bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Kwentong Clark part 1

Tuesday, February 24th, 2009

Isang taon din ako mahigit na naglagalag dito sa Pampanga. Ayoko nga mag-abroad kaso para na ring ganun ang tema ng buhay ko kasi puro poreyner din naman ang kausap ko dito sa work. Paksyet! Inaalila ako sa sarili kong bansa.

Mahirap ding katrabaho ang poreyner. Although hindi naman lahat ng puti dito e maldito pagdating sa pakikitungo sa mga pinoy, iba pa rin talaga ang trato satin. Gaya na lang nitong isang anak ng kabron na bossing namin. Isa siyang Canadian na dating lawyer kuno ni Marcos. Nalintikan na, lawyer siya kaya lahat ng pwedeng paikutin e pinapaikot nya. Sabi nga ng isang kaopismeyt ko eh, “Pare he is so parent! ayoko na siya kausap.”  Parent nga talaga. Magulang ang lekat.

Both extreme ang social status ng mga tao dito. Andito yung mga extreme mayayaman. Sa kabilang banda naman e dito mo rin makikita yun mga tinatawag na “dead-hungry” at “slam soils”. Oo, tama iniisip mo, mga patay-gutom at hampas lupa ayon sa salita ni Donya Buding. Bakit ko nasabi yon? Akala ko kasi sa Maynila lang may squatter. Meron din pala dito. Di ko na babanggitin ang mga lugar at baka makatay pa ako ng mga tagarito. Nadadaanan ko kasi yung lugar hehe. Play safe na lang toits. Ano ko bale? Baka makeni-keni pa ako. Masyado kasi sila sensitib sa social status nila. Bagamat ganito nga ang kalagayan ng ilan nating kababayan dito, nakikita ko naman ang kanilang pagsisikap. Minsan nga lang, nagkakataon lang talaga na may mga taong pinanganak na kontrabida sa balat ng lupa. Nadadamay tuloy yung mga naghahanap-buhay ng marangal. 

Ibang klaseng paraan magsikap ang mga pusakal dito. Andyan yung mawawalan ka ng kawad ng kuryente. Pati antena ng TV mo hindi pinapatawad. dito lang sa may Perimeter road e nagkalat ang magnanakaw. Nung isang buwan habang kinukuha ko yung mga sinampay kong brief e napansin kong kulang yung bilang ko. Binilang ko ulit. Kulang nga. Nawala yung poreberpeborit lababol kong bacon brief . Badtrip naman, limang taon kong inalagaan tapos dito lang pala mawawala. tsk.

Kanina pagkatapos kong kumain, kinuha ko yung basahan. At habang pinupunasan ko yung kalat sa mesa e napansin kong “uy! bacon!’[ read: nanguluntoy na brip] din yung basahan na ginamit ko. OMG! Akala ko nawala na! thank you lord at binalik mo sakin! Sino kaya sa kasama ko sa bahay ang salarin? Hmm…[with matching usok ng ilong. Kunyari galit na ako.]

Yung kaibigan ko dito sa opisina, ilang beses nang nanakawan ang bahay nila. Nakasaksi pa siya mismo ng holdapan. Nasaksak yung babaeng biktima, paktay. Sa harap mismo ng bahay nila. Wala na talagang safe na lugar. tsk.

Meron ding riding in tandem na tinatawag dito. Mga isnatser sila na nakamotor gaya ng napapanood mo sa TV. Ang di ko lang maintindihan sa mga biktima, kapag nadekwat na gamit nila e mali yung sinisigaw nila. Sisigaw sila ng “MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!”. eh di ba pag nakuha na yung gamit mo, dapat past tense na yun kaya dapat ang sigaw ng biktima e,” NAGNAKAW! NAGNAKAW!”. Sews, kaya karamihan ng  mga magnanakaw ay di nahuhuli. Mali ang information na binibigay. Buti pa yung mga politiko, silent type pagdating sa pagnanakaw. hehe.Mga pakingsyet sila. Penge naman.

Yung opisina namin, hindi nakaligtas sa mga lintek na magnanakaw. Ninenok nang dalawang beses yung sa power supply namin. Powerbox daw tawag dun sabi ng tsismoso naming guard. Bwisit naman kasi natutulog lagi sa pansitan yung tagabantay. Pangalawang beses na nangyari yun. Christmas pa naman. Isang linggo kaming generator ang gamit. ansakit sa tenga, bwiset. Naudlot tuloy krismas party namin.

Pati yung malaki naming garbage can hindi rin nakaligtas.Basura na nga tinira pa. Kaya kung subukan mong manirahan dito e mapapansin mong malaking negosyo ang mga security agency. hehe. May pera talaga sa basura.

Posted by bioniclugaw at 4:50 pm | permalink

Previous Comments

hahah natawa ako dun sa bacon brief heheh. nagtatago ka rin pala ng ganun hehehe!

Posted by jabo at February 25, 2009, 1:36 pm

opcors naman. walang lalaking di dumaan sa pagtatago ng bacon brip. hehe kung pede nga lang iprito e ginawa ko na hehe.

Posted by bioniclugaw at February 25, 2009, 2:12 pm

natawa naman ako sa “dead-hungry” at “slam soils”. very good translation! hahahha

Posted by angel at March 2, 2009, 7:33 pm

pards, more power. maganda ang ginagawa mo para sa aming mga OFW…..at home kami sa blog mo

Posted by JeproX at May 22, 2009, 3:54 pm

nice ang galing mong magkwento… kahit malalim ang topic, nagagawa mo itong simple kaya ang sarap basahin di mo mamalayan tapos n pala ang kwento…

Posted by kim at February 12, 2010, 1:10 pm

Add a comment








     

February 2009
M T W T F S S
    Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK