bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Blog Everyday, Everyday OK!

Thursday, February 26th, 2009

Kung blogger ka at araw-araw ang posting mo sa iyong eberlabing blog, Eto lang ang dahilan nyan:

1. Maaring isa kang masipag na blogger na kahit tulog e nagtatype.

2. Isa kang makabayan and you’re out to rule the world.

3. Isa kang talented na writer at nakakapagsulat ka ng wantawsan words per minute. Yung tipong wala nang “on da sekond tot” kapag nagiisip ng idea. Sa sobrang talentado mo e walang mali-mali sa pagtipa mo sa keyboard.

“efficiency is speed.” - sabi ng isang di ko kilalang pilosoper.

4. Ginawa kang tagabantay ng internet shop nyo at nanghihinayang ka sa oras na nakabukas ang mga computer pero wala namang gumagamit.

5. Isa kang filler sa opisina at wala ka naman talagang ginagawa dyan kundi magpalaki ng betlog. Dito mo na lang binubuhos ang lahat ng creative juices na meron ang utak mo na di pa nadidiskober ng boss mo. Isa ka lang pabigat sa bulsa ng kumpanya mo at kung pano ka napasok dyan e malaking palaisipan sayo hanggang ngayon.

6. Isa kang dakilang empleyado na magaling lang talaga sumaydtrip sa blog mo habang nasa kalagitnaan ng meeting gamit ang eberepektib na ALT+TAB. Totoo yan, ilang beses na ako muntik na mahuli pero dahil sa heroics ng altab e nakaligtas ako sa amo kong pinaglihi sa dragon.

7. Isa kang bum at wala ka talaga magawa sa buhay kundi mang-urat ng buhay ng ibang tao.

Kung may iba ka pang dahilan, magcomment ka na lang para idagdag ko sa listahan. Wala lang talaga akong maisip na topic. Haay. hirap talaga ng walang ginagawa. Napaghahalata…

Posted by bioniclugaw at 3:47 pm | permalink

Previous Comments

One more reason. Para po mag-increase yung traffic, mag-increase yung page rank, and eventually magustuhan ka ng mga blog advertisers, para dumami ang offers sa sponsored posts, nang dumami ang laman ng paypal account mo, at nang mabili mo na ang pinakaiintay na [insert item name here] sa ebay. Lol. ^_^

Posted by Rows at February 26, 2009, 5:47 pm

ahaha!!! pwede rin. ano pa?:) addict lang talaga ako sa pagbablog. gusto ko kumita para makabili na ako ng pishbol. yum! yum!

Posted by bioniclugaw at February 26, 2009, 7:47 pm

Nag bloblog ako dahil gusto ko.yun na yun.ahhehehee…

pangparelease stress at boredom…masakit din naman si woten ang araw araw na pagjajkol..lols..ahahaa…

nice nice nice..

Posted by Maldito at February 26, 2009, 9:15 pm

parang number 5 yata ako

Posted by abe mulong caracas at February 27, 2009, 2:51 am

bilib nga ako sa nakakapost araw-araw. ako maswerte na makapost ng 1 per week tamad kasi ako hehe

Posted by madbong at February 27, 2009, 8:41 am

di mo talaga maintindihan ang mundo ng mga blogger pag di ka blogger. para itong bawal na gamot na nakakaadik. por syur,pantanggal talaga ng stress ito. hehe try nyo. sarap talaga magblog pwomiz.

Posted by bioniclugaw at February 27, 2009, 11:27 am

tena mo dren ako yata yang namber 7 LOLZ!

Posted by charm at February 27, 2009, 4:03 pm

eks, namber 7 din yata ako. hehe

Posted by bioniclugaw at February 27, 2009, 4:41 pm

ngayon naiintindihan ko na
kung bakit isang beses isang buwan
ako magblog
hahahahahaha

Posted by xG at February 27, 2009, 9:19 pm

di mo ba alam na stalker ako? kunwari nagbablog ako pero iniistalk ko lang kayo?

Posted by bioniclugaw at February 28, 2009, 9:12 am

Add a comment








     

February 2009
M T W T F S S
    Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK