Home » Post Item » The Nuisance Shangrila MRT Entrance
The Nuisance Shangrila MRT Entrance
Thursday, March 19th, 2009Maraming beses na rin ako pumasok ng Shangrila Mall dito sa may crossing. Siguro ilang beses na ako nakadaan dun sa entrance nilang paikot-ikot ang pintuan. Nung una e wala pang masyadong effect sakin ang mahiwagang revolving door na yan hanggang sa mapikon ako kahapon.
Medyo napapalagpas ko pa yung entrance sa baba [tabi ng istarbaks] kasi medyo malaki at parang nagmemerigoround ang feeling kada nasa loob ka. Syempre, walang ganun sa probins. Kaya kahit sa tingin ko eh wala namang mabuting idudulot ang pintuan na yun e kunwari deadma ako. Kunwari sosyal din ang dating ko habang pumpapasok ako sa kumag na revolving door na yan. Mahirap na at baka mahalatang taong gubat ako. Sa totoo lang amaze na amaze ako dun nung bagong salta ako ng Maynila. Parang si Tarzan na ngayon lang nakarating sa syudad. Gusto ko talaga maglaro na parang bata dun sa umiikot na pintuan. Gustung-gusto ko yung konting thrill na naidudulot sakin ng makabagong entrance na yun. Para kang kasali sa Fear Factor at yung danger na baka maipit ay maglalaro sa utak mo habang pumapasok ka. Trip kong abangan lumagpas yung harang na salamin tapos bigla ako papasok. Tapos labas ulit. Pasok ulit! Ginawa ko yun minsan. Lintek, hinabol ako nung Dobberman ng K-9 Unit na pagala-gala dun sa paligid. Akala yata may naligaw na inmate from mental hospital. Naging masunurin na akong bata pagkatapos nun. Kelangan din pala makibagay sa syudad.
Dun na ako napuno sa MRT entrance sa bandang itaas. Sumaktong nagmamdali ako tapos andaming taong papasok din sa Mall. Sa liit ng lintek na pintuan na yun, naisipan pa ng henyo nilang arkitek na lagyan ng revolving door. Anggaling!
Sa pagmamadali ko, nakisingit ako dun sa couple na nasa unahan ko. Presto! pagpasok ko, biglang tumigil ang ikot. tatlo kaming natrap sa loob ng salamin. Nagtaka ako kung bakit tumigil. Hinayupak na yan, naipit pala yung backpack ko. Ansama ng tingin sakin nung lalake. Kala yata gusto ko makipag-threesome sa kanilang magdyowa. Ipit na ipit kaming tatlo sa loob. Nakatutok si Brownie [name ng pototoy ko] ko sa behind nung babae. Nakow! kung pwede lang magteleport ginawa ko na. Andami pang naghihintay na papasok sa bandang likuran. Lahat badtrip sakin. Para akong malulusaw sa sobrang kahihiyan. Pag tinamaan ka nga naman ng malas.
Para kaming mga semilyang nagmamadaling makapasok sa matres tapos biglang may sumigaw na “ISTAP!”.Si haring Condom pala. Bwiset!
Kinausap ko na lang si lalake sa pintuan na ireverse yung ikot para matanggal ang pagkakaipit ng backpack ko. “Parekoy, sandali pakiikot pabalik para matanggal yung ipit.”. Bubulong-bulong si kumag, “gago…gagoo…”. Eh narinig ko. “Ayaw mo? sige gusto mong si Brownie ko ang maipit dyan sa tumbong ng dyowa mo?”. Mabilis pa sa alas-kwatrong nireverse yung ikot ng pintuan. Di makapalag ang lekat. Mas malaki ako sa kanya eh. hehe.
Ayun, nakalabas din kami. @#$%! Bwakanginang yan, pinahamak pa ako ng hindot na pintuan na yan. Akalain mong aabutan ako sa ganung situation?
Nasa Jackass Mode siguro yung nagisip ng konsepto ng pintuan. Trip lang siguro mang-asar o gusto lang talagang gawing masalimuot ang mundo ko. Kung sino ka man, Pakyu ka!
Previous Comments
sa IARFA ako parekoy pero gradwet na ako many years ago. hehe isa ako dati sa taga-vandal ng mga dingding ng building dyan sa tabi-tabi ng FEU. Payn Arts istudent ako nung andyan pa ako. magulo pa rin ba enrolment dyan? hehe
nung time ko kasi e rak n rol ang enrolment dyan. para kang nasa woodstock concert sa sobrang gulo. walang sistema. balita ko ngayon computerized na. tsk! napaghahalata ang edad hehe. naabutan ko pa naman yung computerized era ng FEU kaya di pa ako katandaan hehe
Posted by bioniclugaw at March 20, 2009, 1:35 pmsobra ako natawa sa kwento mo. akala ko p naman serious kwento mo tapos nung nabasa ko natawa ako, nakow baka mapaanak ako s kakatawa (wak naman )
at first naalala ko kanta ng crazy town…
Now Ladies come, ladies go,
Out my revolving door
Some ladies never come back,
Most come back for more.
I�ve got a house in the hills
With a door that spins.
Goes in and out,
Out and in,
�Round and �round again.
cly di ko pa yata narinig yang kanta na yan. hehe San ka natawa? seryoso ako dyan promise. Totoong nangyari yan the other day. asar na asar nga ako eh.
nakow! pag napaanak ka pala ng wala sa oras dahil sakin, baka ako pa maging salarin at ipahuli ako ng husband mo? wak naman.
ingat po sa baby.
Posted by bioniclugaw at March 20, 2009, 9:19 pmtangena
taga feu ka rin pala lugaw?
nagsamasama tayong lahat dito
pati si lala andito na rin
hahaha
teka
ang siste
ikaw na nga may kasalanan
ikaw pa galit?
aba
sobra naman na yatang
kagwapuhan yan
hahaha
@xg anak ng lugaw oh! Tamaraw ka rin? small world. hehe sa IARFA ako eh, ikaw san ka? pero bagong gradwet lang yata kayo eh, ako jurassic era pa nung gumradwet ako. di nyo na ako naabutang nagkakalat ng lagim sa loob ng FEU. hehe
Posted by bioniclugaw at March 28, 2009, 2:01 pm










Haha ayaw na ayaw ko din yang revolving doors na yan salot yan pag may sunog…Oh yes pare FEU-IN to ikaw?
Posted by L.A at March 20, 2009, 12:56 am