bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Eksena Sa Office Kubeta

Sunday, April 19th, 2009

 

Maiksi lang tong entry na ‘to pramis. haha.

Nagstart na pala ako dun sa bago kong trabaho. Pucha, sa buong isang linggo kong pakikipagputahan at pakikipagtagisan sa nosebleed inglishan, panay ang ihi ko. Di ko alam kung epekto lang ito ng mala-antarktikang lamig ng aircon o talaga lang maluwag na ang pototoy-matres ko.

Medyo naweirduhan lang ako dun sa kubeta ng office namin. Sa dami ba naman ng puta sa kumpanya namin e naisipan lang nilang maglagay ng isang bonggang-bonggang C.R. na iisa lang din ang bonggang-bonggang cubicle. Isa lang din ang inidoro. Kaya pag bigla kang natae sa alanganing oras e…goodluck na lang. Napansin ko lang na kada pasok ko sa CR e laging may tao sa inidoro. Laging nakasara yung pinto. Hinanap ko kung may exhaust fan yung CR, wala. Hindot na yan, kelangan ko munang suminghot ng malalim bago pumasok sa kubeta. Naging bulung-bulungan tuloy sa opisina ang mga eksena sa kubeta.

Naging ugali naming sumilip sa ilalim at alamin kung ano itsura ng sapatos nung tumatae sa loob. Madaming sikretong nabunyag. haha.

Eto, atin-atin lang to. Pag tumatae ako sa kubeta ng opisina, hihintayin ko munang wala akong kasabay sa loob bago ako pumasok sa pintuan ng inidoro. Ganun din pag tapos na ako tumae at kelangan ko nang lumabas. Mahiyain lang siguro ako at ayokong ipagsigawan sa buong mundo na ako yung tumae sa may masangsang ang amoy na jerbaks na yun. Ewan ko pero halos lahat ng tumatae sa kubeta namin e ganito rin ang strategy. Minsan nagtrip ako. Pagkatapos kong dyuminggel, napansin kong may tumatae pala. Alam kong tapos na siya kaya naisipan kong tumambay muna sa loob. Matagal pa naman ang breaktime ko.Gusto na yata lumabas ni  boytae pero nahihiya yata. haha. Pakiramdaman to the max. 15 mins akong tumambay dun kasama yung ibang kakosa ko. Pinagtripan namin yung tumae. Pucha, talagang ayaw lumabas. haha. Nagkukunwaring tumatae pa rin. Hanggang sa mapagtanto niya siguro na wala kaming balak umalis at malelate na siya sa shift nya. Napilitang lumabas. Nakayuko siya palabas. Nagmamadali pero may kasamang pasimpleng dagger look na tingin sa grupo namin na parang sinasabing “tatae rin kayong mga hayop kayo!“. haha.

Nung Martes break time namin. Haba ng pila sa opis kubeta. Maya-maya may taga kabilang account na nagmamadaling pumasok sa kubeta. “Oops! may pila ‘pre.” sabi nung kasama ko. Di mo maipinta ang itsura ng puta. Pawis na pawis. Namimilipit. Salubong ang tuhod. Sabi nung kasama ko,”‘pre tatae ka? mauna kana.” “ako? hindi ah!” Pakunwaring sabi nung puta. Ikot-ikot sa pwesto. haha. In denial pa daw. Nahihiya din pala ang wetpaks.  Maya-maya lang nagmamadaling pumasok na sa inidoro kasabay ng dumadagundong na sound epeks na pang-Malabanan Excavation ang dating. After 10 minutes, di na naman mapakali. Ubos na pala toilet paper sa kubeta. haha. Walang pamunas.

Naiilang akong gumamit ng toilet paper pag jumejebs. Para kasing may malagkit na naiiwan dun sa balbas ng ass ko. Oo may balbas din ang ass mo, kapain mo meron. Pramis.

Posted by bioniclugaw at 2:10 pm | permalink

Previous Comments

Kuya, bakit mahilig ka yata mag-blog about tae? Lol :] Kawawa naman yung tumataeng pinapakiramdaman niyo lang. Baka nagka-almuranas na yun sa kahihintay sa inyong umalis ^_^

Posted by Rows at April 20, 2009, 2:50 am

rows ganyan talaga ang kalakaran ng buhay. parang tae. haha.

at least may nagsusulat ng tungkol sa tae. kawawa naman kasi sila eh. iniire na lang parati saka pinaflush. mabuti na yung nasa limelight sila paminsan-minsan.

ganyan talaga eksena sa kubeta ng mga opisina, pramis.

Posted by bioniclugaw at April 20, 2009, 3:01 am

hayop ka talaga magsulat! Astig.

Posted by bampiraako at April 20, 2009, 5:06 am

o bampiraako, ang aga mo yata magcomment. haha. ako di pa rin natutulog simula kahapon. may jetlag parin ako sa pagiging callboy ko. putek talaga.

Posted by bioniclugaw at April 20, 2009, 5:55 am

callboy din ako e. pero araw naman ang raket ko. mga briton e. hehehe. sige matulog ka na! ingat…wag ka sana managinip ng tae. lol harhar

Posted by bampiraako at April 20, 2009, 7:43 am

hahah tawa ko ng tawa sa trip nyo kuya na antayin syang lumabas ayun nakayuko tuloy lumabas hehe..

Posted by anakngpating at April 20, 2009, 3:26 pm

haha! anakngpating, ganyan talaga kalakaran sa corporate kubeta. nagkakahiyaan sa inidoro.

bampiraako, maswerte daw pag nanaginip ng tae…pera daw yun.

Posted by bioniclugaw at April 20, 2009, 3:43 pm

Sa office namin apat ang kubeta, so walang problema. Sa department namin bisexual yung CR: parehong puwede ang babae at lalake na gumamit. Saya.

Once pa lang ata ako jumebs dito sa office namin; usually pumupunta ako sa ground floor (may CR kasi dun). Naiilang kasi ako jumebs sa lugar na may kakilala ako. Ehehehe.

Posted by Andy Briones at April 20, 2009, 6:04 pm

ahhahaha! sa dati kong work, bawal ang jumebs sa CR namin, kelangan mo pang lumabas papunta dun sa common restroom sa floor para jumebs, hassle. Di naman masyado nagtitipid yang kumpanya mo at ayaw magpagawa ng mga bagong cr? :D

Posted by cleotie at April 20, 2009, 9:02 pm

hindi naman nagtitipid cleotie. sa ibang floor meron naman madaming cubicle. tamad lang talaga umakyat baba ang mga empleyado. haha. dyahi naman talaga diba? haha.

Posted by bioniclugaw at April 21, 2009, 3:31 pm

ows hindi nga heeh sayang naman po at hindi pa ko nakakapanginip ng tae hehe..
bampira?
hehe

Posted by anakngpating at April 23, 2009, 5:10 pm

NEJEJEBS AKO!

pero nasanay akong jumebs na parang wala lang kahit nasa likod lang ng poste.

sinusuka ko na lang kasi eh! mouthwash lang pala ang katapat!

Posted by mulong at April 24, 2009, 8:38 am

try mo managinip anakngpating, masaya. pramis. wag ka lang mag-uu sa higaan ha?

Posted by bioniclugaw at April 24, 2009, 8:49 am

hahaha! naawa ako dun sa pinagtripan niyo. pero paano ba yan proud ako sa amoy ng tae ko. mas mabango mas pinasaya! Mas trip ko pa nga kung sobrang baho talaga ng jerbaks ko yung tipong nakakamantsa na ang amoy! awwwooooo! hahah!

Posted by eloiski at April 26, 2009, 6:53 pm

sa ofis namin, okey lang ang jumebs kahit malakas ang sound ng utot mo na parang sinisilaban ng sili kasi malakas din mag sound trip ung isa naming kaofismate na malapit sa CR… Oh di bah… Mapapakanta ka pa… Oh my gulay..

Ang Life parang Tae.. Hehehe

Posted by Helen at July 24, 2009, 7:01 pm

Add a comment








     

April 2009
M T W T F S S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK