bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Piyesta ng Quiapo

Saturday, February 7th, 2009

Tapos na pista ng Quiapo (Jan. 09 para dun sa nakakalimot) pero ngayon ko pa lang naisip na pag-aksayahan ng oras magmuni-muni ng mga karanasan ko nung nasa kolehiyo pa ako. Sa Quiapo na rin kasi ako inabot ng pagbibinata habang nag-aaral dati sa FEU. Dun na ako tinubuan ng sungay at nakaranas ng kung anik-anik na bagay na dapat maranasan ng nagbibinata. Mga limang taon din ako nagkalat ng lagim sa Quiapo bago ko naisipang lumipat ng lungga. Dun ako dati nakatira sa mismong harap ng Baste. Katapat mismo ng boarding house namin yun Burger Machine (Nung huli kong dalaw dun e wala na, nagsawa na siguro sa pagmumukha nung dati kong Landlady).

Anyway, balik tayo sa Pista. Kada pista noon ay sinasabayan ng magarbong selebrasyon ng mga resident manginginom. San ka pa? Bumabaha ng alak  kada pagdating ng Enero 9. Eto yun time na nag-geget-2-gether ang mga bigatin ng lasingan. Lahat yata ng tomador  at mga astig ng Quiapo ay naging barkada ko. Andyan si Butchoy, tulak ng Bilibid Viejo.  Siya ang leader ng grupong OPG. Para sa mga di nakakaalam kung ano ang OPG: ang sabi ng mga founders nila ay OPG stands for Original Pinoy Gangster. Di ko alam kung saan lupalop ng mundo na naman  nila nakuha to pero may suspetsa ako. Malamang nasobrahan sa kakasinghot ng katol ang nakaisip nito. Sabi kasi nung kalaban nilang gang  ay Original Patay Gutom daw. Mga tirador kasi ng rugby ang mga lekat. Andyan din si Kuya Toto na self proclaimed former addict pero naging alcoholic na lang. Di ko alam kung renewed ba siya or naubos lang talaga pambili.In fairness naman eh mabait siya samin so wala ako problema sa kanya. Madami pang tambay na pwedeng banggitin pero hahaba na ang susulatin ko. Ang pinaka-astig ay si Ike. Basta, siya yun pinakatigasing tomador sa Hidalgo.

Meron pa akong sinalihang grupo dun. Pangalan ng grupo namin ay KABISIG. Ewan ko kung bakit eto naisip nilang pangalan. Medyo nagkulang siguro sa iodine yung nag-isip nito kaya kung ano na lang ang unang lumabas sa kukote eh yun na yun. Pero kahit ganun, dito ko nakita yun mga taong mrurunong makisama. Wala ako masabi.

 May seremonya ang pagsali dito (kala nyo mga franternity lang sa UP Campus ang may K gumawa ng seremenya ha).Syempre di mawawala yun mga seremonya. Eto yun nagbibigkis ng samahan para lalong dumami ang mga lasenggo sa buong Pinas.Since grupo ng mga lasenggo itong sinalihan ko, syempre may pautot muna na mahaba-habang inuman. Tutumbahin nyo muna ang dose-dosenang stainless bago isakatuparan ang pang-finale. Actually, kasama na yun lasingan dun sa seremonya. Makakatulong daw kasi yun para dun sa final initiation. Eto na. Tatlo kami nun nakapila sa deathrow…este para sa initiation. Di ko na babanggitin yun ibang eksena kasi baka magalit ang MTRCB. Too much violence daw kasi. Andyan yun pitik-pitikin yun betlog mo habang bangenge kang gumugulong na sa kalsada. Gagawin mo din yun snake crawl paakyat sa hagdanan habang tinatawag mo yun mga uwak.  At pagkatapos ng kung anu-anong kabulastugan, sinunog yun kaliwang braso ko ng isang stik ng sigarilyo. Buti na lang bangenge na ako. Atlist di ko naramdaman masyado yun sakit. Ayus! Naalala kolang ay umuusok yun balat ko nung ginawa yun. 3rd degree burn. Ok na sana kaso paggising ko kinabukasan, dun ko na-realize na nagsisimula pa lang pala yun kalbaryo ng kaliwang braso ko. Lekat! Pagpasok ko sa skul, nagtataka ako kung bakit lahat ng makasalubong ko e nagbubulungan. Feeling ko naman poging-pogi ako. Dali-dali akong pumunta sa CR para magsalamin. Bwisit, may siraulong nagdrawing ng pototoy sa pisngi ko. Kaya pala di ko mahanap yun mga salamin kanina umaga.

Naalala ko pa nung first time ko masaksihan ang kapistahan ng Nazareno. More than 400 years na yata nila sineselebrate ito kaya naman bilib ako. Nagulat nga ako, dito ko nalaman na bago pa nauso ang Rock N’ Roll e meron na pala mga nag-iislam dancing. Imaginin mo, kelan lang naimbento ang Rock ng mga Kano. Di pala sila ang original ng mga pautot na slam dancing na yan. Walang binatbat ang Woodstock pestibal.  Anong sinabi ni Eddie Vedder sa mga debotong nakikipagbalyahan paakyat sa rebulto? Takot lang nya.Ha!

Sino nagsabing gaya-gaya ang mga pinoy? haha!

Umaakyat ako dati sa bubong ng boarding house namin kada dumadaan na yung Nazareno sa may Hidalgo.  Anggandang tingnan sa taas. Minsan gusto ko tumalon dun sa madaming tao ala Eddie Vedder. . O kaya natetempt ako tapunan ng tumbtaks yung kalsada (Salbahe pa ako mag-isip nun). Buti di ko ginawa, kundi malamang deadmeat na ako ngayon at pinagdadasal na ng mg kamag-anak ko na sanay makaalis na ako sa purgatoryo.  Kundi man ako mabugbog ng mga slamdancers na deboto e malamang tinamaan na ako ng kidlat ni Lord.

Bilib din ako sa mga debotong nakikipagrambulan para lang di makabitaw dun sa lubid. Antitibay ng  mga betlog. Kayang-kaya makipagsagupa sa init at libo-libo pang mga betlog din na nakikipagsiksikan sa init ng kalsada. Para bang simpleng-simple lang siyang nakikipagsiksikan habang kumakanta ng “ding-aling-aling-ding-dong…”. May nakapagsabi sakin na yung hibla daw ng lubid ay maswerte. Kaya ayun, meron nakaipit sa wallet ko ngayon. hehe!

 Sa tagal ko tumira sa Quiapo nun e ni minsan di ako nakapasok sa simbahan. Bago ka kasi makarating ng simbahan e may dadaanan ka munang lugar kung saan madaming sumisigaw ng “Dibidi! Dibidi!”. Sabay may lalapit sayo at bubulungan ka ng “Boss, dragonbold…may bago kaming scandal…”. Dun ko lang nahanap yun mga palabas na: Nang Gabing Lumandi si Lola Part 2, Huwag Bayaw at Hugutin Mo’t Isisigaw ko.

Gutom na ako. Sa susunod ulit.

Posted by bioniclugaw at 4:34 pm | permalink

Add a comment








     

February 2009
M T W T F S S
    Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

chocoporridge:

wala, wala ka na naman, saan ka na naman nagliliwaliw

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK