Home » Archives » 27. February 2009
The artist
Friday, February 27th, 2009I was just browsing through the internet when I saw an article about my former classmate Kirby Roxas. Nainspire tuloy akong i-post itong doodle ko na naipost ko na rin dun sa nacomatose kong unang blog. Wala lang. Matagal ko na kasing tinakwil ang pagiging artist ko. Pero kahit ganun ang pinaggagawa ko, eto pa rin at parang may kung anong pwersa ang humihila sakin kung saan ako nanggaling. Paksyet na malagket kasi, anlayo ng trabaho ko ngayon sa pinag-aralan ko nung kolehiyo.
Nakapag-exhibit na siya ng mga paintings nya. Galing! Kasabayan ko lang ito dati nakikipagbalyahan sa pila ng enrollment sa FEU IARFA. Ngayon e pashow-show na lang sa mga exhibit[hindi ito show tulad ng iniisip mo dear reader na manyakis,wala sa cyberworld ang usapan natin]. Kapareho ko lang siya dati na mukhang ermitanyo sa pananamit at sa porma[longhair pa ako nun at mahilig sa butas na pantalon]. Huli kaming nagkita nung 2007 at ahem, ahem…maasim pa rin si parekoy. Anderstandabol naman kasi kalaban mo sa pagpipinta ang pasma. Masisira ang pulso mo kapag naligo ka agad pagkatapos ng halos bente kwatro oras na pagpipinta. Asyd prom dat, mukha pa ring ermitanyo ang poreber pasyoneyt na artist kong kaibigan[ganyan din ako dati bago ako nahatak ng korporeyt world at napilitang mag-anyong tao para magkapera].
Ngayon, beri saksespul na siya sa industriya ng sining bilang isa sa kinikilalang contemporary artist. Kasabayan nya ang isa ko pang klasmeyt na si Parker Encisa. Mga multi-awarded artist na silang matatawag. At least nabubuo na nila ang kanilang Personal Legend na tinatawag ni Paulo Coelho. I just witnessed a proof that when you love what you’re doing, no one can stop you from achieving your dreams.
On da sekond tot, napaisip ako sa sarili ko, hindi na yata ako nag-eenjoy sa career ko. Gusto ko bumalik sa pagpipinta.Oo, tama. Uumpisahan ko na bukas pinturahan yung bubong ng kapitbahay ko. Pera din yun. hehe.
Nursery Rhyme
Wan tu tri! asawa ni Mari, araw gabi walang panti!
After more than 10 years, narinig ko ulit itong nursery rhyme nato kahapon habang naglalakad ako pauwi. May sira-ulong bata na tumutula. Akala ko sa probinsya ko lang ito maririnig. Sino kaya ang bwakananginang gumawa ng nursery rhyme nato? Walang katuturan pero mapapangisi ka kapag narinig mo.
Lagi itong tinutula ng mga kalaro kong bata noong maliit pa ako. Hindi ko alam kung sino pasimuno pero bilib ako sa kanya. Malamang natalsikan siya ng laway ni Boy Sullivan, ang pamosong bashtush singer ng 80’s. Ang mga kanta nya ang suking patugtugin ng mga jeepney drivers dati sa probinsya namin sa Isabela habang bumibyahe from Cabagan to Ilagan. Sayang nga lang at naging extinct na yung mga jeep dito at pinalitan na ng mga bus.
Kung di mo siya kilala e malamang kahapon ka lang pinanganak. Bago pa nauso yung bandang Green Department nung 90’s e nauna na siya. Kasabayan nya yata sina Yoyoy Villame kundi ako nagkakamali. Siya ang nagpasikat ng kantang “Si Haring Solomon…may alagang pagong….” at iba pang bashtush songs.
Anyhow, balik tayo dun sa narseri raym. Nakakatuwa minsan pag may maririnig kang nakakapagpaalala ng iyong kamusmusan. Lalo na yung mga forbidden ones. hehe. Eto pa isa.
May dumi-dumi sa ulo, Ikakasal sa linggo.
Kapag utu-uto ka naman e mapapahawak ka sa buhok mo sabay punas sa ulo.
Kakanta naman ulit ang mga lukaret mong barkada:
Inalis! Inalis ikakasal sa lunes!
Pakingsyet na yan. Ilang beses na akong nabiktima.
May isa pa akong alam. Eto, sa wika namin ito kaya be atentib.
Bumbung! Kirakkibung! Appe Umay minung! Appe Umay kumang! Hay! hay! nadanganang!
Translation: Bumbung! Kirakkibung! [wala to, sound epeks lang ‘to]
Appe umay minung [ Kunwari daw iinom]
Appe umay kumang [ kunwari daw kakain]
hay! hay! nadanganang [ pung! huli ka!]
Kung anuman ang ginagawa nya e kayo na bahala mag-isip. Basta unang kinanta ito nung may nahuling nagtitikol sa loob ng CR sa isang classroom. Kayo, may narseri raym din ba kayong nagpapaalala sa inyong nakaraan?









