Home » Post Item » 90’s Came Back At The Eraserheads’ Final Set Part 1
90’s Came Back At The Eraserheads’ Final Set Part 1
Wednesday, March 11th, 2009Nakahabol ako sa Concert ng Eraserheads nung Sabado, March 7. Medyo nabengenge ako ng konti nitong mga nakaraang araw kaya di ko agad nakwento. Pagkatapos ng ligaya,dusa. haha!
Backtrack muna tayo few days bago ang makasaysayang concert.
Byernes March 6 alas dos e medya ng madaling araw…
Katatapos ko lang makipaginuman galing party ng katrabaho. Papasok na ako sa kwarto nang malaglag ang aking selpon habang binubuksan ko ang pintuan. Dahil lango ako kay pareng San Miguel, di ko agad nakita kung saan bumagsak si selpon. Naramdaman ko na lang na may naapakan akong matigas na bagay sa bandang likuran. Ayus! Napuruhan ang LCD ni selpon.
Wala pa rin ticket.
Nagtatalo ang utak ko kung manonood ng concert or totoma na lang kami ng mga barkada ko. Maliban kasi sa concert ng Eheads e ito rin yung time na maggeget-2-gether kami ng mga high school friends ko. Almost 2 years na rin kasi kami di nagkita-kita. Bisi-bisihan mode kasi ang drama naming lahat. Parang trip ko nga na tumoma na lang. Umiiral pa rin ang pagiging alcoholic ko.
Dahil nabiktima ko ng “hit n’ run” ang sarili kong selpon, bigla akong tinamad na pumunta ng concert. Naisip ko kasi na wala akong pangbidyo ng mga eksena sa loob ng concert. Kainis! Sumabay pang saktong naglilipat lungga ako.
Kinagabihan. Emote ako. Toma ulit mag-isa. Desidido na ako wag manood ng Eheads concert. Wala pa ako balita kung nakakuha na ng ticket yung isang barkada ko. Isang araw na lang. Inisip ko, malamang ubos na ticket. Naisip kong gamitin na lang sa mas mahalagang bagay yung pambili ng ticket. Isang case na beer.hehe dyowk! Binayaran ko yung jeep na maglilipat ng gamit.
Sabado March 7. D-Day. Alas Dose ng tanghali.
Nagtext ako sa barkada ko. “Hoy! sira-ulo. musta u? toma na lang myang gbi…yadda..yadda..” Biglang nagreply si kumag, “Gago! mron n tyo tiket,kitakits n lng mya sa MOA.” Watdapak! Akalain mo, meron na pala ticket. Nabuhayan ako ng loob. Makakasama ako sa makasaysayang concert na ito.
Excited ako. Huling nood ko ng concert ng Eheads nung 1999[di ako sure kung tama petsa] sa Adamson. Kasama nila nun ang Parokya ni Edgar. Pagkatapos nun nabalitaan ko na lang na disband na sila pagkalipas ng maraming taon.
Excited ulit ako kasi makikita ko na ulit ang mga maniakis kong hyskul prens. Makakapagbonding na ulit after 2 years, tagal din.
Tinatamad na ako magkwento. masyado na mahaba. Alam kong tamad kang magbasa kaya puputulin ko muna kwento. Kung gusto mong malaman ang ibang detalye, click mo.
Sa susunod na lang yung mga picture. Wait ko pa kung kelan isesend ng tropa ko yung mga kuha nya.
Previous Comments
ay pareho tayong 1999 pa huling nakapanood ng eheads concert. sayang nga, gusto ko sanang manood kaso saka ko lang narealize na last na nga to, sabi ko next time na lang. wala bang magdodonate ng piano para maulit kahit after 10 years? hehehe
Posted by bernardumali at March 17, 2009, 8:25 pmdi na talaga mauulit yung concert dude, sinunog na yung piano na ginamit nila sa pictorial ng isang album nila. parang metaphor na huli na nilang pagsasama yun as a group.
pero kung maulit yun, ano kaya yung sunod na susunugin? hehe yung stage na mismo?
Posted by bioniclugaw at March 18, 2009, 1:51 pmbuhay yung Sticker Happy piano noh..hahaha! Chenelyn lang yung pagsunog nila, to symbolize that Eheads has really come to an end. It’s on display sa 70’s bistro bar, but it may be moved to Ely’s house na for good…
a lil trivia form me..oha-oha
haha! uy alam ko din yun. nakakuha nga ako ng piraso ng kahoy nun eh. kasinlaki ng posporo. ginagamit ko ngayon panlinis sa tenga ko.
makapunta nga sa 70’s bistro. diba sa proj 2-3 ba yun?
Posted by bioniclugaw at March 19, 2009, 1:07 pmproj 2 po, sa anonas. ahahah! ang bad mo naman, pinanlinis mo lang ng tenga mo =] eh pano pa kaya kung ikaw ang nakakuha nung drumsticks? ano kaya ginawa mo dun? =]
Posted by cleotie at March 20, 2009, 12:38 amgagamitin kong chopstick sa bahay. di ko pa nasubukan magchopstick na kasinlaki ng drum sticks.
teka, icecream drumstick ba sinasabi mo?
Posted by bioniclugaw at March 20, 2009, 4:07 pm









huwaw, inggit naman ako parekoy, minsan lang ulit mangyari ang reunion concert nila
Posted by madbong at March 17, 2009, 8:02 pm