bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Cabalen. Wow! Sarap!

Friday, April 24th, 2009

Kumain kami ng mga prens ko sa Cabalen sa West Avenue kahapon. Kagagaling ko lang nito sa pagpapakapokpok sa mga poreyner nang makatanggap ako ng shining, shimmering, splendid GC mula sa isang bayaning[o matakaw lang?] kaibigan. Syempre pag libre na ang usapan e mabilis ako rumesponde. Kahit galing pa ako sa kasuluk-sulukan ng kagubatan ng Basilan e susugod talaga ako makatikim lang ng libre.

 

Masarap ang mga chibog. Kung nagsawa ka na sa mga ulam sa Mcdo at Dyalibi, eto ang bagay sayo.  Mga lutong bahay na tama ang timpla. Eat all you can ang drama ng restaurant. Irerekomenda ko talaga ang Cabalen para dun sa mga may healthy appetite [read:matakaw]. Sulit talaga.

Nung nasa Pampanga ako, dito kami lagi chumichibog kapag trip naming kumain ng mga barkada ko. Wantusawa. Sarap!

Tip ko lang kung gusto mong kumain sa Cabalen. Ireserve mo yung bituka mo few hours before ka pumunta. O kaya kung matindi ang iyong kapangyarihan, gayahin mo si Mahatma Gandhi ng India at magpakagutom ng humigit kumulang sa isang buwan. Sa paraang iyon masusulit ang iyong punta. Apordabol at risonabol din ang presyo ng mga menu nila. Pero di ko na babanggitin. Its up to you to diskober para may konting surprise. haha. Ang totoo, nakalimutan ko lang talaga.

Inabot kami ng tatlong oras bago umalis. Sinuyod muna namin lahat ng chibog para nga naman sulit. hehe. Siniksik ko nang todo yung mga pagkain na pumapasok sa bituka ko para magkasya. Parang biyaheng Cubao-Quiapo na jeep. “Meron pa! sakay na! lalarga na! Konting singit lang mga friends, isa pa sa bandang appendix!” May  ganun.

Bumili naman ako ng mga paninda nilang pasalubong para nga naman di dyahi. haha. Inabuso kasi namin ng todo yung menu.

Mukha akong nireyp ng sandosenang kuneho sa itsura ko dito. Wala pa kasi akong tulog. Nakarinig kasi ng libre kaya sumugod agad. haha. picture 1: ako kasama mga prens ko, round 1 chibugan. picture 2: kasama pa rin mga prens ko, round 2 chibugan.

Seryoso, bisita kayo Cabalen. Masarap talaga. [Nangangarap maging endorser, haha.]

Posted by bioniclugaw at 9:01 am | permalink

Previous Comments

Tagal na din ako di nakapag foodtrip. Sarap nga jan. Mahilig din kami ng tropa maging matakaw! Last ko atang katakawan attack ay merienda all-u-can sa Dad’s sa mega.

P.S. Manlibre ka!

Posted by bampiraako at April 24, 2009, 12:45 pm

kuya Bernard ksma ako sa blog mu ah.. heheheh bisitahin mu dn ung akin.. chucklee1988.1.ph

Posted by lohki at April 25, 2009, 4:06 pm

Agree ako sa ‘yo: masarap nga mag eat-all-you-can (lalo na pag libre). lulz.

Kamusta naman? Hindi naman kayo na-impacho sa dami ng kinain niyo? Ehehehe. :-)

Posted by Andy Briones at April 25, 2009, 8:45 pm

andy muntikan na nga e. as in madami talaga ako nakain. hahaha sarap kaya ng libre

Posted by bioniclugaw at April 26, 2009, 2:28 am

waw endorser!
parang naririnig ko sa tv yan ah.
mukhang masarap nga.
nagutom tuloy ako.
gusto ko ng mcdo! hahaha!
ganun!

Posted by eloiski at April 26, 2009, 6:49 pm

wow makapunta nga dyan hehe ..
sa tokyo tokyo lang kasi kami hehe rice naman ang limited dun hehe..
pero dahil jan eh eat all u can bibisita ko at maghahanap ng manlilibre sakin hehe..:)
kuya ikaw ba pwede hehe

Posted by anakngpating at May 4, 2009, 8:09 pm

ou msarap tLaga ang mga pagkain sa cabalen sa my west avenue tpoz maba2it pa ang mga tao dyan, kze dyan aq0h ng ojt ……

ma mi miss q0h ang cabalen n yan eh, , d lng msarap ang pagkain mrunong p cla mki sama….

Posted by joyce ann at February 10, 2010, 4:32 pm

Add a comment








     

April 2009
M T W T F S S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK