Home » Page 4
Sungha Jung, Astig!
Wednesday, March 4th, 2009
Bihira ka makakita ng ganito kagaling na bata pagdating sa guitar playing. Astig! This is Sungha Jung ng Korea. First time ko maglagay ng video sa blog na ito at siya ang napili kong unang ilagay. Worth it naman. Halos tumirik ang mata ko sa inggit sa batang to.Anggaling!
Anggaling nya mag-finger style. Paker naman kasi, ibang pamiminger yung alam kong gawin. Paksyet na hindot. Kahit makuha ko lang sana 1/4 nitong batang to, masaya na ako.
Marunong din ako mag-play ng guitar. Kaya ko rin gayahin yang ginagawa nyang yan sa “Come Together” ng Beatles pero ilang cramps muna sa daliri ang inabot ko bago ko naperpek [payagan nyo na ako magbuhat ng bangko. ngayon lang naman, hehe].
If he plays his guitar well, I play my organ better then him.
Hu u? Hu me?How I became a blogger
Sunday, March 1st, 2009bioniclugaw [beh-yohw-nik-loo-geew]
[unknown] 1. cyborg food 2. *#&^%! errr..cannot process information 3. are you nuts? 4. reboot…
I made a record this week. kinarir ko ng isang linggo ang pagba blog. Wala akong pinalagpas na araw. Parang long lost husband na kakauwi lang sa bahay at nakita si misis na uhhmm…bagong paligo at nakatapis lang ng tuwalya. Uhmmm…[singhot ! singhot! gapang…] Pinanggigilan.
2004 nung first time kong maencounter ang salitang blogging. May nameet lang ako sa isang MIRC Chatroom dati na girl at ang sabi’y,”Can u make bisit naman my BLOG?”. Blog? Akala ko natypo error lang ang hitad and being totally addicted to pornsites at that time, I thought 3rd sex siya na pervert at pinapabisita nya ang kanyang betlog. Huwatdahell?!#$%*! Gusto kong hugutin ang kanyang esopagus palabas ng monitor. Ikaw ba naman ang magpakilalang girl tapos bigla mo akong sasabihan na pakibisit ang betlog este blog mo. Ano yun, may sinat ang kanyang balls at kelangang bisitahin with motherly care na parang naospital tapos may kasamang anik-anik na prutas chuva ever? Ano ka sinuswerte? Pitikin ko pa yan ng bonggang-bongga, makita mo.
Hindi pa ako nakakita ng VIP na betlog sa buong buhay ko noh. Yung sakin lang. Sews.
I’m not being bastos here but this is a true story about my being dumb pagdating sa mga techy na usapan. Matagal na rin akong gumagamit ng internet pero hindi ako yung tipong nagreresearch about the latest technology chenes chenes. Ginagamit ko lang kasi dati ang internet para magresearch para sa projects ko sa skul and nothing else. The rest of my time ay inuubos ko sa kakalaro ng computer games…and browsing pornsites[ minsan lang naman. hehe, oy wag ka tumawa. kaw din naman.]
So how did I arrive with the name bioniclugaw? nakwento ko na yata ito sa ibang postings ko. ewan. Before kasi, kasama ako sa isang clan ng mga chatters sa isang MIRC Chatroom. Di ko na babanggitin yung room dahil di na active.We had our Grand EB from time to time usually dyan lang kami tambay sa may timog. Puro matitino naman ang mga members di tulad ng ibang clan na puro kamaniakan ang inaatupag.
Most of the founding members are outside the country and yung mga andito naman sa pinas e gumraduate na sa skul. Syempre kung ang Goin’ Bulilit ay gumagraduate ang mga members, kami pa kaya? Nagkawatak-watak na ang grupo na parang “Dats Enterteynment” pero I still have contacts with some key members at naghaharutan pa rin naman kami everytime na magkakitaan sa cyberworld.
So bakit nga bioniclugaw? andami ko nang sinabi pero wala pa rin connection. Haha.
To cut the long story short, kelangan ko itago ang aking identity sa cyberworld para naman may konting suspense. Suki kasi ako dun sa chatroom nung time na yun at medyo nakikilala na nila kasi ako yung pinakasaksakan ng kulit ever. Kapag naintindihan mo ang sistema sa MIRC, may mga tinatawag na OP or operator ba tawag dun? Oo basta yun.Kapag nalagyan ka na ng ganitong sign —–>>> @ e magiging isa ka na sa mga Royal Family ng Room. Ibig sabihin may kapangyarihan ka nang makapang-kick at magban ng mga pasaway na chatter. Kumbaga sa gobyerno eh isa ka na sa Gabinete ng Royal Highness na Presidente. Isa ka na sa mga da untatsabols.Yun bang pag padating kana e otomatic nang tumitiklop ang mga pasaway na chatter dahil andito parating na si BIONICLUGAW! tenettettene….ten-ten...[Sound epeks yan nang Boltes Payb]
Ano connect nun kamo? Yun na nga yun. Gusto ko maging operator kaya nagpakadalubhasa ako sa pangungulit at sa awa ni Papa Lord e napansin naman ako ni Tsong, yung pawnder ng room. Pwede na daw ako maging isa sa mga OP. Kelangan na ako basbasan sa lalong madaling panahon engkaso wala pa ako permanenteng Moniker nun. Syempre feeling ko naman magiging superhero na ako kaya isip to the max ako kung anong magandang pangalan.
Ewan ko ba kasi kung bakit lahat ng Superhero e kelangan magkaroon ng bonggang-bonggang pangalan tulad nila Superman at Batman. Andami pa nilang arte e nasa labas din naman ang mga brief nila. Kundi ba naman sila mga patawa. Ano yun, sa pagmamadali nilang sumugod sa action e lagi nilang nakakalimutan isuot yung brief nila? kaya laging nasa labas kasi wala na silang time bumalik sa dressing room para ayusin ang suot nila? Pero buti na lang at naisusuot pa rin nila yung brip nila kahit nasa labas. Imadyinin mo na lang si Superman kapag nakalimutang isuot ang tapalodo nya na lumilipad habang umaalog-alog ang betlog sa kalawakan tapos naka-expose ang tweetybird. Mapapa-OMG ang mga makakakita sabay bigkas ng: “It’s a bird! No, it’s a plane! No! it’s…it’s… SUPERBIRD!” ayan ay kung granted na big bird yung dala-dala ni Superman.
Isa pa tong si Superman, ginawa pang dressing room yung phone booth. Di pa nakuntento, nilagyan pa ng belt yung brip. Sabagay mas ok na yung belt. Kesa naman sa brip na may zipper. Takot lang niya maipit ang pototoy niya.haha. Paker, nakigaya naman ako.
Dati kung anik-anik na moniker ginamit ko. Lugaw, Plainlugaw, Kurimaw hanggang sa bumalik ulit sa lugaw. Wag mo na tanungin kung bakit related sa pagkain. Walang-wala lang talaga ako nun kaya laging lugaw ang kinakain ko hanggang sa maadik na ako. Ginawa ko na siyang lifestyle.
Dahil sa kakapanood ko ng Japanese Superheroes, naisip ko lang kung kumakain ba si Bionicman ng lugaw. HInanap ko sa dictionary kung ano ang meaning nito.
To know the meaning of lugaw find it here. Talagang pinahirapan ka pa eh noh? Aminin mo na, gusto mo rin malaman ang exact meaning ng lugaw sa English kaya sunod ka na lang.
Pagkain siya ng masa kaya masarap. Simple pero madaming natulungan nung panahon ng gyera ang pagkaing ito. Simple lang kasi ang paghahanda. Bigas, tubig saka konting asin ayus na. Pwede mo rin dagdagan ng isaw, mata ng baka o kung mahilig ka sa exotic, betlog ng baka. Yumyum!
So ano connect? Wala lang. Nakyutan lang ako. Saka nagmamadali na nga nun kasi bibinyagan na ko para maging OP ng chatroom namin. Pagkakataon ko na magkaroon ng kapangyarihan na mang-kick at magban ng mga pasaway na chatter[talaga nga naman oo,pag kapangyarihan na ang pinag-uusapan nawawalan na sa katinuan ang tao]. Eto na yung naisip kong name kaya wala na akong time para umatras. Wag kana aangal. Pagod na ako mag-explain. Ayun naging bioniclugaw na ako.
So pano ako napadpad from Chatter to Blogger? Dahil dun sa babaeng napagkamalan kong bashtush, eto ako ngayon at binabasa mo. hehe.
More than a year din akong nagblog nung 2004 pero di ko sineryoso kasi wala nga talaga akong kaalam-alam sa blogging. Isa akong dakilang autistic na blogger nung mga panahon na yun. Di ko alam na isa pala itong malaking community ng mga hadiks sa self expression. Di ko alam na parang TGIF barkadahan pala ito at may mga eyebol eyebol pang nalalaman. Most of all, ngayon ko lang nalaman na pwede pala kumita dito sa pamamagitan ng mga ads. Naisip ko kelangan ko kumita ng extra income kasi wala na ako pambili ng sabon.
Seriously, bioniclugaw is an epitome of a person who embraces the future amidst the backward culture of its surroundings. When I coined the word, it did not mean anything to me. Later on ko na lang naisip na makabuluhan din pala siya. haha.
Masyadong contradicting ang buhay ko. Minsan seryoso, minsan makulit. In my first few attempts sa blogging e masyado akong seryoso. Although medyo bumubulwak na ang kakulitan paminsan-minsan na parang utot na pigil. Pinipigilan ko pa sarili ko nun kasi akala ko kelangan masyadong seryoso ang pagbablogging. Yun pala’y self expression din ito. Kung seryoso ka, maging seryoso ka sa sinusulat mo. Pero pag kwela ka at makulit, ano pa hinihintay mo, ilabas mo na at wala nang arte-arte. Yun lang ang rules ko sa blogging. Tapos.
Dumating ang 2005 hanggang 2007, nakalimutan ko na ang pagbablogging. Hindi ko pala nakalimutan, wala lang talaga ako pambili ng internet card nun. haha. Isa kasi akong dakilang bum. Ngayon lang ako nagkaDSL kaya back to party na ulit. haha.
Sa totoo lang, bumalik ako sa pagbablog when I accidentally saw the blogsite of Nicanor David aka BatJay sa Kwentongtambay. Pakalat-kalat lang ako sa google nung makita ko ang blog nya. Naging instant fan ako. Seryoso siya pero nakakatawa. Very witty ang mga punchline at minsan sa kakatawa ko e lumabas yung kinakain kong pansit Cabagan sa ilong ko. haha! At dahil dakila akong gaya-gaya, nainspire ulit akong bumalik sa blagosperya.
How about you my dear reader? Do you heb any story how u bekeym a blogger?
Marso Na Naman
This is the first day of the month. Parang simbilis ng kidlat natapos yung Pebrero na parang walang nangyari. Namiss ko mga barkada ko, namiss ko rin family ko. Di nga ako nag-abroad pero parang ganun din ang nangyayari. Malayo parin ako sa family and friends. What the heck is happening to me?
Tumatanda yata ako ng paurong. The only difference is that my mom is not there to spank me. She passed away when I was still young. Kahit na lng sana in my dreams na lang siya magpakita at ilatigo nya ako ng bonggang-bongga para matauhan ako ng konti.
Ano ba meron pag Marso? Ito yung tinatawag nilang graduation month pero karamihan naman ng skul e sa Abril o kaya sa Mayo na nagmamartsa. hehe. Ano pa meron? Tinawag din nilang Fire Prevention Month ang buwan na ito pero kadalasan, dito madaming nangyayaring sunog. Very ironic.
Linggo ngayon, kelangan ko maglaba. Angkulit din ano? Eto sana yung araw ng pahinga pagkatapos ng isang linggong trabaho pero eto at gumagawa pa rin ako ng trabaho. Maglabandero na rin kaya ako para sulit ang pagod. At least kikita pa ako ng extra income.
Ano kaya ginagawa ni utol? yung mga barkada ko? I guess it’s time to party next week. Lapit na sweldo. May bubuksang bar yung kakilala ko. Kelangan nya daw ng musikero at ako ang natokang tumugtog. Ang bayad: libreng beer at pulutan. Pwede na rin.
Tagal na rin ako di nakakatugtog. Huli kong gig is January 28 last year pa. Inimbita ako ng barkada ko na mag-wedding singer sa kasal ng ate nya. Natapos ko naman nang maayos ang set ko. Hobby ko lang naman tumugtog. Pantanggal stress. Pero pinangarap ko din nun maging sikat na gitarista. But that’s another story. Wala na yun kinalaman sa title ko dito sa post nato.
Anyway, labalabadoo muna me. Kaloka tong araw nato.
Blog Everyday, Everyday OK! ayan may part 2
Saturday, February 28th, 2009Napansin ko na matindi ang radar ng mga fellow-blogista ko kapag blogging ang pinag-uusapan. Dahil nagkaroon ng EDSA DOS ang EDSA WAN, at dahil dakila talaga akong papampam, eto may part 2 na.
Tinanong ako ng isang kaibigan ko kahapon kung bakit masyado akong nahumaling sa pagbablog. Ano daw ba ang mahihita ko rito maliban sa pagkakaroon ng mala-tarsier na mata at mga daliring pindot ng pindot kahit wala namang pinipindot. Napaisip ako, ano nga ba?
Eto ang Top 10 reasons kung bakit ako nagbablog.
1. Wala lang, gusto ko lang magpapansin sa cyberworld gaya ng ibang blogista. Lahat naman tayo e may nakatagong KSP sa katawan. Kelangan kong punan yun dahil isa akong outcast nung sperm cell pa lang ako. Belat na lang dun sa ibang sperm cells dahil ako ang nabuo at hindi sila.
2. Dati akong OP ng isang MIRC Chatroom at naengganyo lang ako ng isang girlaloo chatter na bumisita sa kanyang blog[oo, puro girl lang chinachat ko, baka sakaling mag-aya ng SEB, hehe] . Nabola naman ako ng hitad at aba! parang diary pala itech! Binasa ko ang kanyang blog at ako’y naengganyong makigaya dahil nag-init si tweetybirdy ko sa mga pinagsusulat nya. Akala ko Xerex Xaviera online.
3. Teka wala akong maisip. mamaya na lang.
4. Wala akong magawa sa opisina. Kesa naman mangulangot ako buong maghapon. Sayang ang booger. Dito ko binubuhos lahat ng galit ko sa boss ko. Pero hanggang dun lang yun. Duwag ako sa personal eh. Lolz. Nagpapasalamat ako sa nag-isip ng ALT+TAB sa keyboard. Kung hindi dahil sa heroics nito, matagal na akong sisante sa trabaho.
5. May hinahanap akong labopmylayp na ilang taon ko nang di nakikita. May nagawa akong konting kasalanan sa kanya at eto ang paraan ko para magpapansin. Baka sakali nga namang sumikat ako at malaman nyang ako yung dati nyang dyowa na iniwan nya. “Sana mabasa mo ito. Inday! Asan kana?! sori at madilim talaga nung gabing yun. sa susunod, isushoot ko na talaga sa tamang butas. pwomiz.”
6. Artist ako, kelangan ko ng outlet sa cyberworld. Need ko na ring sumabay sa technology at baka mapagiwanan ako. Ayoko rin yung nag-aamoy pintura ako lagi noh! Kelangan social ako paminsan-minsan. Social climber din kasi ako. Dati akong taong grasa.
7. Hidden obsession ko ang pagiging writer. Gaya-gaya kasi ako talaga. Nakita ko lang na madaming nagbablog kaya nakigaya na rin ako. Dito walang restriction ang pagiging manunulat. Di mo na kelangan dumaan sa MTRCB para lang ilabas ang gusto mong sabihin sa madla.
8. Idol ko si Dante Varona. Oo mga kids, isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nagbablog. Kelangan nyong malaman ang showbiz 101 at isa si Dante Varona sa mga iniidolo ko. Kaya ko binuo ang blog na ito para ipaalala sa inyo na si Dante Varona ang bukod tanging nilalang na tumalon sa San Juanico Bridge na walang dobol para sa pelikulang Hari ng Stunt.
9. Malapit na. isa na lang.[paker, wala nang maisip]
10. Isa akong makabayan at gusto kong ilabas ang lahat ng bwakananginang galit ko sa gobyerno. Gusto kong murahin lahat ng nang-aapi at inutil. Pakyu Saddam! Pakyu Bush! Pakyu Lito Lapid…teka senador ba ito? ok, I got kerid away. Andami kong gustong itanong like: Bakit suki si FG ng lahat ng eskandalo sa Gobyerno? Bakit FG ang tawag sa kanya? Fucking Gorilla? Ano na nangyari kay Lozada? Nagkaonsehan lang ba sa partihan kaya siya pumiyok? Sino ba talaga pumatay kay Magellan? Eh si Lapu-lapu?May itatanong pa sana ako kaya lang natatakot na ako.[ sshhhh…may tao sa labas..may dalang bayong…]
Der u heb it. Ang Top Ten Reasons kung bakit ako nagbablog. Sa lahat ng sinulat ko, isa lang dyan ang totoo. Ikaw anong reason mo sa pagbablog?









