Home » Archives » 24. February 2009
Kwentong Clark part 1
Tuesday, February 24th, 2009
Isang taon din ako mahigit na naglagalag dito sa Pampanga. Ayoko nga mag-abroad kaso para na ring ganun ang tema ng buhay ko kasi puro poreyner din naman ang kausap ko dito sa work. Paksyet! Inaalila ako sa sarili kong bansa.
Mahirap ding katrabaho ang poreyner. Although hindi naman lahat ng puti dito e maldito pagdating sa pakikitungo sa mga pinoy, iba pa rin talaga ang trato satin. Gaya na lang nitong isang anak ng kabron na bossing namin. Isa siyang Canadian na dating lawyer kuno ni Marcos. Nalintikan na, lawyer siya kaya lahat ng pwedeng paikutin e pinapaikot nya. Sabi nga ng isang kaopismeyt ko eh, “Pare he is so parent! ayoko na siya kausap.” Parent nga talaga. Magulang ang lekat.
Both extreme ang social status ng mga tao dito. Andito yung mga extreme mayayaman. Sa kabilang banda naman e dito mo rin makikita yun mga tinatawag na “dead-hungry” at “slam soils”. Oo, tama iniisip mo, mga patay-gutom at hampas lupa ayon sa salita ni Donya Buding. Bakit ko nasabi yon? Akala ko kasi sa Maynila lang may squatter. Meron din pala dito. Di ko na babanggitin ang mga lugar at baka makatay pa ako ng mga tagarito. Nadadaanan ko kasi yung lugar hehe. Play safe na lang toits. Ano ko bale? Baka makeni-keni pa ako. Masyado kasi sila sensitib sa social status nila. Bagamat ganito nga ang kalagayan ng ilan nating kababayan dito, nakikita ko naman ang kanilang pagsisikap. Minsan nga lang, nagkakataon lang talaga na may mga taong pinanganak na kontrabida sa balat ng lupa. Nadadamay tuloy yung mga naghahanap-buhay ng marangal.
Ibang klaseng paraan magsikap ang mga pusakal dito. Andyan yung mawawalan ka ng kawad ng kuryente. Pati antena ng TV mo hindi pinapatawad. dito lang sa may Perimeter road e nagkalat ang magnanakaw. Nung isang buwan habang kinukuha ko yung mga sinampay kong brief e napansin kong kulang yung bilang ko. Binilang ko ulit. Kulang nga. Nawala yung poreberpeborit lababol kong bacon brief . Badtrip naman, limang taon kong inalagaan tapos dito lang pala mawawala. tsk.
Kanina pagkatapos kong kumain, kinuha ko yung basahan. At habang pinupunasan ko yung kalat sa mesa e napansin kong “uy! bacon!’[ read: nanguluntoy na brip] din yung basahan na ginamit ko. OMG! Akala ko nawala na! thank you lord at binalik mo sakin! Sino kaya sa kasama ko sa bahay ang salarin? Hmm…[with matching usok ng ilong. Kunyari galit na ako.]
Yung kaibigan ko dito sa opisina, ilang beses nang nanakawan ang bahay nila. Nakasaksi pa siya mismo ng holdapan. Nasaksak yung babaeng biktima, paktay. Sa harap mismo ng bahay nila. Wala na talagang safe na lugar. tsk.
Meron ding riding in tandem na tinatawag dito. Mga isnatser sila na nakamotor gaya ng napapanood mo sa TV. Ang di ko lang maintindihan sa mga biktima, kapag nadekwat na gamit nila e mali yung sinisigaw nila. Sisigaw sila ng “MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!”. eh di ba pag nakuha na yung gamit mo, dapat past tense na yun kaya dapat ang sigaw ng biktima e,” NAGNAKAW! NAGNAKAW!”. Sews, kaya karamihan ng mga magnanakaw ay di nahuhuli. Mali ang information na binibigay. Buti pa yung mga politiko, silent type pagdating sa pagnanakaw. hehe.Mga pakingsyet sila. Penge naman.
Yung opisina namin, hindi nakaligtas sa mga lintek na magnanakaw. Ninenok nang dalawang beses yung sa power supply namin. Powerbox daw tawag dun sabi ng tsismoso naming guard. Bwisit naman kasi natutulog lagi sa pansitan yung tagabantay. Pangalawang beses na nangyari yun. Christmas pa naman. Isang linggo kaming generator ang gamit. ansakit sa tenga, bwiset. Naudlot tuloy krismas party namin.
Pati yung malaki naming garbage can hindi rin nakaligtas.Basura na nga tinira pa. Kaya kung subukan mong manirahan dito e mapapansin mong malaking negosyo ang mga security agency. hehe. May pera talaga sa basura.
Tabo
Paggising ko ngayong umaga,
Takbo agad sa kubeta
Naupo sa trono, sabay pito.
Sumilip sa balde, wala ang tabo.
Haynaku naman, pano huhugasan?
Pwet na malagket, wala nang atrasan!
Tingin-tingin sa gilid baka adyan.
Ngunit wala! di na masilayan.
“Ala na ba talaga?” aking tanong.
Yaring pwet ay tila umurong.
Ayaw na bumuga sa pag-aalala,
Problema talaga, nalintikan na!
Hanap na lang papel, naisip ko.
Tingin-tingin ulit sa loob ng banyo.
Sa isang sulok aking nakita.
Isang lumang dyaryo na nakabukaka.
Naibsan ang aking pag-aalala.
Ang tagapagligtas ay andito na!!!
Tinaas ko na ang aking kamay
Upang abutin ang dyaryong pasaway.
Ngunit kalauna’y aking napagtanto
Di ko pala abot, makapangyarihan dyaryo.
Napilitang tumayo upang kunin sa taas.
Ngunit bago maabot, ako ay nadulas!
Sumemplang sa sahig, pwet ko’y gasgas.
Araguy! ansaket! buto yata’y kumalas!
Buti pa sana, sa bukid na lang nagbawas.
Doon sa gitna, madaming pamunas.
May fresh air pang bumubuga sa pwet na malagkit
Sa uulitin na lang, nang di ako magalit.
PS. Kung nagtataka ka dahil wala ang tabo dun sa picture sa taas. Malamang di mo binasa ang tula ko. Pakihanap na lang yung tabo.










