Blog daw
Monday, March 23rd, 2009
hi nice, visit mine at….
just dropping by, visit naman my site its www…
hi, comment naman kayo sa blog ko…yada…yada…
Pamilyar ba yan sa iyo? Minsan kapag nagbablog-hopping ka, di mo maiwasan maka-encounter ng mga ganitong nilalang. Makikita mo silang magcocomment pero anlayo naman dun sa topic na sinulat mo ang pinagsasabi nila. gusto lang talaga magpapansin. Pakalat-kalat sila sa blogosperya.
May natyempuhan pa nga akong isa,”hi please see my blog…yada..yada…” Nauto naman ako ni kumag. Silip ako sa blog nya. Putsa! Puro pictures lang pala. Walang nakasulat. Kung meron man e wala ring kwenta. Pwe! Puro Nonsense ang nakalagay. Parang gusto lang yata ipangalandakan na cute at pogi siya kaya siya gumawa ng blog-blogan nya kuno. Sinipat ko ang mga pictures. Hindi naman kapogian ang hindot pero kung pumosing, daig pa sumali sa Mr. Pogi. Eto yung mga tipo ng mga taong ang akala eh nakukuha lang sa papogian ang lahat ng bagay sa balat ng lupa. Puro porma. Eto yung tinatawag ni Bob Ong na Hollow Man.feeling. hehe.
Yung iba naman magpopost sa comment pero para lang mag-invite sa site nila. Garapalan pa,” visit my site…yada…yada..” yan agad ang pambungad ng mga hindot. Mga bastush at walang ethics pagdating sa blogging. Kala mo sila lang bida sa balat ng blogosperya at sila lang ang dapat pansinin. Wala naman problema kung gusto mong ipromote ang site mo dahil lahat naman ng naguumpisa sa blogging eh dumadaan sa ganyan pero magbigay respeto naman dun sa blog na dinaanan mo. Mag “tabi-tabi po” ka naman. Pano na lang pala kung engkanto pala may-ari nung blog, eh di katakot-takot na bukol at kulugo na pala ang inabot mo. Baka tubuan ka pa ng buntot, sige ka.
Masarap para sa isang blogger ang malaman nya na may nagbabasa sa kanyang sinulat, gaano man kahaba yan. Kaya kapag pagbukas mo ng pc kinabukasan at makita mong may nagcomment sa topic na ginawa mo, para kang nasa alapaap. Kahit mag-isa lang yung comment na yun, feeling mo ginto yun kasi nalaman mong may nakarelate dun sa kwento mo. Ibig sabihin kasi nun eh pinagtyagaan talagang basahin yung sinulat mo, na pinaghirapan mo din isulat. Hansarap talaga ng feeling.
Tapos maya-maya, may bubulaga sayong makabagbag-damdamin, dramatic at beri wonderpuli executed na comment na ganito,”Nice! visit my blog and please comment na rin po…yada..yada” Pakingsyet na hindot na yan. At nagrequest pa na magcomment ka daw. Inutusan ka pa eh noh?
Tip ko lang sa mga bagong blogger, wag na lang kayo magcomment kung nonsense din naman sasabihin nyo. Kung gusto nyong makilala, matuto kayong makisama sa mga ibang blogger at hindi lang sa inyo umiikot ang mundo. Make sure na basahin mo ang kwento ng iba bago mo ipagpilitan na basahin din ng iba ang kwento mo. Be patient kung gusto mong makilala. It takes time. Basta enjoy ka sa ginagawa mong pagsusulat, walang problema kahit konti pa lang taga-basa mo. Enjoy na lang da adbentyur. just show respect. that’s it.
PS. wag kalimutan makipagkulitan. sarap magkaroon ng bagong friends. hehe
90’s Came Back At The Eraserheads’ Final Set Part 2
Friday, March 20th, 2009San na nga ba yung huling kwento ko? Itutuloy ko lang yung naudlot kong eheads story namin.
Hindi na ako masyadong magkukwento tungkol mismong sa eheads dahil madami nang article na sinulat ng ibang manunulat. Kung isusulat ko pa ulit lahat eh malamang maduduling ka na sa kakabasa kasi pare-pareho lang naman ang nilalaman. Magkakaiba lang ng pagkakasulat. Yung adbentyur na lang namin mismo papunta at during the concert ang pwede kong pagdiskitahan ikwento.
March 7. Sabado. Afterlunch…
Pagkatapos kong mabalitaan kay Pugin na may ticket na. tinawagan ko agad si Kanutz [kalbo] at naverify ko nga na totoong may ticket. Napaisip ako, nadisgrasya ko na yung pambili ko ng ticket kahapon sa pag-aakalang di na kami matutuloy. Ubos na laman ng ATM ko. Sabado at sarado ang bangko ko so di ko magagamit ang passbook. Pag ginamit ko pa ang natitira kong cash on hand eh mamumulubi na ako kinabukasan. Haay! Talaga naman kung kelan may mahahalagang pangyayari na di dapat palagpasin e dun pa tumatayming ang kamalasan. Bahala na!
Magkita-kita na lang daw kami sa MOA sabi ni Pugin. May susunduin pa daw kasi siyang tsiks. Naks! Pag tsiks talaga pinag-uusapan, di pahuhuli itong damuho.
Sabi ni Kanutz daan na lang daw ako sa bahay nila ng 4pm. Si Jermyn naman ay nasa Laguna pa. Hahabol na lang daw. Si Jermyn kung hindi nyo naitatanong ay siyang laging late dumating sa grupo kada may pagpupulong[as in inuman] kaming gagawin magbabarkada. Ebersins nagsimula ang samahan namin, walang palya, late siya dumarating. Tardy Boy ang tawag namin sa kanya. Kung maiksi ang pasensya mo e mabubulok na lang yung kulangot mo sa ilong pero di talaga darating ang kabrones na ito sa oras na pinag-usapan.
Sa pagkakataong ito, maganda ang strategy na ginawa ni Kanutz. Sinabi nya kay Jermyn na 6:00pm mag-uumpisa ang concert. Epektib!
Tumakas ako sa opisina bandang 3:30 ng hapon. Nag-MRT na lang ako papunta kina Kanutz sa Cubao kasi masyadong matrapik sa EDSA. Ayoko lumagkit ang betlog ko sa pagkainip. 4:00pm andun na ako sa bahay nila.
Maya-maya may text galing kay Jermyn. Andun na daw siya sa MOA. hehe. Makakaganti na rin kami. Siya naman ang paghihintayin namin.Bwahaha! [mala-demonyong tawa ni Turong Pajo]
6:00 pm. Mall of Asia
Dumating kami ni Kanutz sa MOA bandang alasais na ng hapon. Nagkita-kita kami sa may Mcdo. Maya-maya dumating na rin si Pugin kasama ang tsiks nya. Pinakilala nya muna sa tropa tapos pinalayas na rin. Di pala pwedeng sumabay samin yung tsik kasi sa GOLD yung ticket nya. Medyo timawa kami kaya pangsilver lang dala namin.
Pagkatapos ng mahaba-habang kumustahan e kumain na kami dun sa restoran na malapit. Nakalimutan ko ang pangalan ng restoran na yun. Basta parang katunog ng Binalot pero hindi. Ayun, nung mabusog na e dumiretso na kami sa concert scene.
Anghaba ng pila. Di mo alam kung saan yung Silver A sa Silver B na entrance. Tanong-tanong na lang kami para di halatang mga tanga kami pagdating sa mga ganitong concert. Anlalaki ng katawan ng mga bouncer. Para bang pinaparamdam na anytime pwede ka nilang i-headslam oras na gumawa ka ng kalokohan sa loob. Scary…
Muntik na ako magkaproblema pagdating sa entrance. Bawal pala ang mga belt na may malalaking bakal. Nakupo! Bakal pa naman ang belt ko. Yung lalake sa harap ko ang unang sinita. Kasinlaki kasi ng shield ni Alexander The Great yung belt nya. Akala mo susugod sa gyera ang kabron. Wala siyang nagawa kundi tanggalin ang humongous belt na dala-dala nya. Ikaw ba naman ang sasalubungin ng isang dosenang mga monster na bouncer, tingnan ko lang kundi tumiklop yang buntot mo.
Ako na sumunod. Nakakatakot ang muscle nung bouncer na tumingin sakin. Anlaki ng manboobs nya. Muntik na ako mattempt lamasin. Ahahay! “ahem,pre! siga to!” Kinapkapan ako mula paa hanggang ulo. Nang mapadaan siya sa crotch area ko, bigla siya natigil. Kala ko pinagnasahan nya si Brownie ko. Ready na sana akong ipagtanggol ang aking puri up to da last breath pero naghunusdili ako. Ok, I’m oberreacting. Yung belt ko pala ang problema. Sinukat yung belt ko[buti hindi si Brownie ko] at pagkatapos ng mahabang diskusyon sa kasama nyang bouncer, pinayagan na rin ako pumasok. Bawal din ang bottled water kaya no choice ako kundi iwan ang dala ko.
Ayun, nakapasok na kaming apat. Andaming tao.Puno na yung area namin. Kanya-kanya nang diskarte para lalong mapalapit sa bandang harapan. Lintek, kala ko naman malapit na sa stage yung SILVER A. Yun pala ay parang langgam na lang din ang tingin mo sa performer. Buti naman at nilagyan nila ng malaking video screen sa harap. Maliban doon, naglagay din sila ng individual na video screen para sa bawat myembro ng banda. Bongga! Buti naman para kita mo pa rin ang bawat isa sa kanila kahit malayo.
Pang-inis lang yung booth ng SMART. Wala namang problema kung kayo isponsor eh, maintindihan namin. Pero wag naman yung overkill ang pagpopromote ng produkto. Paulit-ulit na nga siya pinapalabas sa video ng commercial nila, nilagay pa nila yung booth nila sa harap pa mismo ng audience. Eh di kawawa naman yung nasa gilid na naharangan ng lintek na booth na yan. Dun kami nakapwesto nung una. Paker, wala talaga kaming makita kundi puro bubong. Kulang na lang itatoo ng Smart ang logo nila sa noo ng bawat tao sa loob ng concert area para lang bigyan ng emphasis na sila ang isponsor ng concert. Asar.
7:30 pm. Ilang minuto na lang bago magstart ang concert.
Pakiramdam ko, taon ang bawat minuto.Excited kaming lahat. Singit pa rin kami ng singit hanggang sa makarating sa medyo harap. Ayus, pwede na. Maya-maya, bumungad ang maalindog na si Anne Curtis kasama ang ibang Host ng concert. Biglang tinamaan ng kamaniakan si Kanutz pagkakita pa lang sa nakakasilaw na legs ni Anne. “Pare, wow! hita pa lang ulam na…”, sabi ng hindot. Deadma lang ako. Mas nanaig ang amoy ng katabi ko kesa sa libog. Sari-saring amoy na ang sumisilindro sa ilong ko. Nahilo ako sa tapang ng anghit ng nasa tabi ko. Pakiramdam ko’y natrap ako sa ilalim ng poso-negro. Eeeewe…isa pa. Eeeeewe. Leche siya.
Habang naghihintay ang mga tao e konting pasakalye muna ang mga host. Ok na sana kasi anggagandang chick din ng kasama ni Anne Curtis. Engkaso nagsingit pa sila ng kelot na tamang asar lang ang pinagsasabi. Di ko alam kung jologs o ano ba papel nya sa stage na yun. Daldalan sila ng daldalan. Palitan sila ng plug sa mga isponsors. Nang magsimula nang magsalita yung lalake, nagsisigawan ang mga tao. BOOoOOoOoo!!!!
Kita mo sa mukha ng lalake na gusto nya nang umeksit sa sobrang asar sa mga audience pero pinilit nyang tapusin ang trabaho. Buti na lang makapal ang mukha ng damuho.
7:55 pm
Eto na. Nagsimula na ang count down. Z…Y…X…W…V…U…T………..e
Biglang umilaw. Magasin. ito ang opening song ng Eheads.Sigawan ang mga tao. Syempre nakisigaw din kami. Medyo asar lang ako dun sa mga chick na nasa likuran ko. Akala ko sasabog na eardrum ko sa lakas nilang tumili. Nakikisabay pa ang mga boses nilang sintunado sa kanta ni Ely. Bwisit, wala tuloy ako maintindihan sa kanta.
Eto list ng songs sa Final Set Concert:
1st Set
- Magasin
- Walang Nagbago
- Maling Akala
- Maskara
- Poormans Grave
- Waiting For the Bus
- Huwag Mo Nang Itanong [kinanta ni marcus, ginawang reggae with a twist. ayus to!]
- Slomo
- Alkohol
- Insomya
- Torpedo
Natapos ang unang set. Pahinga sila ng mga 20 minutes siguro bago sumalang ulit. Pagbalik nila, iba na ang set-up. Acoustic naman. Eto mga kanta sa sumunod na set:
2nd Set
- Julie Tearkerky
- Tikman Ang Langit
- Wishing Wells
- Fine Time
- Kailan
- Pare Ko
- Back 2 Me
- Trip To Jerusalem
- Spolarium
- Overdrive
Nang tinugtog na ang mga sumunod na kantang to, alam ko nang malapit na matapos.
Encore
- Super Proxy
- Minsan
- Alapaap
- Kalideoscope World [wala talaga sa set list ito pero tinugtog para kay sirFrancisM]
- Ang Huling El Bimbo
Nagbigay pugay din ang banda kay Sir FrancisM. kinanta nila yung chorus ng Kalideoscope World. Mas ok sana kung binuo nila pero understood naman kasi biglaan ang pagkamatay ni FrancisM. Di siguro napraktis. Pero ok lang yun. Ang importante, di nila nakalimutan. Medyo dramatik yung part ng Huling El Bimbo. May mga special effects pa silang ginamit tulad ng fireworks display at pagbuga ng confetti sa ere. Astig! Pang-finale yung pagsunog ni Ely ng Piano na ginamit sa STICKER HAPPY album nila. Medyo nahirapan pa sumindi yung lighter. Siguro mahangin sa stage. Nagpiano sandali si Ely bago tuluyang sinira yung piano. Tinadyakan. Tumalun-talon. Sabay sipa ulit.
Habang naririnig ko ang kantang kinamulatan ko mula nung hayskul kaming magbabarkada, unti-unting dinadala ako ng himig pabalik sa panahon kung kelan wala pa kaming pakialam sa mundo. Kung kelan ang buhay ay simple lang. Kelanma’y hindi na babalik ang panahong iyon. Tinangay na rin sila sa pagtatapos ng kanta ng minahal naming banda ng aming henerasyon.
Eto ako’t kasama muli ang mga kababata kong matagal kong di nakita’t nakasama. Hindi ko alam kung maluluha ako sa mga sandaling iyon. Pinigilan ko.
Sa wakas natapos din. Akala ko magkakapulikat pa ako. Tatlong oras din ako nakatayo. Sumabay na kami sa pila palabas ng gate. Paglabas na paglabas namin, biglang bumalik ang banda. Nabitin yata. Sabi ni Ely,” Three more for the road!”. Akala mo nakikipaginuman lang sa kanto. Eto yung mga sumunod na kanta:
Three More For the Road: (impromptu jam)
- Ligaya
- Sembreak
- Toyang
Hindi na kami pumasok ulit. Nakinig na lang kami sa labas habang nagyoyosi. Sumalampak na lang ako sa kalsada. Naupo na lang kami. Di na talaga kaya ng mga paa namin. Umuwi na kami pagkatapos nun at tinuloy ang after party session. Nakarating kami sa bahay nila Kanutz bandang 11:30 pm. Bili agad ng Redhorse. Inuman kami hanggang alasais ng umaga.
May konti akong picture na naitabi. click mo.
Camera shy ako eh. Yan lang ang nakayanang ipakita ng konsensya ko. hehe.
The Nuisance Shangrila MRT Entrance
Thursday, March 19th, 2009Maraming beses na rin ako pumasok ng Shangrila Mall dito sa may crossing. Siguro ilang beses na ako nakadaan dun sa entrance nilang paikot-ikot ang pintuan. Nung una e wala pang masyadong effect sakin ang mahiwagang revolving door na yan hanggang sa mapikon ako kahapon.
Medyo napapalagpas ko pa yung entrance sa baba [tabi ng istarbaks] kasi medyo malaki at parang nagmemerigoround ang feeling kada nasa loob ka. Syempre, walang ganun sa probins. Kaya kahit sa tingin ko eh wala namang mabuting idudulot ang pintuan na yun e kunwari deadma ako. Kunwari sosyal din ang dating ko habang pumpapasok ako sa kumag na revolving door na yan. Mahirap na at baka mahalatang taong gubat ako. Sa totoo lang amaze na amaze ako dun nung bagong salta ako ng Maynila. Parang si Tarzan na ngayon lang nakarating sa syudad. Gusto ko talaga maglaro na parang bata dun sa umiikot na pintuan. Gustung-gusto ko yung konting thrill na naidudulot sakin ng makabagong entrance na yun. Para kang kasali sa Fear Factor at yung danger na baka maipit ay maglalaro sa utak mo habang pumapasok ka. Trip kong abangan lumagpas yung harang na salamin tapos bigla ako papasok. Tapos labas ulit. Pasok ulit! Ginawa ko yun minsan. Lintek, hinabol ako nung Dobberman ng K-9 Unit na pagala-gala dun sa paligid. Akala yata may naligaw na inmate from mental hospital. Naging masunurin na akong bata pagkatapos nun. Kelangan din pala makibagay sa syudad.
Dun na ako napuno sa MRT entrance sa bandang itaas. Sumaktong nagmamdali ako tapos andaming taong papasok din sa Mall. Sa liit ng lintek na pintuan na yun, naisipan pa ng henyo nilang arkitek na lagyan ng revolving door. Anggaling!
Sa pagmamadali ko, nakisingit ako dun sa couple na nasa unahan ko. Presto! pagpasok ko, biglang tumigil ang ikot. tatlo kaming natrap sa loob ng salamin. Nagtaka ako kung bakit tumigil. Hinayupak na yan, naipit pala yung backpack ko. Ansama ng tingin sakin nung lalake. Kala yata gusto ko makipag-threesome sa kanilang magdyowa. Ipit na ipit kaming tatlo sa loob. Nakatutok si Brownie [name ng pototoy ko] ko sa behind nung babae. Nakow! kung pwede lang magteleport ginawa ko na. Andami pang naghihintay na papasok sa bandang likuran. Lahat badtrip sakin. Para akong malulusaw sa sobrang kahihiyan. Pag tinamaan ka nga naman ng malas.
Para kaming mga semilyang nagmamadaling makapasok sa matres tapos biglang may sumigaw na “ISTAP!”.Si haring Condom pala. Bwiset!
Kinausap ko na lang si lalake sa pintuan na ireverse yung ikot para matanggal ang pagkakaipit ng backpack ko. “Parekoy, sandali pakiikot pabalik para matanggal yung ipit.”. Bubulong-bulong si kumag, “gago…gagoo…”. Eh narinig ko. “Ayaw mo? sige gusto mong si Brownie ko ang maipit dyan sa tumbong ng dyowa mo?”. Mabilis pa sa alas-kwatrong nireverse yung ikot ng pintuan. Di makapalag ang lekat. Mas malaki ako sa kanya eh. hehe.
Ayun, nakalabas din kami. @#$%! Bwakanginang yan, pinahamak pa ako ng hindot na pintuan na yan. Akalain mong aabutan ako sa ganung situation?
Nasa Jackass Mode siguro yung nagisip ng konsepto ng pintuan. Trip lang siguro mang-asar o gusto lang talagang gawing masalimuot ang mundo ko. Kung sino ka man, Pakyu ka!
90’s Came Back At The Eraserheads’ Final Set Part 1
Wednesday, March 11th, 2009Nakahabol ako sa Concert ng Eraserheads nung Sabado, March 7. Medyo nabengenge ako ng konti nitong mga nakaraang araw kaya di ko agad nakwento. Pagkatapos ng ligaya,dusa. haha!
Backtrack muna tayo few days bago ang makasaysayang concert.
Byernes March 6 alas dos e medya ng madaling araw…
Katatapos ko lang makipaginuman galing party ng katrabaho. Papasok na ako sa kwarto nang malaglag ang aking selpon habang binubuksan ko ang pintuan. Dahil lango ako kay pareng San Miguel, di ko agad nakita kung saan bumagsak si selpon. Naramdaman ko na lang na may naapakan akong matigas na bagay sa bandang likuran. Ayus! Napuruhan ang LCD ni selpon.
Wala pa rin ticket.
Nagtatalo ang utak ko kung manonood ng concert or totoma na lang kami ng mga barkada ko. Maliban kasi sa concert ng Eheads e ito rin yung time na maggeget-2-gether kami ng mga high school friends ko. Almost 2 years na rin kasi kami di nagkita-kita. Bisi-bisihan mode kasi ang drama naming lahat. Parang trip ko nga na tumoma na lang. Umiiral pa rin ang pagiging alcoholic ko.
Dahil nabiktima ko ng “hit n’ run” ang sarili kong selpon, bigla akong tinamad na pumunta ng concert. Naisip ko kasi na wala akong pangbidyo ng mga eksena sa loob ng concert. Kainis! Sumabay pang saktong naglilipat lungga ako.
Kinagabihan. Emote ako. Toma ulit mag-isa. Desidido na ako wag manood ng Eheads concert. Wala pa ako balita kung nakakuha na ng ticket yung isang barkada ko. Isang araw na lang. Inisip ko, malamang ubos na ticket. Naisip kong gamitin na lang sa mas mahalagang bagay yung pambili ng ticket. Isang case na beer.hehe dyowk! Binayaran ko yung jeep na maglilipat ng gamit.
Sabado March 7. D-Day. Alas Dose ng tanghali.
Nagtext ako sa barkada ko. “Hoy! sira-ulo. musta u? toma na lang myang gbi…yadda..yadda..” Biglang nagreply si kumag, “Gago! mron n tyo tiket,kitakits n lng mya sa MOA.” Watdapak! Akalain mo, meron na pala ticket. Nabuhayan ako ng loob. Makakasama ako sa makasaysayang concert na ito.
Excited ako. Huling nood ko ng concert ng Eheads nung 1999[di ako sure kung tama petsa] sa Adamson. Kasama nila nun ang Parokya ni Edgar. Pagkatapos nun nabalitaan ko na lang na disband na sila pagkalipas ng maraming taon.
Excited ulit ako kasi makikita ko na ulit ang mga maniakis kong hyskul prens. Makakapagbonding na ulit after 2 years, tagal din.
Tinatamad na ako magkwento. masyado na mahaba. Alam kong tamad kang magbasa kaya puputulin ko muna kwento. Kung gusto mong malaman ang ibang detalye, click mo.
Sa susunod na lang yung mga picture. Wait ko pa kung kelan isesend ng tropa ko yung mga kuha nya.
FRANCIS MAGALONA died today
Friday, March 6th, 2009I was surprised. I went outside the office just to buy some merrienda. When I came back, my officemates were looking at gmanews.tv. The news: Leukemia-stricken Francis Magalona passes away at 44.
I don’t know what to say at this moment. I just want to inform you guys that this is real. I thought he survived the cancer and already 100% cancer free. I was wrong.
FrancisM was my childhood hero as a musician. He was one of the icons in the music industry that I respected so much. I listened to his music since my elementary days. Cancer took him away just like that. Death is inevitable. I’m speechless.
I really don’t know what to say. Anyway, I just want to share this video. A song called Kaleidoscope World by FrancsiM. It’s one of my favorites. Nostalgic…
If you want to know more about FrancisM, just visit his blog A FREE MIND. Please observe a moment of silence after reading this blog and also please offer a short prayer.
To you Sir FrancisM, I salute you for a job well done. Your music will live forever in our hearts! Godbless!









