Home » Post Item » Singaw!
Singaw!
Wednesday, February 11th, 2009Anlupit naman ng tadhana sakin ngayon nakaraang dalawang araw. Tinamaan ako ng singaw sa gilid ng gums ko sa ibabang harap na ngipin( “ibabang harap? ano yun?” — pekto pakialamero). Basta dun na yun. Wag kana aangal at baka gusto mo maboldyak sa yagbols.( may singaw din kaya sa yagbols?). Tatlo-tatlo pa. ansakit! Lintek!
Sabi nila ang cause daw ng singaw e galing dun sa init na naipon sa loob ng bunganga. Feeling ko tuloy hotpapa ako kasi naipon daw yun init sa loob. Basta ang alam ko lang gawin pag may init na gustong kumawala e tinatae ko na lang. O kaya nagkukunwaring tumatae pero iba ginagawa. hehe…
Nahirapan tuloy ako makakain ng maalat at maasim na chibog. Sarap pa naman ng ulam ko kahapon na sisig. Siguro aabutin pa ito ng another 3 days bago talaga gumaling. Basa kasi loob ang bunganga na nagpapabagal sa paggaling ng sugat. Naisip ko tuloy dahil nahihirapan na ako eh sagad sagarin ko na pahirap sa sarili ko. Bigla ko tuloy naisip kung ano sa ingles ang salitang SINGAW. Pucha! Lalong sumakit ang singaw ko nung magresearch ako sa google.
Eto ang ilan sa mga kuru-kuro ng mga henyong nagbigay ng kahulugan sa palaisipang ito:
mango: Canker sore.
mikis196: Herpes (herpes? ang alam ko sa pototoy lang yun. Di kaya may sinubo na pototoy kaya naging herpes?–pektopakialamero)
oblivious m: I believe it’s a cold sore. I used to get them in my mouth and my mom always called it that.
eto pa tsismisan na nakita ko sa pinoyexchange tungkol sa singaw:
car728
May 22, 2004, 12:17 AM
aren’t they called canker sores?
karencorleone
May 22, 2004, 01:26 AM
aphthous stomatitis <<<<——–di ko akalain na pwede pala maging ganito kamiserable ang meaning ng singaw.
iwuvme
May 22, 2004, 01:34 AM
alam ko cold sore….
milewarrior
May 22, 2004, 06:06 AM
Canker Sore/Apthous Ulcer (http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/ency/article/000998.htm)
Etong mga to eh malamang galit na sa mundo dahil sa singaw:
«FickleMinded»
May 22, 2004, 01:09 PM
http://www.miamihost.net/ims/u/SweetPea_no8/Dolls/lightoflife2.gif
*pexadik*– hay naku, naging hopeless na talaga ako kung paano gagaling ang pagsingawin ko,minsan nawawalan na ako ng ganang gamutin,kasi kapag maliit pa lang at ginamot ko,wa epek din lumalaki pa din talaga,buset!!!
skuidward
May 22, 2004, 07:10 PM
ako grabe magkasingaw… e naka-braces pa ako.. kahit nung wala pa akong braces plagi din. grabe talaga, pagkagaling ng isa, may bago nanaman… siguro mga 2 weeks lang ata ako walang singaw w/in a period of 2 months…
skuidward
May 22, 2004, 08:15 PM
smilewarrior, siguro nga sanayan na lang pag sa akin. well, medyo nasasanay nanaman ako na palaging may singaw.
——–>>> eto malupit. sanay na daw sa singaw. siguro ginamitan ng promo: “But wait! there’s more! hehehe… ako din sanay na.
Parang kuliti din kaya ang singaw? kasi sabi nila pag namboso ka daw e magkakaroon ka ng kuliti sa mata. Yun may singaw kaya, nandila naman? ano kaya yun dinilaan?
Hirap naman nito. Dahil lang sa singaw kung saan-saan na napunta utak ko. Pero tingin ko e mas mabuti na yun sa bibig ko ang sumingaw kesa naman matrap ako sa loob ng elevator tapos iba yun sumingaw. Yun yung weapons of mass destruction which is caused by too much eating of kamote. Nasubukan ko na rin kasi mautot sa loob ng elevator at nakita ko kung pano umasim ang mukha ng mga kasabay kong pasahero. Syempre deadma ako. Ang unang pumiyok, guilty!










meron ako solusyon dyan sa mga tanong nyo… at maari pa kayong matuto ng dagdag na kaalaman…
visit nyo lang itong site na ito about canker sore or SINGAW…. http://hyl-it.webs.com
Posted by Mark at August 6, 2009, 4:32 pm