bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Blog Everyday, Everyday OK! ayan may part 2

Saturday, February 28th, 2009

Napansin ko na matindi ang radar ng mga fellow-blogista ko kapag blogging ang pinag-uusapan. Dahil nagkaroon ng EDSA DOS ang EDSA WAN, at dahil dakila talaga akong papampam, eto may part 2 na.

 Tinanong ako ng isang kaibigan ko kahapon kung bakit masyado akong nahumaling sa pagbablog. Ano daw ba ang mahihita ko rito maliban sa pagkakaroon ng mala-tarsier na mata at mga daliring pindot ng pindot kahit wala namang pinipindot. Napaisip ako, ano nga ba?

Eto ang Top 10 reasons kung bakit ako nagbablog.

1. Wala lang, gusto ko lang magpapansin sa cyberworld gaya ng ibang blogista. Lahat naman tayo e may nakatagong KSP sa katawan. Kelangan kong punan yun dahil isa akong outcast nung sperm cell pa lang ako. Belat na lang dun sa ibang sperm cells dahil ako ang nabuo at hindi sila.

2. Dati akong OP ng isang MIRC Chatroom at naengganyo lang ako ng isang girlaloo chatter na bumisita sa kanyang blog[oo, puro girl lang chinachat ko, baka sakaling mag-aya ng SEB, hehe] . Nabola naman ako ng hitad at aba! parang diary pala itech! Binasa ko ang kanyang blog at ako’y naengganyong makigaya dahil nag-init si tweetybirdy ko sa mga pinagsusulat nya. Akala ko Xerex Xaviera online.

3. Teka wala akong maisip. mamaya na lang.

4. Wala akong magawa sa opisina. Kesa naman mangulangot ako buong maghapon. Sayang ang booger. Dito ko binubuhos lahat ng galit ko sa boss ko. Pero hanggang dun lang yun. Duwag ako sa personal eh. Lolz. Nagpapasalamat ako sa nag-isip ng ALT+TAB sa keyboard. Kung hindi dahil sa heroics nito, matagal na akong sisante sa trabaho.

5. May hinahanap akong labopmylayp na ilang taon ko nang di nakikita. May nagawa akong konting kasalanan sa kanya at eto ang paraan ko para magpapansin. Baka sakali nga namang sumikat ako at malaman nyang ako yung dati nyang dyowa na iniwan nya. “Sana mabasa mo ito. Inday! Asan kana?! sori at madilim talaga nung gabing yun. sa susunod, isushoot ko na talaga sa tamang butas. pwomiz.”

6. Artist ako, kelangan ko ng outlet sa cyberworld. Need ko na ring sumabay sa technology at baka mapagiwanan ako. Ayoko rin yung nag-aamoy pintura ako lagi noh! Kelangan social ako paminsan-minsan. Social climber din kasi ako. Dati akong taong grasa.

7. Hidden obsession ko ang pagiging writer. Gaya-gaya kasi ako talaga. Nakita ko lang na madaming nagbablog kaya nakigaya na rin ako. Dito walang restriction ang pagiging manunulat. Di mo na kelangan dumaan sa MTRCB para lang ilabas ang gusto mong sabihin sa madla.

8. Idol ko si Dante Varona. Oo mga kids, isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nagbablog. Kelangan nyong malaman ang showbiz 101 at isa si Dante Varona sa mga iniidolo ko. Kaya ko binuo ang blog na ito para ipaalala sa inyo na si Dante Varona ang bukod tanging nilalang na tumalon sa San Juanico Bridge na walang dobol para sa pelikulang Hari ng Stunt. 

9. Malapit na. isa na lang.[paker, wala nang maisip]

10. Isa akong makabayan at gusto kong ilabas ang lahat ng bwakananginang galit ko sa gobyerno.  Gusto kong murahin lahat ng nang-aapi at inutil. Pakyu Saddam! Pakyu Bush! Pakyu Lito Lapid…teka senador ba ito? ok, I got kerid away. Andami kong gustong itanong like: Bakit suki si FG ng lahat ng eskandalo sa Gobyerno? Bakit FG ang tawag sa kanya? Fucking Gorilla? Ano na nangyari kay Lozada? Nagkaonsehan lang ba sa partihan kaya siya pumiyok? Sino ba talaga pumatay kay Magellan? Eh si Lapu-lapu?May itatanong pa sana ako kaya lang natatakot na ako.[ sshhhh…may tao sa labas..may dalang bayong…]

Der u heb it. Ang Top Ten Reasons kung bakit ako nagbablog. Sa lahat ng sinulat ko, isa lang dyan ang totoo. Ikaw anong reason mo sa pagbablog?

Posted by bioniclugaw at 11:32 am | permalink | comments[4]

     

February 2009
M T W T F S S
    Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

Sponsored Links

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK