Home » Post Item » Blog Everyday, Everyday OK! ayan may part 2
Blog Everyday, Everyday OK! ayan may part 2
Saturday, February 28th, 2009Napansin ko na matindi ang radar ng mga fellow-blogista ko kapag blogging ang pinag-uusapan. Dahil nagkaroon ng EDSA DOS ang EDSA WAN, at dahil dakila talaga akong papampam, eto may part 2 na.
Tinanong ako ng isang kaibigan ko kahapon kung bakit masyado akong nahumaling sa pagbablog. Ano daw ba ang mahihita ko rito maliban sa pagkakaroon ng mala-tarsier na mata at mga daliring pindot ng pindot kahit wala namang pinipindot. Napaisip ako, ano nga ba?
Eto ang Top 10 reasons kung bakit ako nagbablog.
1. Wala lang, gusto ko lang magpapansin sa cyberworld gaya ng ibang blogista. Lahat naman tayo e may nakatagong KSP sa katawan. Kelangan kong punan yun dahil isa akong outcast nung sperm cell pa lang ako. Belat na lang dun sa ibang sperm cells dahil ako ang nabuo at hindi sila.
2. Dati akong OP ng isang MIRC Chatroom at naengganyo lang ako ng isang girlaloo chatter na bumisita sa kanyang blog[oo, puro girl lang chinachat ko, baka sakaling mag-aya ng SEB, hehe] . Nabola naman ako ng hitad at aba! parang diary pala itech! Binasa ko ang kanyang blog at ako’y naengganyong makigaya dahil nag-init si tweetybirdy ko sa mga pinagsusulat nya. Akala ko Xerex Xaviera online.
3. Teka wala akong maisip. mamaya na lang.
4. Wala akong magawa sa opisina. Kesa naman mangulangot ako buong maghapon. Sayang ang booger. Dito ko binubuhos lahat ng galit ko sa boss ko. Pero hanggang dun lang yun. Duwag ako sa personal eh. Lolz. Nagpapasalamat ako sa nag-isip ng ALT+TAB sa keyboard. Kung hindi dahil sa heroics nito, matagal na akong sisante sa trabaho.
5. May hinahanap akong labopmylayp na ilang taon ko nang di nakikita. May nagawa akong konting kasalanan sa kanya at eto ang paraan ko para magpapansin. Baka sakali nga namang sumikat ako at malaman nyang ako yung dati nyang dyowa na iniwan nya. “Sana mabasa mo ito. Inday! Asan kana?! sori at madilim talaga nung gabing yun. sa susunod, isushoot ko na talaga sa tamang butas. pwomiz.”
6. Artist ako, kelangan ko ng outlet sa cyberworld. Need ko na ring sumabay sa technology at baka mapagiwanan ako. Ayoko rin yung nag-aamoy pintura ako lagi noh! Kelangan social ako paminsan-minsan. Social climber din kasi ako. Dati akong taong grasa.
7. Hidden obsession ko ang pagiging writer. Gaya-gaya kasi ako talaga. Nakita ko lang na madaming nagbablog kaya nakigaya na rin ako. Dito walang restriction ang pagiging manunulat. Di mo na kelangan dumaan sa MTRCB para lang ilabas ang gusto mong sabihin sa madla.
8. Idol ko si Dante Varona. Oo mga kids, isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nagbablog. Kelangan nyong malaman ang showbiz 101 at isa si Dante Varona sa mga iniidolo ko. Kaya ko binuo ang blog na ito para ipaalala sa inyo na si Dante Varona ang bukod tanging nilalang na tumalon sa San Juanico Bridge na walang dobol para sa pelikulang Hari ng Stunt.
9. Malapit na. isa na lang.[paker, wala nang maisip]
10. Isa akong makabayan at gusto kong ilabas ang lahat ng bwakananginang galit ko sa gobyerno. Gusto kong murahin lahat ng nang-aapi at inutil. Pakyu Saddam! Pakyu Bush! Pakyu Lito Lapid…teka senador ba ito? ok, I got kerid away. Andami kong gustong itanong like: Bakit suki si FG ng lahat ng eskandalo sa Gobyerno? Bakit FG ang tawag sa kanya? Fucking Gorilla? Ano na nangyari kay Lozada? Nagkaonsehan lang ba sa partihan kaya siya pumiyok? Sino ba talaga pumatay kay Magellan? Eh si Lapu-lapu?May itatanong pa sana ako kaya lang natatakot na ako.[ sshhhh…may tao sa labas..may dalang bayong…]
Der u heb it. Ang Top Ten Reasons kung bakit ako nagbablog. Sa lahat ng sinulat ko, isa lang dyan ang totoo. Ikaw anong reason mo sa pagbablog?
Previous Comments
hi sexy, asl plis. 25 m jupiter here.
ay mali. nangitlog kanaba xg? penge isa wala ako panghalo sa tortang talong ko. daan ako mya sa chiksilog. lolz:)
Posted by bioniclugaw at March 1, 2009, 12:32 pmahhaha.
ang kulit. lahat naman yata ng bloggers gaya-gaya lang, merong blog ang isa kaya gumawa rin ang isa. oh well. basta iba-iba naman ang sinusulat. ehehe.
kahit nagba-blog ka sa opis para magpalipas ng oras, sana wag mo pa rin kalimutan ang pagku-kulangot. baka mamaya hindi ka na nyan makahinga sa sobrang bara.
advice lang. rawr. ahaha.
Posted by ZsaZsa at March 7, 2009, 10:47 amthanks for the advice zsazsa. isasapuso ka yan ng bonggang-bongga. hmm… zsazsa zaturna?
Posted by bioniclugaw at March 7, 2009, 11:45 am









maganda yung kasaysayan
kung bakit ako nagblog
pero bottom line nun–
inggitera lang ako
hahahaha
nasa tamang landas ka
Posted by xG at March 1, 2009, 12:09 pmipagpatuloy mo lang yan
:)