Booger Unlished!
Friday, February 6th, 2009Nasa foodcourt ako kahapon ng isang sikat na mall dito. Kasama ko mga tropa. Nauna ako natapos kumain. Habang nagtatanggal ako ng tinga eh yun isang daliri ko ay napadaan sa ilalim ng mesa. Nababagot ako kaya kung saan-saan napunta yun daliri ko. Nagulat ako nang may makapa akong malagkit at mamasa-masa. Dumikit siya sa aking hintuturo. Binilog-bilog kopa siya na parang toy clay. Naalala ko kasi yun pamangkin ko na naglalaro lagi ng nito. Kung anu-anong korte ang ginagawa. Enjoy naman siya. Kaya ayun nagenjoy din ako sa kakabilog sa bagay na yun. Huli na nang marealize ko kung ano yun malagkit na nakapa ko. Kulangot pala.
Bakit nga ba kasi ugali nating mga pinoy ang mag-iwan ng kulangot sa ilalim ng mesa? Kainis.
Di ko na alam kung saan ko ipapaphid. Curious lang ako. Ano kaya lasa?
A Ghost Story : MOnster under my bed
Thursday, February 5th, 2009
Ewan ko ba kung san ko nakita tong picture na ito. Basta kalat na kalat ito sa internet. Ang nakakainis lang nito eh kamukha ko pa yung lekat na natutulog na yan sa ibabaw ng kama. Eh sino naman kaya yang nasa ilalim na yan? Malayong kamag-anak ni Sadako?
Ibang klase din dati ang mga palabas na horror. Laging may habulan sa pagitan ng moomoo saka nung bida at ang dialogue lang ng moomoo ay walang katapusang “HAR! HAR! HAR!” habang yung bida naman e kunyari nadadapa sa pagtakbo. Gusto ko pag ako ang gumawa ng horror film ay yung medyo cute.
Ganito ang gusto kong dialogue:
Moomoo: “Harrr!!! heto na me! takbo na u!”
Bida: “Ayan na nga, takbo na me! dapa naman u! pagod na me!”
Wala pa naman ako matinding karanasan sa mga multo. Yung tipong parang poltergeist? Di pa naman ako nakakita ng entity na umiikot ang ulo. So far wala pa naman. Ang laruan kong G.I. Joe nung bata pa ako ang alam ko lang na umiikot ang ulo nang 360 degrees. Pwede pang tanggalin.
Yung mga paramdam lang tulad ng mga tunog na di ko maipaliwanag sa labas ng aking kwarto nung minsan patulog na ako. O kaya anino sa gilid ng puno. Pero totoo kaya yun mga ganun? Madami na rin ako narinig na mga kwentong katatakutan mula sa mga kaibigan at kamag-anak. Kundi man nananakot eh talagang mga anak lang talaga ng kabron ang mga lintek. Gusto lang talaga ako takutin. Lalo na nung bata pa ako. Takot na takot talaga ako.
Ngayon tumanda na ako, naisip ko na mas nakakatakot pala ang sa Gobyerno. Andami kasi Ghost Employees. Nyay!
Mga Magnanakaw ng Lakas
May kaibigan ako. Nakatira siya sa bahay na madilim ang loob. Yung tipong kahit tirik na tirik na yun araw eh madilim parin kaya kelangan bente kwatro oras ang ilaw. Basta yung bahay nila ay mahirap pasukan ng liwanag. Pag pumasok ka eh kala mo kweba. Kung hindi lang sa mga taong nakatira ay di mo pagiisipang pumasok. Baka magulat kana lang may pangil nang nakatirik sa leeg mo. Bahay pala ng bampira. aaarrghh!!!
Bakit ko naikwento ito? Wala lang din, trip ko lang. Naawa na kasi ako dun sa kaibigan ko. sunod-sunod yung kamalasan. Minsan naniniwala na rin ako sa feung shui. Sabi nga nila eh may epekto ang pagkakaayos ng iyong kapaligiran sa iyong kapalaran. May katibayan din ito kung susuriin mo. Halimbawa na lang:Ahhmm…ehhh…ahmm…wala akong maisip na example. Basta ganito na lang- subukan mo kaya kumain sa harap ng pampublikong inidoro? With matching jerbaks na nangingitimna.
Balik tayo dun sa kwento ng kaibigan ko. Eto pa malupit. Napansin ko na lahat ng nakatira dun sa house nila eh laging mainit ulo. Kung may magandang balita, deadma. Kapag badnews naman eh mas matindi pa sila sa dragon kung magalit. Kumbaga parang yun radar nila eh para sa mga Badnews lang. May ganun talagang mga tao. Parang di kumpleto araw nila pag di nakakita ng di maganda ngayon araw. Ang pinagtataka ko lang eh mga miyembro sila ng isang organization sa simbahan. Tama din minsan yun YANO eh. (music: to the tune of Banal na aso, Santong Kabayo.Hi-hi-hi-hi!)Para kang nanonood ng commercial ng pintura sa TV. Yun may babaeng mataba na putak ng putak habang bising-bisi si mister sa pagpintura sa dingding ng bahay nila. Boysen ba yun? Sabi nga sa ingles eh mga FAULTFINDER.
Kaya lalong minamalas eh. Dun lang nakatingin sa pangit. Ayun nagmumukha na sila mga kulugo. Minsan nasubukan kona maka-encounter ng mga taong katulad ng nabanggit ko. Isang linggo ko pa lang nakasama eh para na ako mauubusan ng espiritu. Yun tipong kada kausap mo yun tao eh para kang nauupos na kandila sa sobrang bigat ng pakiramdam na akala mo eh magugunaw na ang mundo. Mahirap… Actually minalas din ako nung time na yun. Muntik na nga ako mahawa. Contagious pala yun.
Maliban lang dun sa maniakis na bading sa avenida eh andami talagang taga-higop ng lakas dito sa mundo.
Blah! blah! blah! blah! Abudeh! abudeh! abebebebe…. Ayoko naaaaaaa!!!!
Unang Subok: Spokening Dollar vs. Astig na Pinoy
Wednesday, February 4th, 2009
Haay! nakakapanibago talaga. ampangit nitong araw nato. Wala ako ginawa kundi kalikutin itong bago kong bloggy. Nasanay kasi ako dun sa kabilang blog ko. Para akong nagsisimula sa trabaho. Ibang culture kumbaga. Nangangapa pa lang. Malupit lang dun eh baka iba makapa ko. Tsk! Nalintikan na. May konti lang akong napansin. Medyo mabagal yata mag-upload ng mga files dito. Ewan ko ba, di kaya slow lang tong PC na gamit ko? Ah basta! atlist nasimulan kona to. Wala nang atrasan.
May isa pang nakakapanibago. Tagalog gamit ko dito. Di ko alam kung mahihirapan ako o madadalian. Nasanay kasi sa English. Atlist nga naman di na ako mahihirapan magtranslate from tagalog to English. Minsan kasi may mga salitang tagalog ako na gusto i-translate sa English pero nahihirapan ako. Kagaya ng “Sayang!“, o kaya ng “makati ang kuyukot ko“, or yun bagay na di mo pwedeng masilip sa parte ng katawan mo pero nakakapa mo siya tulad ng “burnik“. Atlist nga naman mas may freedom na ako maglabas ng sama ng loob ngayon. Di na ako matotorete sa kakaisip kung anong translation gagawin ko. Di tulad dati, minsan inaabot ako ng isang oras sa kakaisip ng tamang salita para dun sa gusto kong sabihin sa English. Haaayy!!! hirap talaga baka akala nyo.
Ngayon medyo madali na. syempre nga lang baka isipin naman ng iba na boploks ako sa English o kaya baka masanay naman ako sa kakatagalog eh di ko na mahasa yun spokening dollar ko. Syempre, may pangarap din ako makarating sa lupa ni Uncle Sam. Atlist gusto ko parin magamit yun mga malalalim na English na natutunan ko sa kakasulat dun sa isang blog ko. Mahirap nga naman pag wala ka rin alam sa salitang banyaga. Disadvantage parin kahit papano. Naalala ko dati dun sa probinsya namin. Yun kakilala ko na tindero ng mga Furnitures. Minsan may dumaan na Amerkano sa shop nya para bumili.
Eto usapan nila:
Kano: ” Where’s the OWNER?” .
Tinuro ni kumag yung Owner Type Jeep sa kabilang kanto.
Kumag: ” Ders da ONNER!”
Anak ng pating di sila nagkaintindihan. Benta na naging bato pa. Kaya ako, kelangan ko parin mag-aral ng English kahit magalit pa si Rizal.
Anghaba na yata naisulat ko. sa susunod ulit.
P.S. Kung may makita ka mang picture sa taas eh walang kinalaman yun sa kwento ko. wala lang trip ko lang ilagay.
Post number 1
Well, well, well… This is my first post on this site. I just found out about i.ph from a fellow blogger and I like it. I’m still a bit tentative on writing. It’s like a blank canvas waiting to be painted. As a visual artist, its just frightening to stare at a blank canvass in front of you. The best way to combat this awkward feeling is to just put a dirt into it. I mean just put anything you feel like doing. Draw some rough sketch and then put a paint on it. Any color you like. Its just simple as that. Just start something then eventually you will be surprise that you had already produced an artwork. Its a free flowing emotion. That’s all.
I wanted this site to be in tagalog. So definitely this article will be my last post in English. I just want to make it different. Besides, there are some words in my native tounge that is hard to explain in English like “kuyukot” or “burnik” just to give an example. There are funny lines in Filipino which doesn’t make any sense when you translate it in English so I guess its much better to leave it that way.
Basically I want this site to be funny with a little bit of satire….ahhmm…something to that effect. So just in case you found yourself surfing on my site, then probably you got lost. haha!!!










