bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Cabalen. Wow! Sarap!

Friday, April 24th, 2009

Kumain kami ng mga prens ko sa Cabalen sa West Avenue kahapon. Kagagaling ko lang nito sa pagpapakapokpok sa mga poreyner nang makatanggap ako ng shining, shimmering, splendid GC mula sa isang bayaning[o matakaw lang?] kaibigan. Syempre pag libre na ang usapan e mabilis ako rumesponde. Kahit galing pa ako sa kasuluk-sulukan ng kagubatan ng Basilan e susugod talaga ako makatikim lang ng libre.

 

Masarap ang mga chibog. Kung nagsawa ka na sa mga ulam sa Mcdo at Dyalibi, eto ang bagay sayo.  Mga lutong bahay na tama ang timpla. Eat all you can ang drama ng restaurant. Irerekomenda ko talaga ang Cabalen para dun sa mga may healthy appetite [read:matakaw]. Sulit talaga.

Nung nasa Pampanga ako, dito kami lagi chumichibog kapag trip naming kumain ng mga barkada ko. Wantusawa. Sarap!

Tip ko lang kung gusto mong kumain sa Cabalen. Ireserve mo yung bituka mo few hours before ka pumunta. O kaya kung matindi ang iyong kapangyarihan, gayahin mo si Mahatma Gandhi ng India at magpakagutom ng humigit kumulang sa isang buwan. Sa paraang iyon masusulit ang iyong punta. Apordabol at risonabol din ang presyo ng mga menu nila. Pero di ko na babanggitin. Its up to you to diskober para may konting surprise. haha. Ang totoo, nakalimutan ko lang talaga.

Inabot kami ng tatlong oras bago umalis. Sinuyod muna namin lahat ng chibog para nga naman sulit. hehe. Siniksik ko nang todo yung mga pagkain na pumapasok sa bituka ko para magkasya. Parang biyaheng Cubao-Quiapo na jeep. “Meron pa! sakay na! lalarga na! Konting singit lang mga friends, isa pa sa bandang appendix!” May  ganun.

Bumili naman ako ng mga paninda nilang pasalubong para nga naman di dyahi. haha. Inabuso kasi namin ng todo yung menu.

Mukha akong nireyp ng sandosenang kuneho sa itsura ko dito. Wala pa kasi akong tulog. Nakarinig kasi ng libre kaya sumugod agad. haha. picture 1: ako kasama mga prens ko, round 1 chibugan. picture 2: kasama pa rin mga prens ko, round 2 chibugan.

Seryoso, bisita kayo Cabalen. Masarap talaga. [Nangangarap maging endorser, haha.]

Posted by bioniclugaw at 9:01 am | permalink | comments[7]

Eksena Sa Office Kubeta

Sunday, April 19th, 2009

 

Maiksi lang tong entry na ‘to pramis. haha.

Nagstart na pala ako dun sa bago kong trabaho. Pucha, sa buong isang linggo kong pakikipagputahan at pakikipagtagisan sa nosebleed inglishan, panay ang ihi ko. Di ko alam kung epekto lang ito ng mala-antarktikang lamig ng aircon o talaga lang maluwag na ang pototoy-matres ko.

Medyo naweirduhan lang ako dun sa kubeta ng office namin. Sa dami ba naman ng puta sa kumpanya namin e naisipan lang nilang maglagay ng isang bonggang-bonggang C.R. na iisa lang din ang bonggang-bonggang cubicle. Isa lang din ang inidoro. Kaya pag bigla kang natae sa alanganing oras e…goodluck na lang. Napansin ko lang na kada pasok ko sa CR e laging may tao sa inidoro. Laging nakasara yung pinto. Hinanap ko kung may exhaust fan yung CR, wala. Hindot na yan, kelangan ko munang suminghot ng malalim bago pumasok sa kubeta. Naging bulung-bulungan tuloy sa opisina ang mga eksena sa kubeta.

Naging ugali naming sumilip sa ilalim at alamin kung ano itsura ng sapatos nung tumatae sa loob. Madaming sikretong nabunyag. haha.

Eto, atin-atin lang to. Pag tumatae ako sa kubeta ng opisina, hihintayin ko munang wala akong kasabay sa loob bago ako pumasok sa pintuan ng inidoro. Ganun din pag tapos na ako tumae at kelangan ko nang lumabas. Mahiyain lang siguro ako at ayokong ipagsigawan sa buong mundo na ako yung tumae sa may masangsang ang amoy na jerbaks na yun. Ewan ko pero halos lahat ng tumatae sa kubeta namin e ganito rin ang strategy. Minsan nagtrip ako. Pagkatapos kong dyuminggel, napansin kong may tumatae pala. Alam kong tapos na siya kaya naisipan kong tumambay muna sa loob. Matagal pa naman ang breaktime ko.Gusto na yata lumabas ni  boytae pero nahihiya yata. haha. Pakiramdaman to the max. 15 mins akong tumambay dun kasama yung ibang kakosa ko. Pinagtripan namin yung tumae. Pucha, talagang ayaw lumabas. haha. Nagkukunwaring tumatae pa rin. Hanggang sa mapagtanto niya siguro na wala kaming balak umalis at malelate na siya sa shift nya. Napilitang lumabas. Nakayuko siya palabas. Nagmamadali pero may kasamang pasimpleng dagger look na tingin sa grupo namin na parang sinasabing “tatae rin kayong mga hayop kayo!“. haha.

Nung Martes break time namin. Haba ng pila sa opis kubeta. Maya-maya may taga kabilang account na nagmamadaling pumasok sa kubeta. “Oops! may pila ‘pre.” sabi nung kasama ko. Di mo maipinta ang itsura ng puta. Pawis na pawis. Namimilipit. Salubong ang tuhod. Sabi nung kasama ko,”‘pre tatae ka? mauna kana.” “ako? hindi ah!” Pakunwaring sabi nung puta. Ikot-ikot sa pwesto. haha. In denial pa daw. Nahihiya din pala ang wetpaks.  Maya-maya lang nagmamadaling pumasok na sa inidoro kasabay ng dumadagundong na sound epeks na pang-Malabanan Excavation ang dating. After 10 minutes, di na naman mapakali. Ubos na pala toilet paper sa kubeta. haha. Walang pamunas.

Naiilang akong gumamit ng toilet paper pag jumejebs. Para kasing may malagkit na naiiwan dun sa balbas ng ass ko. Oo may balbas din ang ass mo, kapain mo meron. Pramis.

Posted by bioniclugaw at 2:10 pm | permalink | comments[15]

Bounce Back You Scum!

“But there is suffering in life, and there are defeats. No one can avoid them. But it’s better to lose some of the battles in the struggles for your dreams than to be defeated without ever knowing what you’re fighting for.” -PAULO COELHO

Matagal ding walang update itong lungga ko. Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw. Lilipat na kasi ako ng kumpanya. Iiwan ko na ang Pampanga kung saan ako naglagi ng halos dalawang taon. Di na ako masaya sa mga nangyari. Mahirap iexplain. Basta. Ayoko na makita ang pagmumukha ng isang gunggong na poreyner na kasama ko dito sa kumpanya namin. Kelangan ko nang umalis bago pa ako makagawa ng di kanais-nais. I heb to start ol ober agen. Para akong naglaro ng Final Fantasy X. May nakaligtaan akong item sa unang lebel kaya kelangan ko ireset. Di ko kasi matatalo ang monster kung wala yung item na yun. Bagong pakikipagsapalaran na naman. Sa mga di pa nakakakilala sakin, isa akong hilaw na negosyante. Struggling entrepreneur.

Two years din akong tumira sa land of sisig and keni-keni. Dito ako nakipagsapalarang magsimula ng negosyo kasama ang mga switik at magulang na poreyner partners. Nagsimula ako sa pagiging middleman ng mga consumer products. Benta-benta muna ng anik-anik hanggang sa makaipon ng konti at magkaroon ng network of contacts sa iba pang raket. Maganda nung una ang takbo ng negosyo. Maayos lahat at masaya. Hanggang sa biglang humagupit ang bagyong nagsimula sa bansang Estados Unidos. Anggaling ng tayming. Kung kelan nag-expand kami ng operation at gumastos ng malaki, dun pa sumabay ang crisis. Hindi namin naanticipate ang future. Aba’y nautot lang si Uncle Sam e halos hindi na makahinga ang lahat ng kumpanya ng mga bansa sa buong mundo. Anak ng pepe naman na bagong ahit. Damay pati kumpanya naming toddler pa lang at nag-uumpisa pa lang gumapang. Di pa nga marunong magpahid ng sipon e nilagnat kaagad. Bangag.

Pag ganitong crisis, dun mo malalaman ang tunay na character ng isang tao. Nasa sa iyo na lang yan kung gagamit ka ng matinong strategy na mahirap iimplement or tutulad ka sa karamihan na gagamit ng panggugulang at panlalamang sa kapwa para lang i-save ang kabuhayan. Dun ako nahirapan dahil di kaya ng konsensya ko ang manlamang sa kapwa. Di bale nang konti kita basta marangal. Pinili kong umalis kesa madungisan ang aking puri.

Sa mundong ginagalawan ko, mataas ang level ng stress. Konting maling decision mo lang kasi, masisira lahat ng pinaghirapan mo ng ilang taon sa loob lang ng ilang araw. Para kang nilalagay sa death row araw-araw. Samahan mo pa ng magugulang at mandurugas na mga mga kasosyo, nakow! sa kangkungan talaga ang bagsak mo.

Naloko. Naonse. Nadugas.

Di ko na ikukwento ang kabuuan ng mga pangyayari kasi kada iniisip ko eh napapamura ako ng sanlibong beses. Pagod na ako magmura. To cut the story short, nagulangan, nadugas at nauto ako kasama ang iba ko pang karaket ng isang poreyner partner. May nangyaring pagdaybert ng pondo. Sinamantala ang crisis para gulangan ang mga kasama sa negosyo. Akala ko yung mga politicians lang natin ang pwedeng gumawa nun dito sa ‘pinas, di pala. Myth lang pala yun. My mga mandurugas din palang poreyners na masyado nating sinasamba para lang magnegosyo sa ating bansa. Pistingyawa! Masyado ako nagtiwala. Dapat pala inaply ko ng konti yung ibang principles ni Machiavelli. Kaso di ko yata kaya yun. Magiging tamang praning naman ako lagi pag ganun. Ano ko, nakasinghot ng katol?

Di ko na rin babanggitin ang nasyonalidad nitong hinayupak na nandugas samin. Baka pag-isipan pa na racist ako tulad nung chinese journalist na umalipusta’t nang-insulto sa mga pinoy. Basta galing ang hinayupak na poreyner na ito sa lugar kung saan malalaki ang pototoy pero hindi naman sintigas ng pinoy ang kargada. [Talagang kelangan pa iempasayz na matigas,hehe] Katabi siya ng bansa ni Uncle Sam. Upper North near the equator 20 degrees latitude.

Hindi ko na nahabol ang pera ko. Pwede pa sana pambili ng mga turnilyo ng Ferrari. Ginamitan ako ng delaying taktiks. Lawyer kasi ang hinayupak. He’s the chairman kaya makapangyarihan. Masyadong magaling magpaikot. Nadugas ako sa sarili kong bansa ng isang dayuhan.

Wala nang panahon para maglupasay ako at mag-ngangawa. It’s time to pack up, lick  my wounds and start all over again. Bata pa naman ako. May panahon pa para mag-umpisa ulit.

