bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Nakalimutan ko, 2009 na pala

Friday, February 6th, 2009

Pebrero na pala ngayon. Di ko yata namalayan na tapos na pala ang 2008. isang taon na pala ang nakalipas. Di man lang ako nakapagpaalam ng matino sa 2008. Di pa naman ako katandaan pero unti-unti ko na nararanasan ang signs of aging. Anghirap minsan aminin sa sarili na tumatanda na pala ako. Parang kelan lang eh kayang kong patumbahin ang limang bote ng Red Horse, tapos maglalakad pa ako pauwi sa bahay na parang walang nangyari. Partida pa yun dahil nakainom na ako sa kabilang kanto ng isang bilog bago tumoma ng beer sa bidyokehan. Sa Quiapo pa ako dati nakatira nung estudyante pa ako. Lagi kami dati dun sa GLO-B Videoke Bar sa may Bilibid Viejo (Buhay pa kaya yun bidyokehan na yun?). Pag umiinom kami nun eh parang wala nang bukas. Ngayon, isang bote palang eh para na akong  isinakay sa rollercoaster ng patiwarik at umikot-ikot ng isandaang beses. Mahina na talaga sikmura ko pagdating sa inuman. Pero syempre pag may libre eh lumalabas parin ang pagka-lasenggo ko Nyahaha!!!

 Ang ikinakatakot ko lang eh baka matulad ako dun sa commercial ng Arthrosin (mali yata spelling ko)sa TV. Imaginin mo, pag uminom ka nung gamot na yun sa artaritist eh magiging paatras ang lakad mo ala moonwalk ni Michael Jackson? Astig!

 Ansarap din mag-reminiscing the past kada bagong taon. Ansarap balik-balikan yun mga kwentong paulit-ulit mo na rin kinkuwento kada mag-geget-2gether kayo ng mga hyskul prens mo at nagiinuman. pare-parehong kwento pero nakakatawa parin kada pinag-uusapan sa harap ng serbesa. Haay sarap!

Teka anong petsa na ba? Ah oo 2009 na nga pala. Mahirap tanggapin pero 2009 na nga talaga. malapit na ako lumagpas sa kalendaryo! Ilang taon na lang eh kasama na ako dun sa mga 30 something people. Minsan madaya talaga ang oras. Hanggang ngayon feeling ko teenager pa rin ako. Gusto ko nga minsan iumpog ang ulo ko at baka na-timetravel lang ako eh. Hindi kaya napunta lang ako sa isang warp-zone? Parang ambilis kasi ng mga pangyayari. Fresh pa kasi sa utak ko yung time na bagong tuli yun pototoy ko eh. Sabi ng doctor German Cut daw ang style. Di ko maisip kung bakit tinawag na German Cut yun tuli ko.Dahil ba sa ang pototoy ay parang asong German Shepherd na naglalaway? O kaya kamukha ni Hitler na capable of World Domination? Ah ewan! Makatulog na nga.

This portion is brought to you by:

 

Posted by bioniclugaw at 4:17 pm | permalink

Add a comment








     

February 2009
M T W T F S S
    Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

chocoporridge:

wala, wala ka na naman, saan ka na naman nagliliwaliw

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK