Home » Archives » 12. April 2009
Sacrifice, a Veteran’s Tale
Sunday, April 12th, 2009Kung sacrifice din lang ang pag-uusapan, wala nang tatalo pa sa mga sundalong pinoy na nakipagbakbakan nung panahon ng pangalawang digmaang pandaigdig.
Nadisgrasya si erpat nung 2003. Nabangga. Nadurog ang dalawang paa. Habang nagbabantay ako sa loob ng kwarto ni erpat sa loob ng Veteran’s Hospital, dinala ko ang aking isketspad. Nagpagala-gala ako. Naispatan ko ang isang beterano ng World War II. Si lolo Honorato. Nabalian siya ng paa. Brittle na ang mga buto dahil na rin sa katandaan. Araw-araw kong binibisita si lolo kada dumadalaw ako kay erpat. Ginawan ko ng iskets. Pangatlong araw ng bisita ko, wala na si lolo sa pwesto nya. Nabalitaan ko na lang na namaalam na siya. Kinuha na siya ni Lord na hindi man lang natikman ang benepisyong dapat sanay maibigay sa mga tulad nyang nagsakripisyo para sa bayan.
Eto naman ang iskets ko kay erpat habang natutulog siya sa hospital. Bagot na bagot ako kaya napagtripan kong idrawing. Beterano naman si erpat ng mga gyera nung kasagsagan ng digmaan sa Mindanao noong dekada 70’s. Nakipagpatintero sa mga bala at kanyon. Nasabugan ng granada at nawala ang kaliwang mata. Naging Batallion Commander, humakot ng mga medalya at humawak ng mga mahahalagang posisyon sa militar pagkatapos ay nagretiro na may mataas na ranko. Yun nga lang, katulad din siya ni lolo Honorato. Hindi rin nakuha ang tamang benepisyo. Kahit tsikboy tong si erpat [kinalat ang lahi namin sa buong kapuluan] at mas pogi sakin ng isang paligo sa dami ng chicks, proud ako sa kanya. Ano ba meron sa man in uniform at anlakas ng appeal nila sa mga tsiks? Sino mag-aakalang anak ako ng isang mataas na opisyal sa AFP? haha. Bwakangina, kanya-kanyang trip lang yan. Eh sa ayokong mag-astang sundalo eh.
Sana ngayong kuwaresma, maalala natin lahat ang mga taong nagsakripisyo para tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Masyadong serious ako ngayon pero ayus yun, paminsan-minsan lang naman. hehe.
iskets 1: si lolo Honorato habang natutulog. iskets 2: si erpat habang natutulog. expose ang japeyks marmol na left eye na kahit tulog e nakadilat pa rin. bago pa nauso ang fake body parts na ginagawa nila Bello at Calayan, meron na si erpats. Detachable ang japeyks na left eye ni erpats kaya naman kinatatakutan siya pagdating sa inuman. Tuwing may sisigaw kasi ng “penge ICE!”, bigla nya itong tinatanggal sabay pagulong sa baso na parang holen. ayan, “EYES!”
PS. siguro napansin mo na may nakalagay na blogdrive sa iskets ko. wag mo na pag-aksayahan ng oras at wala na yan. binaon ko na six feet under. yan ang luma kong blog taon 2004. HAPPY EASTER SUNDAY!










