Cabalen. Wow! Sarap!
Friday, April 24th, 2009Kumain kami ng mga prens ko sa Cabalen sa West Avenue kahapon. Kagagaling ko lang nito sa pagpapakapokpok sa mga poreyner nang makatanggap ako ng shining, shimmering, splendid GC mula sa isang bayaning[o matakaw lang?] kaibigan. Syempre pag libre na ang usapan e mabilis ako rumesponde. Kahit galing pa ako sa kasuluk-sulukan ng kagubatan ng Basilan e susugod talaga ako makatikim lang ng libre.
Masarap ang mga chibog. Kung nagsawa ka na sa mga ulam sa Mcdo at Dyalibi, eto ang bagay sayo. Mga lutong bahay na tama ang timpla. Eat all you can ang drama ng restaurant. Irerekomenda ko talaga ang Cabalen para dun sa mga may healthy appetite [read:matakaw]. Sulit talaga.
Nung nasa Pampanga ako, dito kami lagi chumichibog kapag trip naming kumain ng mga barkada ko. Wantusawa. Sarap!
Tip ko lang kung gusto mong kumain sa Cabalen. Ireserve mo yung bituka mo few hours before ka pumunta. O kaya kung matindi ang iyong kapangyarihan, gayahin mo si Mahatma Gandhi ng India at magpakagutom ng humigit kumulang sa isang buwan. Sa paraang iyon masusulit ang iyong punta. Apordabol at risonabol din ang presyo ng mga menu nila. Pero di ko na babanggitin. Its up to you to diskober para may konting surprise. haha. Ang totoo, nakalimutan ko lang talaga.
Inabot kami ng tatlong oras bago umalis. Sinuyod muna namin lahat ng chibog para nga naman sulit. hehe. Siniksik ko nang todo yung mga pagkain na pumapasok sa bituka ko para magkasya. Parang biyaheng Cubao-Quiapo na jeep. “Meron pa! sakay na! lalarga na! Konting singit lang mga friends, isa pa sa bandang appendix!” May ganun.
Bumili naman ako ng mga paninda nilang pasalubong para nga naman di dyahi. haha. Inabuso kasi namin ng todo yung menu.
Mukha akong nireyp ng sandosenang kuneho sa itsura ko dito. Wala pa kasi akong tulog. Nakarinig kasi ng libre kaya sumugod agad. haha. picture 1: ako kasama mga prens ko, round 1 chibugan. picture 2: kasama pa rin mga prens ko, round 2 chibugan.
Seryoso, bisita kayo Cabalen. Masarap talaga. [Nangangarap maging endorser, haha.]










