bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Plakda si Hatton!

Monday, May 4th, 2009

Bago ko makalimutan, nanood pala ako ng laban ni Manny Pacquiao kahapon. Congratulations Manny! Anggaling mo!

Potek namang laban yan. Di pa man nag-init ang tumbong ko sa panonood e bumulagta na agad ang mayabang na si Hatton. Round 1, bagsak dalawang beses. Round 2, plakda. Di na bumangon. Tulog si gago. As in. Nagmukhang batang pinabili lang ng suka ang itsura ni Hatton. Di malaman kung ano ang tumama sa kanya. Alam kong malakas sumuntok si Manny pero di ko akalain na ganun nya kabilis ididispatsa itong maangas na Briton. Hindi umubra ang panggugulang ni Hatton.

May suspetsa akong badinggerzi itong kalaban ni Manny. Panay ang yapos at pilit nakikipagholding hands kada napapadikit si Manny. Hindi kaya front lang nito ang pagiging boksingero? Napansin ko kasi sa mga iba pa nyang laban, lagi siyang nangyayakap ng kalaban. Suspetsa ko lang naman yun. Ayan tuloy, nasampolan siya ni Manny. Di nakayanan ang rapid fire tondo style sapak ng ating pambansang kamao.

Pwedeng-pwede nang gawing endorser si Manny ng Trust condom pagkatapos ng nangyari sa laban nila ni Hatton. “Trust Condom: Round 1 pa lang, bagsak ang tamod! You know…”

Kung basagan din lang naman ng mukha ang pag-uusapan, di tayo patatalong mga pinoy. Walang sinabi ang mga Britton. Sabi nga ni Manny,”Payt lang nang payt! You know…” Sana isunod na si Floyd Mayweather Jr. nang matigil na ang kayabangan nilang mag-ama. Tama na ang satsat, isunod na yan!

Posted by bioniclugaw at 4:08 pm | permalink

Previous Comments

haha napnsin ko nga rin un kuya madalas sya yumakap bading nga ata yun hehe..
ang yabang ni couch nya dpat nga binigyan din un ng isa ni manny ..panalo wooot

Posted by anakngpating at May 4, 2009, 7:51 pm

wala siya kay Pacman! huweeehH! :D ahahaha :D the greatest man that ever lived! :D

Posted by gudang at May 4, 2009, 11:09 pm

masm mahaba pa ang patalastas kumpara sa laban.

Posted by Arthritis-Treatment.ASIA at May 5, 2009, 12:17 am

“Pwedeng-pwede nang gawing endorser si Manny ng Trust condom pagkatapos ng nangyari sa laban nila ni Hatton. ‘Trust Condom: Round 1 pa lang, bagsak ang tamod! You know…’ ”

Bumagsak nga ang tamod — you know, ehehe. Tindi ni Manny, may pa you-know, you-know pang nalalaman. :-)

Oo nga! Sana isunod na ni Manny si Floyd Mayweather Jr., para matahimik na. :p

Posted by Andy Briones at May 6, 2009, 1:39 pm

may tag/award ako sayo..
bisita ka dito..
http://anakngpating.wordpress.com
hugs..

Posted by anakngpating at May 6, 2009, 9:19 pm

Naku namemera lang siguro si mAyweathher..whtever kasi gusto niya lumaban pero for the money lang yang

Posted by choco at May 8, 2009, 4:38 pm

manny pacquiao the best

Posted by Banxietyy07 at May 12, 2009, 4:32 pm

mukhang tamod si hatton. :)

Posted by hippiesappho at May 27, 2009, 7:33 pm

mukhang matagal tagal ka ng walang post ah. busy?

Posted by bernardumali at May 29, 2009, 8:13 pm

busy tsong saka nasira computer ko. kainis. baka nextweek balik nako ulit. hehe

Posted by bioniclugaw at May 31, 2009, 2:35 pm

woohoo! nasaan na ang bagong entry?
naghihintay kami..

Posted by eloiski at June 3, 2009, 7:28 pm

oisssst! ang tagal mong hinde nagpopost bro. busy ka din ba tulad ko?

Posted by madbong at July 10, 2009, 8:41 am

bisita ka nama dito..
http://anakngpating.wordpress.com/2009/07/30/thanks-giving-list/

Posted by anakngpating at July 30, 2009, 4:17 pm

hi ..favor naman po pa update naman po ng url ko
http://www.anakngpating.com/

salamat..hugs..lovely po hehe.,..

Posted by lovely at August 1, 2009, 9:02 pm

Dude, masyado na yatang luma ang post mo dito. Update please……

Posted by Work in Dubai at September 25, 2009, 10:05 pm

Add a comment








     

May 2009
M T W T F S S
« Apr   Oct »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK