Eksena Sa Office Kubeta
Sunday, April 19th, 2009Maiksi lang tong entry na ‘to pramis. haha.
Nagstart na pala ako dun sa bago kong trabaho. Pucha, sa buong isang linggo kong pakikipagputahan at pakikipagtagisan sa nosebleed inglishan, panay ang ihi ko. Di ko alam kung epekto lang ito ng mala-antarktikang lamig ng aircon o talaga lang maluwag na ang pototoy-matres ko.
Medyo naweirduhan lang ako dun sa kubeta ng office namin. Sa dami ba naman ng puta sa kumpanya namin e naisipan lang nilang maglagay ng isang bonggang-bonggang C.R. na iisa lang din ang bonggang-bonggang cubicle. Isa lang din ang inidoro. Kaya pag bigla kang natae sa alanganing oras e…goodluck na lang. Napansin ko lang na kada pasok ko sa CR e laging may tao sa inidoro. Laging nakasara yung pinto. Hinanap ko kung may exhaust fan yung CR, wala. Hindot na yan, kelangan ko munang suminghot ng malalim bago pumasok sa kubeta. Naging bulung-bulungan tuloy sa opisina ang mga eksena sa kubeta.
Naging ugali naming sumilip sa ilalim at alamin kung ano itsura ng sapatos nung tumatae sa loob. Madaming sikretong nabunyag. haha.
Eto, atin-atin lang to. Pag tumatae ako sa kubeta ng opisina, hihintayin ko munang wala akong kasabay sa loob bago ako pumasok sa pintuan ng inidoro. Ganun din pag tapos na ako tumae at kelangan ko nang lumabas. Mahiyain lang siguro ako at ayokong ipagsigawan sa buong mundo na ako yung tumae sa may masangsang ang amoy na jerbaks na yun. Ewan ko pero halos lahat ng tumatae sa kubeta namin e ganito rin ang strategy. Minsan nagtrip ako. Pagkatapos kong dyuminggel, napansin kong may tumatae pala. Alam kong tapos na siya kaya naisipan kong tumambay muna sa loob. Matagal pa naman ang breaktime ko.Gusto na yata lumabas ni boytae pero nahihiya yata. haha. Pakiramdaman to the max. 15 mins akong tumambay dun kasama yung ibang kakosa ko. Pinagtripan namin yung tumae. Pucha, talagang ayaw lumabas. haha. Nagkukunwaring tumatae pa rin. Hanggang sa mapagtanto niya siguro na wala kaming balak umalis at malelate na siya sa shift nya. Napilitang lumabas. Nakayuko siya palabas. Nagmamadali pero may kasamang pasimpleng dagger look na tingin sa grupo namin na parang sinasabing “tatae rin kayong mga hayop kayo!“. haha.
Nung Martes break time namin. Haba ng pila sa opis kubeta. Maya-maya may taga kabilang account na nagmamadaling pumasok sa kubeta. “Oops! may pila ‘pre.” sabi nung kasama ko. Di mo maipinta ang itsura ng puta. Pawis na pawis. Namimilipit. Salubong ang tuhod. Sabi nung kasama ko,”‘pre tatae ka? mauna kana.” “ako? hindi ah!” Pakunwaring sabi nung puta. Ikot-ikot sa pwesto. haha. In denial pa daw. Nahihiya din pala ang wetpaks. Maya-maya lang nagmamadaling pumasok na sa inidoro kasabay ng dumadagundong na sound epeks na pang-Malabanan Excavation ang dating. After 10 minutes, di na naman mapakali. Ubos na pala toilet paper sa kubeta. haha. Walang pamunas.
Naiilang akong gumamit ng toilet paper pag jumejebs. Para kasing may malagkit na naiiwan dun sa balbas ng ass ko. Oo may balbas din ang ass mo, kapain mo meron. Pramis.
Bounce Back You Scum!
“But there is suffering in life, and there are defeats. No one can avoid them. But it’s better to lose some of the battles in the struggles for your dreams than to be defeated without ever knowing what you’re fighting for.” -PAULO COELHO
Matagal ding walang update itong lungga ko. Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw. Lilipat na kasi ako ng kumpanya. Iiwan ko na ang Pampanga kung saan ako naglagi ng halos dalawang taon. Di na ako masaya sa mga nangyari. Mahirap iexplain. Basta. Ayoko na makita ang pagmumukha ng isang gunggong na poreyner na kasama ko dito sa kumpanya namin. Kelangan ko nang umalis bago pa ako makagawa ng di kanais-nais. I heb to start ol ober agen. Para akong naglaro ng Final Fantasy X. May nakaligtaan akong item sa unang lebel kaya kelangan ko ireset. Di ko kasi matatalo ang monster kung wala yung item na yun. Bagong pakikipagsapalaran na naman. Sa mga di pa nakakakilala sakin, isa akong hilaw na negosyante. Struggling entrepreneur.
Two years din akong tumira sa land of sisig and keni-keni. Dito ako nakipagsapalarang magsimula ng negosyo kasama ang mga switik at magulang na poreyner partners. Nagsimula ako sa pagiging middleman ng mga consumer products. Benta-benta muna ng anik-anik hanggang sa makaipon ng konti at magkaroon ng network of contacts sa iba pang raket. Maganda nung una ang takbo ng negosyo. Maayos lahat at masaya. Hanggang sa biglang humagupit ang bagyong nagsimula sa bansang Estados Unidos. Anggaling ng tayming. Kung kelan nag-expand kami ng operation at gumastos ng malaki, dun pa sumabay ang crisis. Hindi namin naanticipate ang future. Aba’y nautot lang si Uncle Sam e halos hindi na makahinga ang lahat ng kumpanya ng mga bansa sa buong mundo. Anak ng pepe naman na bagong ahit. Damay pati kumpanya naming toddler pa lang at nag-uumpisa pa lang gumapang. Di pa nga marunong magpahid ng sipon e nilagnat kaagad. Bangag.
Pag ganitong crisis, dun mo malalaman ang tunay na character ng isang tao. Nasa sa iyo na lang yan kung gagamit ka ng matinong strategy na mahirap iimplement or tutulad ka sa karamihan na gagamit ng panggugulang at panlalamang sa kapwa para lang i-save ang kabuhayan. Dun ako nahirapan dahil di kaya ng konsensya ko ang manlamang sa kapwa. Di bale nang konti kita basta marangal. Pinili kong umalis kesa madungisan ang aking puri.
Sa mundong ginagalawan ko, mataas ang level ng stress. Konting maling decision mo lang kasi, masisira lahat ng pinaghirapan mo ng ilang taon sa loob lang ng ilang araw. Para kang nilalagay sa death row araw-araw. Samahan mo pa ng magugulang at mandurugas na mga mga kasosyo, nakow! sa kangkungan talaga ang bagsak mo.
Naloko. Naonse. Nadugas.
Di ko na ikukwento ang kabuuan ng mga pangyayari kasi kada iniisip ko eh napapamura ako ng sanlibong beses. Pagod na ako magmura. To cut the story short, nagulangan, nadugas at nauto ako kasama ang iba ko pang karaket ng isang poreyner partner. May nangyaring pagdaybert ng pondo. Sinamantala ang crisis para gulangan ang mga kasama sa negosyo. Akala ko yung mga politicians lang natin ang pwedeng gumawa nun dito sa ‘pinas, di pala. Myth lang pala yun. My mga mandurugas din palang poreyners na masyado nating sinasamba para lang magnegosyo sa ating bansa. Pistingyawa! Masyado ako nagtiwala. Dapat pala inaply ko ng konti yung ibang principles ni Machiavelli. Kaso di ko yata kaya yun. Magiging tamang praning naman ako lagi pag ganun. Ano ko, nakasinghot ng katol?
Di ko na rin babanggitin ang nasyonalidad nitong hinayupak na nandugas samin. Baka pag-isipan pa na racist ako tulad nung chinese journalist na umalipusta’t nang-insulto sa mga pinoy. Basta galing ang hinayupak na poreyner na ito sa lugar kung saan malalaki ang pototoy pero hindi naman sintigas ng pinoy ang kargada. [Talagang kelangan pa iempasayz na matigas,hehe] Katabi siya ng bansa ni Uncle Sam. Upper North near the equator 20 degrees latitude.
Hindi ko na nahabol ang pera ko. Pwede pa sana pambili ng mga turnilyo ng Ferrari. Ginamitan ako ng delaying taktiks. Lawyer kasi ang hinayupak. He’s the chairman kaya makapangyarihan. Masyadong magaling magpaikot. Nadugas ako sa sarili kong bansa ng isang dayuhan.
Wala nang panahon para maglupasay ako at mag-ngangawa. It’s time to pack up, lick my wounds and start all over again. Bata pa naman ako. May panahon pa para mag-umpisa ulit.
Bagong Trabaho
Wala akong alam na ibang trabaho para mabilis na makapag-ipon at makapag-umpisa ng panibagong negosyo. Wala ako sa posisyon para maghangad ng mataas na katungkulan sa isang kumpanya lalo na ngayon at kaliwa’t kanan ang tanggalan sa trabaho. Kaya naisipan kong pumasok sa isang…you got it right, isang BPO. Naisip ko kasi na mapapakinabangan ko ang dalawang taon kong pakikipagbolahan sa mga poreyners kung saan madami dun sa pinaggalingan kong kumpanya. Naisip ko rin na mas convenient ito sa pag-uumpisa ng panibagong raket sa daytime since panggabi naman ang bago kong work. Finally, di hamak naman na mas malaki ang kita dito kesa ibang trabaho. Makakapag-ipon agad ako. Tamang-tama dun sa bagong negosyo na naumpisahan ko nung isang buwan. Medyo kulang nga lang ako sa pondo kaya kelangang humada muna sa corporate world.
It’s a bitter pill to swallow kasi namindset ako sa umpisa pa lang na magnegosyo kahit uhugin ako pagdating sa larangang ito. Nainspire kasi ako ng Go Negosyo ni Joey Concepcion. Alam kong ito ang solution sa kahirapan. Hindi na dapat maghintay pa ng dayuhan para mamuhunan sa ating bansa. Kaya medyo masakit din sa aking madapaking ego na maging corporate slave pagkatapos ng lahat ng pinagsikapan ko nitong mga nakaraang taon. Kung dati ako ang nag-iinterbyu, ngayon bumaliktad ang mundo. Ako ngayon ang iniinterbyu. Minsan dumarating ang krisis sa buhay natin sa alanganing oras. Kelangan mabilis ka mag-adopt sa anumang situation. Ang mabagal gumawa ng paraan, talo. I have to eat my pride. Yang pride na yan ang dahilan kung bakit andaming nagugutom dito sa mundo. Wala na nga makain, taas ihi pa rin. Ayoko maging ganun. Survivor yata ito.
Sinuwerte naman na sa unang sabak ko sa pag-aaply, natanggap agad ako. Ito ang first time ko sa pag-aaply sa ganitong trabaho. 40 kaming aplikante sa batch ko na sabay-sabay dumaan sa madugong proseso ng screening. Exam. Nosebleed Englishan interbyu. Call Sim. Konting Essay. Typing speed. Etc. Etc. Di ko na maalala dahil nahilo na ako sa pagod. Pakonti kami ng pakonti habang papunta sa final screening.
Maangas yung nag-interbyu sakin. Piniga nang husto ang baon kong english. Di ko alam kung anong gagamitin kong accent. Iba-ibang nationality ang nakasama ko sa dati kong industriya. May Belgian, German, Canadian, Australian at kung sino-sino pang pabalik-balik sa aming opisina noon. Parang multiple choice na naglalaro sa utak ko ang mga accent ng mga poreyners na ito. Masyado akong naging conscious, Pers taym kasi. Kung Belgian accent, magiging parang si Arnold Schwarzenegger ang dating ko. Apelyido pa lang, nosebleed na. Di pwede. Halos pareho lang kasi tunog ng Belgian sa mga Austrian sa pagsasalita ng ingles. Kung Canadian naman eh para kang nakikipag-usap sa ngongo. Kinakain ang bawat salitang lumalabas. Bahala na sabi ko. Ginamitan ko na lang ng English na tunog kalabaw. Hinintay kong dumugo ang ilong ko. Buti naudlot. Katakot-takot na bolahan to the max. Hanggang sa matapos ko din lahat ng screening process. Sa kwarentang kasabay ko, lima lang kaming natira.
“You may now proceed to the J.O. Room.” Ito ang narinig kong sinabi samin pagkatapos matawag ang mga pangalan. Pumasok na kami sa J.O. Room. Hintayan. Pakiramdam ko kasali ako sa audition ng Pinoy Big Brother at hinihintay na lang ang ticket para makapasok sa bahay ni Kuya. Parang antagal ng bawat sandali. Bawat patak ng minuto ay parang isang siglo para sakin. Natatae na kasi ako. Maya-maya ay pumasok na yung HR Supervisor. Narinig ko ang pinakamatamis na salita na dapat marinig ng isang nag-aaply,” Congratulations, you passed all the screening process. You are hired!” Para akong nabunutan ng tinik. Umurong din yung tae ko na kanina pa nag-hehelo sa tumbong ko. Gusto pa yatang makipagselebreyt muna ng bonggang-bongga sakin bago ko siya iire. Ayos. Konting briefing from the HR personnel at pagkatapos ay kinuhanan kami ng litrato na parang papasok na sa gyera sa bilibid. Binigay samin ang envelope kung saan nakalagay ang mga dapat ayusin na requirements. Pasok na ako sa Dell. Back to Metro Manila na naman ako. Balik hebi trapik ulit.
Hanggang ngayon e malaking palaisipan sakin kung pano napunta sa Technical Support ang lalagariin ko samantalang sa Customer Service ang inaplayan ko. Basta, mataas ng isang gramo ang sweldo kesa dun sa ibang posisyon. Ok na rin. Sabi nung kasabay kong beterano na sa ganitong trabaho, baka mataas daw yung result ng exam ko. Ewan. Wala na akong pakialam dun. Basta ngayon, may pagkukunan na ulit ako ng pambili ko ng isang pack ng sigarilyo. Medyo nadeprive din ako sa yosi nitong huli. Kung minsan nakikisungkit na nga lang ako sa laman ng kaha ng yosi ni Marc, yung Australianong investor dun sa pinaggalingan kong industriya, para lang mapunan ang pangungulila ng baga ko. Ilang linggo din akong nagtiis na paistik-istik lang. Buti nagawan ko agad ng paraan. Sunog baga na ulit! Woohoo!
Ilang araw na lang at magiging bampira na ako na sa gabi nabubuhay. Watdahek! Basta may panglaman tiyan na muna ako sa ngayon, ok na yun. Saka ko na poproblemahin yung iba. I’m back in Manila and I’m happy I survived the storm. It’s nice to start all over again.