Bagong Trabaho

Wala akong alam na ibang trabaho para mabilis na makapag-ipon at makapag-umpisa ng panibagong negosyo. Wala ako sa posisyon para maghangad ng mataas na katungkulan sa isang kumpanya lalo na ngayon at kaliwa’t kanan ang tanggalan sa trabaho. Kaya naisipan kong pumasok sa isang…you got it right, isang BPO. Naisip ko kasi na mapapakinabangan ko ang dalawang taon kong pakikipagbolahan sa mga poreyners kung saan madami dun sa pinaggalingan kong kumpanya. Naisip ko rin na mas convenient ito sa pag-uumpisa ng panibagong raket sa daytime since panggabi naman ang bago kong work. Finally, di hamak naman na mas malaki ang kita dito kesa ibang trabaho. Makakapag-ipon agad ako. Tamang-tama dun sa bagong negosyo na naumpisahan ko nung isang buwan. Medyo kulang nga lang ako sa pondo kaya kelangang humada muna sa corporate world.

It’s a bitter pill to swallow kasi namindset ako sa umpisa pa lang na magnegosyo kahit uhugin ako pagdating sa larangang ito. Nainspire kasi ako ng Go Negosyo ni Joey Concepcion. Alam kong ito ang solution sa kahirapan. Hindi na dapat maghintay pa ng dayuhan para mamuhunan sa ating bansa. Kaya medyo masakit din sa aking madapaking ego na maging corporate slave pagkatapos ng lahat ng pinagsikapan ko nitong mga nakaraang taon. Kung dati ako ang nag-iinterbyu, ngayon bumaliktad ang mundo. Ako ngayon ang iniinterbyu. Minsan dumarating ang krisis sa buhay natin sa alanganing oras. Kelangan mabilis ka mag-adopt sa anumang situation. Ang mabagal gumawa ng paraan, talo. I have to eat my pride. Yang pride na yan ang dahilan kung bakit andaming nagugutom dito sa mundo. Wala na nga makain, taas ihi pa rin. Ayoko maging ganun. Survivor yata ito.

Sinuwerte naman na sa unang sabak ko sa pag-aaply, natanggap agad ako. Ito ang first time ko sa pag-aaply sa ganitong trabaho. 40 kaming aplikante sa batch ko na sabay-sabay dumaan sa madugong proseso ng screening. Exam. Nosebleed Englishan interbyu. Call Sim. Konting Essay. Typing speed. Etc. Etc. Di ko na maalala dahil nahilo na ako sa pagod. Pakonti kami ng pakonti habang papunta sa final screening.

Maangas yung nag-interbyu sakin. Piniga nang husto ang baon kong english. Di ko alam kung anong gagamitin kong accent. Iba-ibang nationality ang nakasama ko sa dati kong industriya. May Belgian, German, Canadian, Australian at kung sino-sino pang pabalik-balik sa aming opisina noon. Parang multiple choice na naglalaro sa utak ko ang mga accent ng mga poreyners na ito. Masyado akong naging conscious, Pers taym kasi. Kung Belgian accent, magiging parang si Arnold Schwarzenegger ang dating ko. Apelyido pa lang, nosebleed na. Di pwede. Halos pareho lang kasi tunog ng Belgian sa mga Austrian sa pagsasalita ng ingles. Kung Canadian naman eh para kang nakikipag-usap sa ngongo. Kinakain ang bawat salitang lumalabas. Bahala na sabi ko. Ginamitan ko na lang ng English na tunog kalabaw. Hinintay kong dumugo ang ilong ko. Buti naudlot. Katakot-takot na bolahan to the max. Hanggang sa matapos ko din lahat ng screening process. Sa kwarentang kasabay ko, lima lang kaming natira.

“You may now proceed to the J.O. Room.” Ito ang narinig kong sinabi samin pagkatapos matawag ang mga pangalan. Pumasok na kami sa J.O. Room. Hintayan. Pakiramdam ko kasali ako sa audition ng Pinoy Big Brother at hinihintay na lang ang ticket para makapasok sa bahay ni Kuya. Parang antagal ng bawat sandali. Bawat patak ng minuto ay parang isang siglo para sakin. Natatae na kasi ako. Maya-maya ay pumasok na yung HR Supervisor. Narinig ko ang pinakamatamis na salita na dapat marinig ng isang nag-aaply,” Congratulations, you passed all the screening process. You are hired!” Para akong nabunutan ng tinik. Umurong din yung tae ko na kanina pa nag-hehelo sa tumbong ko. Gusto pa yatang makipagselebreyt muna ng bonggang-bongga sakin bago ko siya iire. Ayos. Konting briefing from the HR personnel at pagkatapos ay kinuhanan kami ng litrato na parang papasok na sa gyera sa bilibid. Binigay samin ang envelope kung saan nakalagay ang mga dapat ayusin na requirements. Pasok na ako sa Dell. Back to Metro Manila na naman ako. Balik hebi trapik ulit.

Hanggang ngayon e malaking palaisipan sakin kung pano napunta sa Technical Support ang lalagariin ko samantalang sa Customer Service ang inaplayan ko. Basta, mataas ng isang gramo ang sweldo kesa dun sa ibang posisyon. Ok na rin. Sabi nung kasabay kong beterano na sa ganitong trabaho, baka mataas daw yung result ng exam ko. Ewan. Wala na akong pakialam dun. Basta ngayon, may pagkukunan na ulit ako ng pambili ko ng isang pack ng sigarilyo. Medyo nadeprive din ako sa yosi nitong huli. Kung minsan nakikisungkit na nga lang ako sa laman ng kaha ng yosi ni Marc, yung Australianong investor dun sa pinaggalingan kong industriya, para lang mapunan ang pangungulila ng baga ko. Ilang linggo din akong nagtiis na paistik-istik lang. Buti nagawan ko agad ng paraan. Sunog baga na ulit! Woohoo!

Ilang araw na lang at magiging bampira na ako na sa gabi nabubuhay. Watdahek! Basta may panglaman tiyan na muna ako sa ngayon, ok na yun. Saka ko na poproblemahin yung iba. I’m back in Manila and I’m happy I survived the storm. It’s nice to start all over again.

Posted by bioniclugaw at 1:38 pm | permalink | comments[4]

Sacrifice, a Veteran’s Tale

Sunday, April 12th, 2009

 

 Kung sacrifice din lang ang pag-uusapan, wala nang tatalo pa sa mga sundalong pinoy na nakipagbakbakan nung panahon ng pangalawang digmaang pandaigdig.

Nadisgrasya si erpat nung 2003. Nabangga. Nadurog ang dalawang paa. Habang nagbabantay ako sa loob ng kwarto ni erpat sa loob ng Veteran’s Hospital, dinala ko ang aking isketspad. Nagpagala-gala ako. Naispatan ko ang isang beterano ng World War II. Si lolo Honorato. Nabalian siya ng paa. Brittle na ang mga buto dahil na rin sa katandaan. Araw-araw kong binibisita si lolo kada dumadalaw ako kay erpat. Ginawan ko ng iskets. Pangatlong araw ng bisita ko, wala na si lolo sa pwesto nya. Nabalitaan ko na lang na namaalam na siya. Kinuha na siya ni Lord na hindi man lang natikman ang benepisyong dapat sanay maibigay sa mga tulad nyang nagsakripisyo para sa bayan.

Eto naman ang iskets ko kay erpat habang natutulog siya sa hospital. Bagot na bagot ako kaya napagtripan kong idrawing. Beterano naman si erpat ng mga gyera nung kasagsagan ng digmaan sa Mindanao noong dekada 70’s. Nakipagpatintero sa mga bala at kanyon. Nasabugan ng granada at nawala ang kaliwang mata. Naging Batallion Commander, humakot ng mga medalya at humawak ng mga mahahalagang posisyon sa militar pagkatapos ay nagretiro na may mataas na ranko. Yun nga lang, katulad din siya ni lolo Honorato. Hindi rin nakuha ang tamang benepisyo. Kahit tsikboy tong si erpat [kinalat ang lahi namin sa buong kapuluan] at mas pogi sakin ng isang paligo sa dami ng chicks, proud ako sa kanya. Ano ba meron sa man in uniform at anlakas ng appeal nila sa mga tsiks? Sino mag-aakalang anak ako ng isang mataas na opisyal sa AFP? haha. Bwakangina, kanya-kanyang trip lang yan. Eh sa ayokong mag-astang sundalo eh.

Sana ngayong kuwaresma, maalala natin lahat ang mga taong nagsakripisyo para tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Masyadong serious ako ngayon pero ayus yun, paminsan-minsan lang naman. hehe.

iskets 1: si lolo Honorato habang natutulog. iskets 2: si erpat habang natutulog. expose ang japeyks marmol na left eye na kahit tulog e nakadilat pa rin. bago pa nauso ang fake body parts na ginagawa nila Bello at Calayan, meron na si erpats. Detachable ang japeyks na left eye ni erpats kaya naman kinatatakutan siya pagdating sa inuman. Tuwing may sisigaw kasi ng “penge ICE!”, bigla nya itong tinatanggal sabay pagulong sa baso na parang holen. ayan, “EYES!”

PS. siguro napansin mo na may nakalagay na blogdrive sa iskets ko. wag mo na pag-aksayahan ng oras at wala na yan. binaon ko na six feet under. yan ang luma kong blog taon 2004. HAPPY EASTER SUNDAY!

Posted by bioniclugaw at 11:13 am | permalink | comments[6]

Expensive Day [Mahal Na Araw]

Tuesday, April 7th, 2009

  

Mahal na araw na. Kung bakit tinawag na mahal na araw e di ko maipaliwanag. Pag iningles mo kasi ito ay Expensive Day. Ampangit pakinggan. Diba Holy Week ang tawag sa Ingles? Eh di dapat Banal na Linggo.

Kuwaresma. Semana Santa. Ito rin ang tawag ng iba. Ke ano pa itawag nila e wala na akong pakialam. Basta ito yung panahon na ginugunita natin ang paghihirap ni Papa Jesus para i-save ang pipol op da world na hitik na hitik na sa pagkakasala.

Hindi ako relihiyosong tao. Masasabi kong ang aking pananampalataya ay nasa aspeto ng pagiging ispiritwal. Yung tipong mas malalim kesa pagpunta-punta lang sa simbahan. Basta ang panuntunan ko lang sa buhay ay mamuhay ng mapayapa at walang inaagrabyadong ibang tao. Nagsisimba din naman ako pero hindi ganun kadalas. Hindi ako pasikat tulad ng ibang Kristiyano pagdating sa pagsamba. Being religious is totally different from being a spiritual person. You can be religious but definitely you can not always find your faith in a spiritual level. If you try to find the meaning of both words in the dictionary, they share almost the same meaning. But right now, I’m speaking about how people interpret their faith. Ayan, napa-inggles tuloy ako ng wala sa oras. Basta narinig ko lang yan sa isang preacher dati. Di ko rin marurok kung ano ang malalim na kahulugan nito.

Pwede mong ikumpara ang usaping relihiyon sa utot. Kapag ang utot mo ay malakas ang tunog, malamang walang amoy yun. Panindak lang. Supot. Naihahalintulad ito sa mga taong simba ng simba pero kulang sa totoong gawa ng pagiging tunay na kristiyano. Pasikat lang. Pero kapag utot mo’y de silencer, nakow maghanda ka na ng pantakip sa ilong mo. Panigurado, makamandag ang amoy nun. Lalo na yung utot na mainit-init pa. Ika nga nila e faith with substance.  Oo, with substance kasi may kasamang pururut na yun. Ito yung tinatawag nilang wet n’ wild na utot. Ibig sabihin e tumakbo kana sa kubeta bago ka pa abutan ng delubyo. Pwede namang ikumpara ito sa mga taong tahimik lang na sumasamba pero gumagawa naman talaga ng kabutihan sa kapwa.

May mga tao kasing masyadong show-off sa pagpapakita ng kanilang pananampalataya. Relihiyoso daw silang matatawag kasi halos araw-araw mo silang makikita sa church. Laging may hawak na rosaryo with matching punas-punas pa sa mga rebulto ng mga santo. Araw-araw mo nga silang nakikita sa simbahan pero wag ka, mga balahura naman sila paglabas na paglabas sa bahay ng Diyos. Madami akong kilalang ganun. [background sound: Hi-hi-hi-hi…banal na aso! Santong kabayo!]

Mas gusto kong mapabilang dun sa mga taong tahimik lang pero rock. Bihira mo silang makikitang nagpupunta sa mga religous gatherings. Magugulat ka na lang, madami na pala silang natulungan. Mas astig sakin ang ganun. 

Tuwing mahal na araw, madaming pamahiin. Naalala ko nung bata ako. Andaming bawal. Kapag panganay ka daw, wag ka daw lumabas ng bahay at baka makuhanan ka daw ng hibla ng buhok. Kapag nakuhanan ka daw kasi ng hibla ng buhok sa panahon ng kuwaresma tapos naitapon yun sa ilog, masisiraan ka daw ng bait. Praning na praning dati ang kuya ko dito. Takot na takot siyang lumabas ng bahay buong linggo ng mahal na araw nung mga bata pa kami. Baka nga naman mabuwang. Mahirap na.

Andyan din yung panakot ng mga matanda na kapag nasugatan ka daw e matagal itong maghilom. Natuwa naman ako dito kasi advantage ito para sakin. Tuwing inuutusan kasi ako nun na tumulong sa kusina e ito ang ginagamit kong dahilan. Baka nga naman masugatan ako ng kutsilyo. Ayun, nalilibre ako lagi sa gawaing bahay tuwing mahal na araw. Ayus.

Tuwing kuwaresma din naglalabasan ang mga birit queens. Eto yung marathon concert ng mga matatanda sa pagkanta ng pabasa. Walang binatbat sila Regine Velasquez at Sarah Geronimo. From dusk till dawn ito. Ihi lang ang pahinga. Sarap gawing soundtrip kapag gusto mong magpuyat sa paglalaro ng DOTA. At least di ka talaga makakatulog. Kesa bumili ka pa ng energy drink, eto ang libreng pampagising sayo kung gusto mong maglaro ng video games ng walang puknat. Ikaw ba naman ang makarinig sa magdamag ng palahaw ng mga kasali sa pabasa na parang ginagahasang pusa sa hatinggabi, tiyak insomnia ang aabutin mo. Ok yun.

Di rin mawawala yung mga nagpepenitensya. Sila yung gumagaya sa ginawang pagsasakripisyo ni papa Jesus. Andyan yung nagpapalatigo sila sa likod hanggang sa umabot sa finale ng pagpapako sa krus. Madaming gumagawa nito. Maganda sana kung sulitin nila yung pagsasakripisyong ito. Ba’t di sila magpawisik ng alcohol sa likod? Huwaw! Sulit yun.

Ako, dito lang ako sa bahay. Di ko na kelangang gawin ang extreme na ginagawa ng mga nagpepenitensya. Sapat na sakin yung maalala ang sakripisyo ni kristo sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Ito ang tunay na diwa ng mahal na araw. Syempre samahan ko na rin ng konting sakripisyo. Di na muna ako magbabrowse ng porno sites saka di na muna ako maglalaro ng DOTA. Playstation na lang muna.

Tanong ko lang: Kung may silya elektrika na kaya nung panahon ni papa Jesus at yun ang ginamit sa pag-execute sa kanya, magsasign of the cross pa rin kaya tayo ngayon?

Posted by bioniclugaw at 8:32 pm | permalink | comments[6]

     

July 2010
M T W T F S S
« Oct    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Sponsored Links

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK