bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Nursery Rhyme

Friday, February 27th, 2009

 

Wan tu tri! asawa ni Mari, araw gabi walang panti!

After more than 10 years, narinig ko ulit itong nursery rhyme nato kahapon habang naglalakad ako pauwi. May sira-ulong bata na tumutula. Akala ko sa probinsya ko lang ito maririnig. Sino kaya ang bwakananginang gumawa ng nursery rhyme nato? Walang katuturan pero mapapangisi ka kapag narinig mo.

Lagi itong tinutula ng mga kalaro kong bata noong maliit pa ako. Hindi ko alam kung sino pasimuno  pero bilib ako sa kanya. Malamang natalsikan siya ng laway ni Boy Sullivan, ang pamosong bashtush singer ng 80’s. Ang mga kanta nya ang suking patugtugin ng mga jeepney drivers dati sa probinsya namin sa Isabela habang bumibyahe from Cabagan to Ilagan. Sayang nga lang at naging extinct na yung mga jeep dito at pinalitan na ng mga bus.

Kung di mo siya kilala e malamang kahapon ka lang pinanganak. Bago pa nauso yung bandang Green Department nung 90’s e nauna na siya. Kasabayan nya yata sina Yoyoy Villame kundi ako nagkakamali. Siya ang nagpasikat ng kantang “Si Haring Solomon…may alagang pagong….” at iba pang bashtush songs.

Anyhow, balik tayo dun sa narseri raym. Nakakatuwa minsan pag may maririnig kang nakakapagpaalala ng iyong kamusmusan. Lalo na yung mga forbidden ones. hehe. Eto pa isa.

May dumi-dumi sa ulo, Ikakasal sa  linggo.

Kapag utu-uto ka naman e mapapahawak ka sa buhok mo sabay punas sa ulo.

Kakanta naman ulit ang mga lukaret mong barkada:

Inalis! Inalis ikakasal sa lunes!

Pakingsyet na yan. Ilang beses na akong nabiktima.

May isa pa akong alam. Eto, sa wika namin ito kaya be atentib.

Bumbung! Kirakkibung! Appe Umay minung! Appe Umay kumang! Hay! hay! nadanganang!

Translation: Bumbung! Kirakkibung! [wala to, sound epeks lang ‘to]

                       Appe umay minung [ Kunwari daw iinom]

                       Appe umay kumang [ kunwari daw kakain]

                       hay! hay! nadanganang [ pung! huli ka!]

Kung anuman ang ginagawa nya e kayo na bahala mag-isip. Basta unang kinanta ito nung may nahuling nagtitikol sa loob ng CR sa isang classroom. Kayo, may narseri raym din ba kayong nagpapaalala sa inyong nakaraan?

Posted by bioniclugaw at 1:57 pm | permalink

Add a comment








     

February 2009
M T W T F S S
    Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK