Home » Archives » 27. April 2009
The Graduate
Monday, April 27th, 2009“I never let my schooling interfere with my education”- Mark Twain
Madami na namang estudyante ang nagtapos sa taong ito. Nadagdagan na naman ang mga tambay ng lipunan. Dibale nang alang trabaho, basta may diplomang ididisplay sa dingding ng bahay. Yan kasi ang premyo ng ating mga magulang na pwede nilang ipagyabang sa tsismosang kapitbahay. Ego trippers din ang mga parents natin. haha. ”oy yung anak ko nakatapos ng engineer.” Kala nyo pinagtapos kayo para gumanda buhay eh noh? Hinde. Haha. Napansin nyo ba na kada may family reunion e nagpapataasan ng ihi ang mga magulang natin?
Bidang magulang 1:“oy si junior ko graduate na ng engineer yan!”
Bidang magulang 2:“san siya ngayon nagtatrabaho?”
Bidang magulang 1:“oo pogi ang anak ko.”
‘nlabo ng sagot.
Nung estudyante pa lang ako e madalas kong marinig ang pangaral ni ermat. “anak, mag-aral kang mabuti para makahanap ka ng magandang trabaho.” Teacher kasi ermat ko kaya sa araw-araw na ginawa ng Diyos e ito ang pangaral nya sakin.
Ok naman ang pangaral na yun. Isinapuso naman namin ng utol ko. Kaya nga yung kuya ko e gumradweyt sa UP. Suma.
Suma-sampung taon bago siya nagtapos. Sa di namin malamang dahilan e sumaydway muna si kolokoy. Nagpakadalubhasa sa kalokohan. Sumali sa fraternity at nadyaryo pa sila sa kasagsagan ng frat war sa kanilang campus noong dekada nobenta. Muntik na makickout at nawalan ng gana sa pag-aaral.
Sabi ko sa sarili ko. Di ako tutulad kay kuya. Ayokong umabot ng sampung taon sa kolehiyo. Mahirap yun kako. Ayun, gumraduate ako.
Magna.
Magna-nine years ako sa kolehiyo. Haha. Di naman. Juk unli. Six years lang naman. At least di pa rin ako umabot ng sampung taon tulad ng kay utol. Anggandang achievement para sakin. Natupad ko ang pangarap kong di matulad kay utol. Di nyo naitatanong, nasa lahi talaga namin ang nagtatagal sa kolehiyo. May mga tito kasi ako na inabot ng sampung taon. Kelangan may magmana. Kami ng utol ko ang sumalo sa tradition. Haha.
Nakaapekto ba yun sa kinahinatnan ng buhay namin? Ewan. Andun kasi yung stigma na kapag hindi maganda ang academic record mo sa kolehiyo e wala ka nang future. Yun kasi ang turo ng mga magulang natin. Sa kaso namin, we broke the myth. Hindi totoo yun. Mukhang napaganda nga epekto nun sa kapatid ko dahil isa na siyang Manager ngayon sa kumpanya ni Danding. Maayos na ang buhay. Ako na lang yata ang hinde. Hehe.
Bago nadedbol si ermat nung bata ako, pinangako ko na tatapusin ang pag-aaral kahit anong mangyari. Nag-aaral din naman ako nun. Di nga lang ako yung tipo ng estudyante na bahay-paaralan. Hanggang sa mabarkada at muntik na tinamad makatapos. Medyo nahimasmasan lang ako sa huli nung maalala ko ang pangako ko kay ermat. Mahirap na, baka bigla akong dalawin nang wala sa oras. Ma, peace tayo. Haha. Sensitib pa naman ang mga balahibo ko pagdating sa bagay na yan. Bigla na lang nagsisitakbuhan. Nauuna pa sakin pag multo na ang usapan.
Sinasabayan ko pa rin naman ng konting gimik yung pag-aaral. Katwiran ko kasi e minsan lang ako magiging estudyante. I might as well enjoy it. Kelangan ko din kumerengkeng ng konti noh? “Sayang ang Miles!” sabi nga nung isang credit card company.
