Home » Post Item » Kwentong Clark Part 2
Kwentong Clark Part 2
Wednesday, February 25th, 2009
Sa tagal ko din dito sa Clark e marami na rin akong naging kaibigan na poreyner. May Australian, Belgian British pati German meron din. Malapit lang din kasi kami sa may redlight district ng fields avenue kung saan tumatambay ang mga poreyner na maniakis. Ito yung lugar sa Angeles na pinamumugaran ng mga kalapating mababa ang lipad. Ito yung legacy ng mga kano nung andito pa yung base nila. Ganda eh noh? Pumunta sila dito para mag-iwan lang ng tambayan ng mga pokpok.
Pag dumaan ka dito sa Fields Avenue, marami kang mapapansing kakaiba. 24 hours rumarampa ang mga bebot dito. Pasimple nga lang. Pagdating ng gabi, nakaparada na ang hile-hilerang babaeng kumekerengkeng sa kalsada para makuha ang atensyon ng mga poreyner na dumadaan. Kanya-kanya sila ng diskarte. Pakapalan ng make-up saka pabonggahan ng suot. Pataasan din sila ng mini-skirt at konting ihip na lang ng hangin e mag-hehelow world na ang bonggang-bonggang kuyukot ng mga hitad. Grabe din sa projection ang mga itech sa pagpapakita ang maskulado nilang mga legs. Para sa mga hindi nakakaalam, mas trip ng mga puti dito yung mga babaeng exotic. Yun bang parang ginulpi muna ni Pacquiao ang mga pagmumukha. Napagkamalan ko pang bouncer yung isa nung minsang dumaan ako.
Minsang pauwi ako, narinig kong nagtatawaran sa presyo yung isang poreyner saka isang pokpok sa isang sulok. Eto usapan nila:
Poreyner: “Hey yo! wazzup girl, how much?”
Pokpok: “Wantawsan pesos only joe.”
Poreyner: “That’s not fair, P600″
Pokpok: “No, wantawsan onli”
Poreyner: “Why is it so high? You’re no different from the other girls!”
Pokpok: “Bat I swallow!” [with matching Manny Pacquiao accent to the tune of: Extrem Majek Seng]
Natatawa na lang ako minsan. Kaya pala mahal kasi may “swallow” pang nalalaman ang lola nyo. Ano kaya yung isuswallow nya? hehe. Para akong nanonood ng infomercial sa TV. Hinihintay ko ngang sabihin ng bebot yung, “But wait! There’s more!”. Wag lang siyang maging hamburger na parang kabuteng nagsulputan sa bawat sulok ng Maynila. Pano kaya magiging dialogue ng mga bugaw pag nagkaganun? Ganito: “Oy pekpek kayo dyan! Bagong paligo pa! bili na! bili na! buy one take one!“. ayus. Kala mo bumibili sa talipapa.
Madami pa ako kakaibang karanasan dito kaso nga lang di na pwedeng isulat. Nakakaawa minsan yung ibang kababayan natin dito. Madami akong reklamo sa buhay pero matatauhan ako pag nakikita kong may mas malala pa pala yung kalagayan kesa sakin. Mas magandang magpasalamat na lang lagi kay papa Lord kung anuman ang meron.
Previous Comments
wahahaha!!! malay ko. ikaw alam mo lasa? Amoy zonrox e. mahirap na baka malason hehe
Posted by bioniclugaw at February 25, 2009, 6:19 pmsheesh! akala ko usapang sisig itong kwentong ito. peboreyt ko pa naman yun…
bisitahin mo naman Tambayan Ni Byter
Posted by byter at February 26, 2009, 2:40 pmahehehe… suki ako ni aling lucing. peborit ko din yun. sige bro daan me sa site u. lagay na rin kita sa blogroll ko.
Posted by bioniclugaw at February 26, 2009, 3:24 pmayus! kwentong sari-sari store pala ‘to. bentahan ng laman.
curious ako, importante ba ang lumunok?
Posted by Maru at February 28, 2009, 7:48 amewan ko maru. try mo tapos ikwento mo sakin pagkatapos. hehe jowk! kaya moba lumunok ng zonrox? lolz
Posted by bioniclugaw at February 28, 2009, 9:19 am









anong lasa ng swallow? LOLZZZZZ
Posted by ecks at February 25, 2009, 6:13 pm