gusto kong dialogue:
Moomoo: “Harrr!!! heto na me! takbo na u!”
Bida: “Ayan na nga, takbo na me! dapa naman u! pagod na me!”
Wala pa naman ako matinding karanasan sa mga multo. Yung tipong parang poltergeist? Di pa naman ako nakakita ng entity na umiikot ang ulo. So far wala pa naman. Ang laruan kong G.I. Joe nung bata pa ako ang alam ko lang na umiikot ang ulo nang 360 degrees. Pwede pang tanggalin.
Yung mga paramdam lang tulad ng mga tunog na di ko maipaliwanag sa labas ng aking kwarto nung minsan patulog na ako. O kaya anino sa gilid ng puno. Pero totoo kaya yun mga ganun? Madami na rin ako narinig na mga kwentong katatakutan mula sa mga kaibigan at kamag-anak. Kundi man nananakot eh talagang mga anak lang talaga ng kabron ang mga lintek. Gusto lang talaga ako takutin. Lalo na nung bata pa ako. Takot na takot talaga ako.
Ngayon tumanda na ako, naisip ko na mas nakakatakot pala ang sa Gobyerno. Andami kasi Ghost Employees. Nyay!
Mga Magnanakaw ng Lakas
May kaibigan ako. Nakatira siya sa bahay na madilim ang loob. Yung tipong kahit tirik na tirik na yun araw eh madilim parin kaya kelangan bente kwatro oras ang ilaw. Basta yung bahay nila ay mahirap pasukan ng liwanag. Pag pumasok ka eh kala mo kweba. Kung hindi lang sa mga taong nakatira ay di mo pagiisipang pumasok. Baka magulat kana lang may pangil nang nakatirik sa leeg mo. Bahay pala ng bampira. aaarrghh!!!
Bakit ko naikwento ito? Wala lang din, trip ko lang. Naawa na kasi ako dun sa kaibigan ko. sunod-sunod yung kamalasan. Minsan naniniwala na rin ako sa feung shui. Sabi nga nila eh may epekto ang pagkakaayos ng iyong kapaligiran sa iyong kapalaran. May katibayan din ito kung susuriin mo. Halimbawa na lang:Ahhmm…ehhh…ahmm…wala akong maisip na example. Basta ganito na lang- subukan mo kaya kumain sa harap ng pampublikong inidoro? With matching jerbaks na nangingitimna.
Balik tayo dun sa kwento ng kaibigan ko. Eto pa malupit. Napansin ko na lahat ng nakatira dun sa house nila eh laging mainit ulo. Kung may magandang balita, deadma. Kapag badnews naman eh mas matindi pa sila sa dragon kung magalit. Kumbaga parang yun radar nila eh para sa mga Badnews lang. May ganun talagang mga tao. Parang di kumpleto araw nila pag di nakakita ng di maganda ngayon araw. Ang pinagtataka ko lang eh mga miyembro sila ng isang organization sa simbahan. Tama din minsan yun YANO eh. (music: to the tune of Banal na aso, Santong Kabayo.Hi-hi-hi-hi!)Para kang nanonood ng commercial ng pintura sa TV. Yun may babaeng mataba na putak ng putak habang bising-bisi si mister sa pagpintura sa dingding ng bahay nila. Boysen ba yun? Sabi nga sa ingles eh mga FAULTFINDER.
Kaya lalong minamalas eh. Dun lang nakatingin sa pangit. Ayun nagmumukha na sila mga kulugo. Minsan nasubukan kona maka-encounter ng mga taong katulad ng nabanggit ko. Isang linggo ko pa lang nakasama eh para na ako mauubusan ng espiritu. Yun tipong kada kausap mo yun tao eh para kang nauupos na kandila sa sobrang bigat ng pakiramdam na akala mo eh magugunaw na ang mundo. Mahirap… Actually minalas din ako nung time na yun. Muntik na nga ako mahawa. Contagious pala yun.
Maliban lang dun sa maniakis na bading sa avenida eh andami talagang taga-higop ng lakas dito sa mundo.
Blah! blah! blah! blah! Abudeh! abudeh! abebebebe…. Ayoko naaaaaaa!!!!









