bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Sacrifice, a Veteran’s Tale

Sunday, April 12th, 2009

 

 Kung sacrifice din lang ang pag-uusapan, wala nang tatalo pa sa mga sundalong pinoy na nakipagbakbakan nung panahon ng pangalawang digmaang pandaigdig.

Nadisgrasya si erpat nung 2003. Nabangga. Nadurog ang dalawang paa. Habang nagbabantay ako sa loob ng kwarto ni erpat sa loob ng Veteran’s Hospital, dinala ko ang aking isketspad. Nagpagala-gala ako. Naispatan ko ang isang beterano ng World War II. Si lolo Honorato. Nabalian siya ng paa. Brittle na ang mga buto dahil na rin sa katandaan. Araw-araw kong binibisita si lolo kada dumadalaw ako kay erpat. Ginawan ko ng iskets. Pangatlong araw ng bisita ko, wala na si lolo sa pwesto nya. Nabalitaan ko na lang na namaalam na siya. Kinuha na siya ni Lord na hindi man lang natikman ang benepisyong dapat sanay maibigay sa mga tulad nyang nagsakripisyo para sa bayan.

Eto naman ang iskets ko kay erpat habang natutulog siya sa hospital. Bagot na bagot ako kaya napagtripan kong idrawing. Beterano naman si erpat ng mga gyera nung kasagsagan ng digmaan sa Mindanao noong dekada 70’s. Nakipagpatintero sa mga bala at kanyon. Nasabugan ng granada at nawala ang kaliwang mata. Naging Batallion Commander, humakot ng mga medalya at humawak ng mga mahahalagang posisyon sa militar pagkatapos ay nagretiro na may mataas na ranko. Yun nga lang, katulad din siya ni lolo Honorato. Hindi rin nakuha ang tamang benepisyo. Kahit tsikboy tong si erpat [kinalat ang lahi namin sa buong kapuluan] at mas pogi sakin ng isang paligo sa dami ng chicks, proud ako sa kanya. Ano ba meron sa man in uniform at anlakas ng appeal nila sa mga tsiks? Sino mag-aakalang anak ako ng isang mataas na opisyal sa AFP? haha. Bwakangina, kanya-kanyang trip lang yan. Eh sa ayokong mag-astang sundalo eh.

Sana ngayong kuwaresma, maalala natin lahat ang mga taong nagsakripisyo para tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Masyadong serious ako ngayon pero ayus yun, paminsan-minsan lang naman. hehe.

iskets 1: si lolo Honorato habang natutulog. iskets 2: si erpat habang natutulog. expose ang japeyks marmol na left eye na kahit tulog e nakadilat pa rin. bago pa nauso ang fake body parts na ginagawa nila Bello at Calayan, meron na si erpats. Detachable ang japeyks na left eye ni erpats kaya naman kinatatakutan siya pagdating sa inuman. Tuwing may sisigaw kasi ng “penge ICE!”, bigla nya itong tinatanggal sabay pagulong sa baso na parang holen. ayan, “EYES!”

PS. siguro napansin mo na may nakalagay na blogdrive sa iskets ko. wag mo na pag-aksayahan ng oras at wala na yan. binaon ko na six feet under. yan ang luma kong blog taon 2004. HAPPY EASTER SUNDAY!

Posted by bioniclugaw at 11:13 am | permalink

Previous Comments

Mabuhay ang erpat mo. Isa siyang dakilang bayani!

Mabuhay ka pare. Isa kang pambihirang anak.

Astig ang tatay mo. pero mas astig ang iskets mo!

Posted by bampiraako at April 12, 2009, 8:20 pm

Huwaaaw galing mag-drawing ni kuya :] Ako, hanggang ngayon, stick figures lang na mga tao ang nado-drawing ko. Hihi :]

Saludo ako kay Daddy. Lol :] High-tech pala yung mata niya. Detachable ^_^ Sa kanya mo siguro nakuha ang pagka-bionic mo. Lol ^_^

Posted by Rows at April 13, 2009, 5:34 am

@rows kay erpat ako nainspire maging bionic. high tech ang mata eh, pwede tanggalin hehehe.

@bampiraako talamas sa puri. nagjump up and down tuloy ang puso ko sa papuri nyo. lolz

Posted by bioniclugaw at April 13, 2009, 8:59 am

parekoy, huwaw magaling ka pala sa sketch..mukhang talentado este talented ka talaga hehe. siryusli, galeeng ng kamay mo.

actually, diyan ako pinanganak sa veterans dahil yung lolo ko sundalo nung ww2

Posted by madbong at April 16, 2009, 9:52 pm

madami talagang dapat tawagin na bayani nangunguna dito ang mga magulang natin..di ba po?kaya dapat lang na pahalagahan natin yung mga sakripisyo nila..

Posted by anakngpating at April 17, 2009, 4:17 pm

kuya madbong dun ka pala pinanganak sa veterans. balak pa yatang ibenta ng gobyerno ang lupa doon. mga talipandas talaga magisip ang mga opisyal natin.

anakngpating korek ka dyan.

Posted by bioniclugaw at April 19, 2009, 6:54 pm

Add a comment








     

April 2009
M T W T F S S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK