DOTA in the Waterworld
Monday, October 12th, 2009Nakalimutan ko nga pala ikwento. Masyadong intense ang labanan namin sa DOTA ng mga kaopisina ko nung umaga ng September 26. Di pa tumitigil ang ulan simula nung nakaraang gabi pero di namin yun alintana. Di ko alam kung masyado lang talaga kaming sugapa o manhid lang sa nagbabadyang panganib. Basta pagkatapos ng shift,deretso agad sa shop. limahan. walang pakialam. di bale nang malunod, makaganti lang sa hero ng kalaban.
Nagsimula kami ng alas-otso ng umaga. Pagdating ng alas-nuwede,nagsisimula nang sumikip ang kalsada sa Ortigas dahil sa mga stranded na sasakyan. Wala pa rin kaming pakialam. Kelangang makaganti! Double Kill! Godlike! Sunod-sunod na patayan. Kelangang walang masasayang na sandali. Kelangan naming mawasak ang mga tore. Alas-diyes. hanggang tuhod na ang tubig sa kalsada.Sabi ko sa TL ko,”boss, mukhang tumataas na ang tubig”…”ok lang yan,ano ba bago?” sabi ni TL. O siya, sige. Gangbang pa rin. Lamang na kami sa kalaban. OK! panalo! Rebanche daw. Sige RM na to. Di ko na mabilang kung nakailang round kami. Basta,naalala ko lang na masaya ako paglabas ng shop dahil panalo kami.
Ala-una na nang tanghali nang maisipan naming lumabas. Hindi dahil sa concern kami at baka malunod na ang mga kamaganak namin sa baha kundi dahil sa magsasara na ang shop. Binalak pa namin maghanap ng bukas na shop para ituloy ang naudlot na giyera ng mga Sentinels at Scourge. Paglabas ko sa pintuan, “Holly Puwet!” antaas na ng tubig. Ups! may kasama pang lumulutang na jerbaks mula sa nalunod na poso-negro. At kung bakit tinawag na poso-negro ang bahay-tae ay isang malaking palaisipan pa rin sakin hanggang ngayon. Tanginers talaga. Ngayon lang yata nangyari to. Lahat na ng pwedeng daanan nalunod na sa tubig. Pagtawid ko sa EDSA, pucha yung mga sasakyan di na gumagalaw. Nakapatay na nga ang mga makina siguro dahil naisip na rin ng mga drayber na wala nang pag-asang umusad pa. Tsk! Watdahel is happening? naitanong ko sa sarili ko.
Pakiramdam ko naligaw lang ako sa ibang planeta nung mga oras na yun. Syet! wala na talagang masakyan. Sumabay pa ang globe sa problem ko. Nalunod din yata yung signal ng lekat. Di ako makapagtext. Tanginers na Bagyong Undoy yan. Buti na lang medyo maganda mood ko dahil panalo ako sa DOTA kundi, nakow! isasama ko na talaga sa hate list ko yang bagyong yan.
Nawalan na ako ng pag-asang makasakay pa. Naisipan kong bumalik na lang sa opisina para magpalipas ng gabi. Amoy wasabe na yung brip ko sa pawis dahil sa kakalakad tapos bukas pa ako makakauwi. Putek, tiis-tiis na lang muna. Ginamitan ko na lang muna ng Johnson’s Baby Powder. Awang-awa na ako kay pototoy ko dahil sabi yukines na daw yung brip ko. In fairness masarap pala ang pakiramdam ng may pulbo sa yagbols. hehe. Nagmukhang espasol si pototoy ko dahil sa dami ng pulbong binudbod ko.
Nanood na lang ako ng TV buong gabi sa opisina. Linggo ng umaga na ako nakauwi.
Lagareng kabayo
Wednesday, October 7th, 2009Olrayt…isang mabilisang update habang nakasingit akong gumamit sa PC ng opis.wag lang sana mascreenshot ng lintek na IT. May balak pa akong magtagal dito sa trabahong to. Pucha, ambilis ng mga araw. Dinaya na naman ako ni haring oras. Akalain mong limang buwan na pala ang nakalipas nung huli kong kinalikot ang lungga kong ‘to. Salamat nga pala dun sa mga napapadaan pa rin kahit wala namang napala. O siya eto na, magpaparamdam na ako. Matindi lang talaga pangangailangan ko nitong mga nakaraang buwan kaya wala talaga akong oras bumalik sa blogosperya. Lagare to the bones ako ngayon. Isa akong callboy sa gabi at singer sa lamay tuwing umaga. tsk! Mahirap kaya yun. Dighay nga lang ang pahinga ko. Pati sa pagtulog, napapanaginipan ko pa na nagpupunta ako sa lamay. Paggising ko, wasted na wasted ang pakiramdam ko. Lecheng buhay to,pati ba naman sa pagtulog eh nagpupuyat pa rin ako. Tanginers. Anghirap talaga pag naging dead-hungry ka at slam-soil[read: patay-gutom at hampas-lupa]. Kelangan mo talagang kumayod ng todo. sus ginoo.
Lintek, kelangan ko na naman magtrabaho. pahiram muna ng dialogue ni McArthrur,” I shall return…”








