Home » Post Item » Marso Na Naman
Marso Na Naman
Sunday, March 1st, 2009This is the first day of the month. Parang simbilis ng kidlat natapos yung Pebrero na parang walang nangyari. Namiss ko mga barkada ko, namiss ko rin family ko. Di nga ako nag-abroad pero parang ganun din ang nangyayari. Malayo parin ako sa family and friends. What the heck is happening to me?
Tumatanda yata ako ng paurong. The only difference is that my mom is not there to spank me. She passed away when I was still young. Kahit na lng sana in my dreams na lang siya magpakita at ilatigo nya ako ng bonggang-bongga para matauhan ako ng konti.
Ano ba meron pag Marso? Ito yung tinatawag nilang graduation month pero karamihan naman ng skul e sa Abril o kaya sa Mayo na nagmamartsa. hehe. Ano pa meron? Tinawag din nilang Fire Prevention Month ang buwan na ito pero kadalasan, dito madaming nangyayaring sunog. Very ironic.
Linggo ngayon, kelangan ko maglaba. Angkulit din ano? Eto sana yung araw ng pahinga pagkatapos ng isang linggong trabaho pero eto at gumagawa pa rin ako ng trabaho. Maglabandero na rin kaya ako para sulit ang pagod. At least kikita pa ako ng extra income.
Ano kaya ginagawa ni utol? yung mga barkada ko? I guess it’s time to party next week. Lapit na sweldo. May bubuksang bar yung kakilala ko. Kelangan nya daw ng musikero at ako ang natokang tumugtog. Ang bayad: libreng beer at pulutan. Pwede na rin.
Tagal na rin ako di nakakatugtog. Huli kong gig is January 28 last year pa. Inimbita ako ng barkada ko na mag-wedding singer sa kasal ng ate nya. Natapos ko naman nang maayos ang set ko. Hobby ko lang naman tumugtog. Pantanggal stress. Pero pinangarap ko din nun maging sikat na gitarista. But that’s another story. Wala na yun kinalaman sa title ko dito sa post nato.
Anyway, labalabadoo muna me. Kaloka tong araw nato.