Masipag ako pumasok nun na kahit bangenge pa ako dun sa inuman e go pa rin ako sa klase. Kahit lasing, pumapasok pa rin. Ganun ako kadedicated sa school. Mataas pa rin naman ang mga grades ko nun. Di nga lang ako nagfufull load. May mga raket kasi ako dati saka lintek ang enrollment sa FEU noong andun pa ako. Pabago-bago ng curiculum lalo na sa institute namin. [ayan, nangatwiran pa ako e noh?]
Nagtaka na nga lang ako nung nagsimula na ako mag-apply ng trabaho. Karamihan ng may-ari ng kumpanya na inaplayan ko e puro mga college drop-out ang may-ari. Pinilit kong tapusin ang kurso ko para magtrabaho sa boss na hindi nakatapos ng pag-aaral. Anak ng kunehong baog! Anggaling. Hindi ba insulto sakin yun? Si Bioniclugaw, college gradwet tapos magiging alila ng isang high school gradwet lang?! Watdafak. Parang may mali yata.
Dahil dun, nagsaliksik ako. Nalaman ko na si Bill Gates pala, na pinakamayaman sa buong mundo, ay college drop-out. Maging ang mga tycoons natin dito sa ‘pinas tulad nila Henry Sy at Lucio Tan ay di rin pala nakatapos. Saludo ako sa mga taong ito. sa kabila ng kakulangan nila sa edukasyon, nagawa pa rin nilang magtagumpay sa buhay. Nagkamali ba ng payo ang aking mga magulang? Ewan.
“It is hard to fail, but it is worse never to have tried to succeed.”
Theodore Roosevelt
Ang mali siguro ay kung tinatapos mo na ang edukasyon mo paglabas ng unbersidad at magpadala sa takot na magkamali. May mga tao kasing ganun. Masyadong nakulong ang utak nila sa traditional na eskwelahan. Ayaw na matuto ng panibagong kaalaman. Bakit ko nasabi ‘to? May kilala kasi akong ganun. Nag-aral ng mabuti. Nagtapos. Nakahanap ng magandang trabaho na malaki ang sweldo. Nagkapamilya at nagkaroon ng mga anak. Pagkalipas ng dalawang dekadang paninilbihan sa kumpanyang pinasukan, nagsara ang kumpanya. At sa edad na kwarenta, tumambay na lang sa bahay. [Isipin mo yun? Kwarenta pa lang, isinuko na agad ang pangarap? Ano akala nya, baldado na siya?] Hindi na naghanap pa ng kabuhayan. Saan na napunta yung sweldong malaki? Wala. Gumastos nang gumastos. Akala yata walang katapusan. Hindi na nakapag-ipon.
May mas malaki pang unibersidad pagkatapos ng kolehiyo. Iyon ay ang iskwelahan ng buhay. Talo ang duwag at ayaw sumubok. Hindi iyon natatapos hangga’t hindi pa pumantay ang iyong dalawang paa at pinaglalamayan ang iyong betlog ng asawa mo. Bagsak ka pag mahina ang loob mo. Walang class card dito. Makikita ang grado mo sa bilang ng taong makikipaglibing sayo pag kinuha ka na ni Lord.
I wrote this poem few days before I finished my thesis. I had it printed at the back of my thesis book during my last days at the university. Very mushy but what the heck, ganun talaga ang mga paalis na ng school. Nagiging emotional.
Dreniskus
There is a journey way ahead of time, open it up and you will see. Let us plant a new beginning today, initiate the first step of glory. Through the barricades we should come to make things happen. Proclaim the spirit’s desire, conquer the King’s den.
Illuminate the path for a glimpse of courage against cowardice. The dark rain seems so vague for the daring heart’s bliss. Put the blueprint of valor beneath, the rising sun comes sooner. Do not be afraid to wait, it’s just a single step longer.
Now is the time to look! The chance is near the periphery… Throw the wicked thoughts of defeat to shear emotions of victory. Cry for the pains of struggle. Nevertheless, carry the eagle’s boldness. Bring the new blood of hope, and be the best you can be.
-Bernard Dreniscus Bautista, 4:08 am March 20, 2003
Speaking of education, CONGRATULATIONS sa high school barkada kong si Atty. Antonio “Bingbong” Ladera IV. Isa na siyang Abugago, este Abugado. Lumabas na ang resulta ng BAR Exam nung isang linggo at isa siya sa pumasa. Ayus! Libre na panotaryo ko!









