Home » Post Item » Blog daw
Blog daw
Monday, March 23rd, 2009
hi nice, visit mine at….
just dropping by, visit naman my site its www…
hi, comment naman kayo sa blog ko…yada…yada…
Pamilyar ba yan sa iyo? Minsan kapag nagbablog-hopping ka, di mo maiwasan maka-encounter ng mga ganitong nilalang. Makikita mo silang magcocomment pero anlayo naman dun sa topic na sinulat mo ang pinagsasabi nila. gusto lang talaga magpapansin. Pakalat-kalat sila sa blogosperya.
May natyempuhan pa nga akong isa,”hi please see my blog…yada..yada…” Nauto naman ako ni kumag. Silip ako sa blog nya. Putsa! Puro pictures lang pala. Walang nakasulat. Kung meron man e wala ring kwenta. Pwe! Puro Nonsense ang nakalagay. Parang gusto lang yata ipangalandakan na cute at pogi siya kaya siya gumawa ng blog-blogan nya kuno. Sinipat ko ang mga pictures. Hindi naman kapogian ang hindot pero kung pumosing, daig pa sumali sa Mr. Pogi. Eto yung mga tipo ng mga taong ang akala eh nakukuha lang sa papogian ang lahat ng bagay sa balat ng lupa. Puro porma. Eto yung tinatawag ni Bob Ong na Hollow Man.feeling. hehe.
Yung iba naman magpopost sa comment pero para lang mag-invite sa site nila. Garapalan pa,” visit my site…yada…yada..” yan agad ang pambungad ng mga hindot. Mga bastush at walang ethics pagdating sa blogging. Kala mo sila lang bida sa balat ng blogosperya at sila lang ang dapat pansinin. Wala naman problema kung gusto mong ipromote ang site mo dahil lahat naman ng naguumpisa sa blogging eh dumadaan sa ganyan pero magbigay respeto naman dun sa blog na dinaanan mo. Mag “tabi-tabi po” ka naman. Pano na lang pala kung engkanto pala may-ari nung blog, eh di katakot-takot na bukol at kulugo na pala ang inabot mo. Baka tubuan ka pa ng buntot, sige ka.
Masarap para sa isang blogger ang malaman nya na may nagbabasa sa kanyang sinulat, gaano man kahaba yan. Kaya kapag pagbukas mo ng pc kinabukasan at makita mong may nagcomment sa topic na ginawa mo, para kang nasa alapaap. Kahit mag-isa lang yung comment na yun, feeling mo ginto yun kasi nalaman mong may nakarelate dun sa kwento mo. Ibig sabihin kasi nun eh pinagtyagaan talagang basahin yung sinulat mo, na pinaghirapan mo din isulat. Hansarap talaga ng feeling.
Tapos maya-maya, may bubulaga sayong makabagbag-damdamin, dramatic at beri wonderpuli executed na comment na ganito,”Nice! visit my blog and please comment na rin po…yada..yada” Pakingsyet na hindot na yan. At nagrequest pa na magcomment ka daw. Inutusan ka pa eh noh?
Tip ko lang sa mga bagong blogger, wag na lang kayo magcomment kung nonsense din naman sasabihin nyo. Kung gusto nyong makilala, matuto kayong makisama sa mga ibang blogger at hindi lang sa inyo umiikot ang mundo. Make sure na basahin mo ang kwento ng iba bago mo ipagpilitan na basahin din ng iba ang kwento mo. Be patient kung gusto mong makilala. It takes time. Basta enjoy ka sa ginagawa mong pagsusulat, walang problema kahit konti pa lang taga-basa mo. Enjoy na lang da adbentyur. just show respect. that’s it.
PS. wag kalimutan makipagkulitan. sarap magkaroon ng bagong friends. hehe
Previous Comments
haha..sobrang tama toh at napansin ko na din yung mga yan sa ibang blog..marami na din kasi talagang pacuter at jologz (awts, sori for the word) dito sa blogosphere..sila yung mga tipong nagsawa na sa pacute comment sa friendster, myspace, etc., kay pati ang blogworld ay pinatos din..ayt?
Posted by jeremiah at March 23, 2009, 3:29 pm@ade, matagal ko na rin kasi napapansin yung ganyan parekoy. hehe walang ethics hehe
uy parekoy, tumutugtog kaba? naghahanap ako ng kajamming hehe may mga sinulat akong song pero wala lang talaga kajamming hehe
thanks sa pamboboso lagi sa blog ko.mahal na kita. lolz!
Posted by bioniclugaw at March 23, 2009, 3:32 pm@ade, may isa akong napansin, simula nung inedit ko yung itsura ng bloglog ko eh, wala nang nadagdag na bisitor, puro mukha lang mo lang andyan ilang araw na.
did you bribe my bloglog? wahehe dyowk!
@jeremiah, mga eps nga eh. sarap sapatusin sa ulo ang mga lekat.
Posted by bioniclugaw at March 23, 2009, 3:39 pmdahil nag comment ka sakin mag cocomment din ako hindi mo man diretsong sinabi sakin na magcomment ako.. hahaha joke lang.. akshuli sobrang agree ako dito pero yung mga ganitong blogger eh deadma nalang sakin… nakakainis man minsan pero kiber nalang diba? basta tau hindi ganun hehehe.. hindi sobrang straight to the point.. lols.. joke lang.. :p
Posted by dramaqueen-andeng at March 23, 2009, 3:39 pm@andeng,
ahehehe, syempre bisi din tayo minsan kaya wala rin tayo time basahin lahat ng entry ng isang blogger. pero kelangan parin magbasa bago magcomment. wag na lang magcomment kung eepal lang diba?
pero sadya talagang may mga pinanganak na epal kaya “please bisit lagi may blog and make comment-comment ha?” lolz
Posted by bioniclugaw at March 23, 2009, 3:57 pmops nasabi mo name ni Bob Ong, ahe bio fan din ako ni BobOng , sobra ako nakakarelate sa kanya. sa mga.
about sa topic mo hahaha talgang maraming mga narcissist sa mundo, at marami ring pinoy mahilig sa pektyur pektyur (kahit nga naka upo sa inodoro pinopost) pagbigyan n lang natin, mga mumunting kaligayahan sa mundong ito.
@choco
ako mahilig magpektyur-pektyur lalo na pag nasa kubeta. lolz
idol mo pala si tito bob ong. gusto mo otograp? lolz
Posted by bioniclugaw at March 23, 2009, 4:41 pmnice blog, please visit my blog din and leave a comment…
wakanasusha, ang ganda ng panimula ko e no…
ganun yata tlaga ang mga nagsisimulang mag-blog pare ko, siyempre, alam mo naman na ang life line ng blogs e hits at comments. kung mababa ang hits at kung walang nag-cocomment, prang boring, para ka lang nag dear diary nun.
pero siguro sa kagaya ko, hindi ko masyadong tinitignan ang hits ko, ang sa akin, basta may nagbabasang ibang tao ng blog ko, masaya ako, dahil feeling ko may connection kami. at mas masaya ang feeling talaga kapag may nag-prompt sa e-mail ko na may nag-comment sa entry ko, tma ba ako?
Posted by echo at March 23, 2009, 4:44 pmkorak ka dun. lahat naman tayo sa blogworld e pampam din pero kelangan parin siguro ng tamang delivery. hehe
syempre, we all want to share ourselves din sa kapwa blogger natin. so i think we have to reciprocate din yung effort nung isang blogger na dinaanan natin as a sign of respect. parang ganun. hehe
pero aminin mo may mga annoying talaga na bloggers. yung iba nga nangongopya pa ng entry ng ibang blogger word by word. ahehehe
Posted by bioniclugaw at March 23, 2009, 5:08 pmhahah! Paksyet, nadale mo. para bang binabayaran ka nila para bisitahin ang blog nila at ma-komentan mo ang entry nila. Spammer din sila, ibang form nga lang. Hahaha! Hwooh! dapat sa kanila ibinabaon sa kailaliman ng lupa para hindi na muling masilayan pa.
P.S.
na-carried away lang ako
cleotie, ang puso mo. wag ka highblood. hehe
Posted by bioniclugaw at March 24, 2009, 11:59 amsir pwedeng makipag-pin pal? ![]()
Joke lang. I delete them straightaway. Juveniles.
kokonti na lang naman talaga ang nagboblog ng may sense. yung iba ang hilig i-promote yung site nila. puro naman ala wenta laman. pang-ubos oras. kainis. hahaha
sapul!
Posted by hippiesappho at March 24, 2009, 9:23 pmhahaha! Di bale. nasalo ko na ang puso ko. Kalmado na. hahaha!
Posted by cleotie at March 25, 2009, 1:49 amHi, nice site. Visit mine din and leave a message kung okay lang. And leave your number na rin para text-text tayo ‘maya.
Mwahahaha.
Hello, Kuya :] Kaya wala akong message box kasi yung dati kong blog, puro mga ‘visit mine blah blah’ na lang ang nakikta ko. At yung mga link ex link ex. Lol :]
Posted by Rows at March 25, 2009, 4:33 ambuti sayo, blogger pa rin yan yung iba jan maski paano, ksp nga lang. ang problema ko yung mga spam comments na parating dumarating sa blog ko. obvious namang spam kasi galing sa ibang bansa tas ang madalas na comment e ‘nice post…blablabla’ e tagalog ako magpost paano nila naintindihan yung pinost ko. sandamakmak pa yung links na nakakabit madalas puro porno naman (minsan tinitingnan ko na rin hehe). saka ang parating pinapadalhan ng comments ay yung 2 luma kong post.
Posted by madbong at March 25, 2009, 8:40 amhi..nice blog…come and visit mine…and please leave some comments, money and food…lols
mai-back read nga yung comments ko dito..baka kasi nanghihingi ako nun ng pasaload e..hehe
masarap talaga makabasa ng comments na alam mong binasa yung pinost mo pero ok na din sa akin yung mga nakikidaan at nagsasabing…was here..ex-link? hehe
Posted by rio at March 25, 2009, 11:56 amkuya madbong, akala yata nung spammer mo eh maniakis ka kaya porno yung link. hehehe
@rio, ako na lang bigyan mo ng load. hehe
@rows ganun talaga eh, wala tayo magagawa. ibalik mo yung message box mo. sarap mangulit eh. hehehe
@hippie, ako walang sense kausap. hehehe
Posted by bioniclugaw at March 25, 2009, 11:10 pmtabi tabi po hehe…toinx(nadapa pa hehe engeng )
helo nababasa ko na mga comment mo kay taypers kaya binisita na rin kita hehe …at natawa ko dun sa yada..yada na nag papa visit ng blog parang ewan lang hehe ano ba yung yada di ko kasi naintindihan hehe….:)
lol. unahin ko muna yung comment mo sa cbox ko, don’t worry nagiisip na ko ng bagong color scheme. ahahaha.
neway, madami ngang ganyan. o kaya yung mga taong magco-comment tapos ang sasabihin lang ay, “just dropping by” care ko naman diba? hindi naman sila nagbasa.
tapos pag binisita mo naman blog nila, puro sponrevs. pfft. ehehe.
ano bang meaning ng hindot? ngayon ko lang narinig (or i guess, nabasa) yang word na yan. ahihihi.
Posted by Tisay at March 28, 2009, 7:48 am@anakngpating
yada, yada! yan ang sinasabi pag sumakay ng kabayo. hehe
@tisay
ako din di ko alam kung ano meaning ng hindot. narinig ko lang yan sa kapitbahay namin eh. parang sundot kulangot yata hehehe pakiresearch naman.
Posted by bioniclugaw at March 28, 2009, 1:16 pmhahaha ganun talaga ata yun. ang isang blogger / writer e nangangailangan ng reader. minsan kasi pag mababa or bumaba ang stat, napapaisip ka rin kung effective ka bang blogger o hindi. Pero sa totoo lang, ang importante naman di ba e kung nag eenjoy ka sa mga sinusulat mo kahit hindi nila naaapreciate.
Posted by bernardumali at March 28, 2009, 4:00 pmnatuwa ako sa post na ito.
nakarelate ako. ang dami talagang ganyan eh. Yaong tipong ang alam lang gawin eh mag-invite na puntahan ang site nila.
hindi naman nila kelangang sabihin pa ang site nila eh may url naman na nakatalaga.
Masayang lumibot sa mundo ng blogosperyo pero mas masayang magbasa ng entry ng iba. Iyan dapat ang goal eh. Hindi lang magcomment.
Mas gugustuhin ko pang ang mapadpad na lang sa mundo ko eh yaong mga taong kahit hindi nagcomment eh nagbasa naman. Mas okay pa iyon eh.
Pero agree ako saiyo na masaya talaga pag may nagcocomment sa entry mo. Masaya sa feeling. Wapak!
Add po kita sa links ko. Mukhang okay kasi ang blog mo eh.
Posted by eloiski at March 28, 2009, 7:13 pm@bernardumali
tama ka dyan parekoy.
@eloiski
talamas sa dalaw. bisit ko bloggy mo mya. bisimode ang lolo mo ngayon.
Posted by bioniclugaw at March 31, 2009, 7:48 pmAstig! Isang nakakaaliw pero matapat na pagpuna sa mga nakatutuwa at nakatatawang bloopers sa mundo ng blogging. Isang magandang paalala sa blog hopper na kagaya ko.
Good Job! Be the best! Cheers!
Posted by bampiraako at April 4, 2009, 10:47 amMejo sinu-swerte ako at wala pa namang nagco-comment ng “hi, comment naman kayo sa blog ko…yada…yada…”
Naiintindihan kita, mejo nakaka-irita nga yun. Sarap paputukan ng shot-gun yung mga ganung tao, ehehe. Ayan, biolente nananaman ako. :p
Posted by Andy Briones at April 18, 2009, 6:53 pmanong blog???
Posted by rozmee at February 7, 2010, 2:26 pm









Hi there! Visit my blog at http://ade.i.ph and leave a shout-out!
… Kidding. Ok ah, na-blog mo yung super kating-kati ko nang isulat dati pa. Oo, nakakairita talaga ang ganyan.
Salamat pala sa pagdalaw sa blog ko!
Posted by Ade at March 23, 2009, 3:25 pm