Home » Page 6
Kwentong Clark part 1
Tuesday, February 24th, 2009
Isang taon din ako mahigit na naglagalag dito sa Pampanga. Ayoko nga mag-abroad kaso para na ring ganun ang tema ng buhay ko kasi puro poreyner din naman ang kausap ko dito sa work. Paksyet! Inaalila ako sa sarili kong bansa.
Mahirap ding katrabaho ang poreyner. Although hindi naman lahat ng puti dito e maldito pagdating sa pakikitungo sa mga pinoy, iba pa rin talaga ang trato satin. Gaya na lang nitong isang anak ng kabron na bossing namin. Isa siyang Canadian na dating lawyer kuno ni Marcos. Nalintikan na, lawyer siya kaya lahat ng pwedeng paikutin e pinapaikot nya. Sabi nga ng isang kaopismeyt ko eh, “Pare he is so parent! ayoko na siya kausap.” Parent nga talaga. Magulang ang lekat.
Both extreme ang social status ng mga tao dito. Andito yung mga extreme mayayaman. Sa kabilang banda naman e dito mo rin makikita yun mga tinatawag na “dead-hungry” at “slam soils”. Oo, tama iniisip mo, mga patay-gutom at hampas lupa ayon sa salita ni Donya Buding. Bakit ko nasabi yon? Akala ko kasi sa Maynila lang may squatter. Meron din pala dito. Di ko na babanggitin ang mga lugar at baka makatay pa ako ng mga tagarito. Nadadaanan ko kasi yung lugar hehe. Play safe na lang toits. Ano ko bale? Baka makeni-keni pa ako. Masyado kasi sila sensitib sa social status nila. Bagamat ganito nga ang kalagayan ng ilan nating kababayan dito, nakikita ko naman ang kanilang pagsisikap. Minsan nga lang, nagkakataon lang talaga na may mga taong pinanganak na kontrabida sa balat ng lupa. Nadadamay tuloy yung mga naghahanap-buhay ng marangal.
Ibang klaseng paraan magsikap ang mga pusakal dito. Andyan yung mawawalan ka ng kawad ng kuryente. Pati antena ng TV mo hindi pinapatawad. dito lang sa may Perimeter road e nagkalat ang magnanakaw. Nung isang buwan habang kinukuha ko yung mga sinampay kong brief e napansin kong kulang yung bilang ko. Binilang ko ulit. Kulang nga. Nawala yung poreberpeborit lababol kong bacon brief . Badtrip naman, limang taon kong inalagaan tapos dito lang pala mawawala. tsk.
Kanina pagkatapos kong kumain, kinuha ko yung basahan. At habang pinupunasan ko yung kalat sa mesa e napansin kong “uy! bacon!’[ read: nanguluntoy na brip] din yung basahan na ginamit ko. OMG! Akala ko nawala na! thank you lord at binalik mo sakin! Sino kaya sa kasama ko sa bahay ang salarin? Hmm…[with matching usok ng ilong. Kunyari galit na ako.]
Yung kaibigan ko dito sa opisina, ilang beses nang nanakawan ang bahay nila. Nakasaksi pa siya mismo ng holdapan. Nasaksak yung babaeng biktima, paktay. Sa harap mismo ng bahay nila. Wala na talagang safe na lugar. tsk.
Meron ding riding in tandem na tinatawag dito. Mga isnatser sila na nakamotor gaya ng napapanood mo sa TV. Ang di ko lang maintindihan sa mga biktima, kapag nadekwat na gamit nila e mali yung sinisigaw nila. Sisigaw sila ng “MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!”. eh di ba pag nakuha na yung gamit mo, dapat past tense na yun kaya dapat ang sigaw ng biktima e,” NAGNAKAW! NAGNAKAW!”. Sews, kaya karamihan ng mga magnanakaw ay di nahuhuli. Mali ang information na binibigay. Buti pa yung mga politiko, silent type pagdating sa pagnanakaw. hehe.Mga pakingsyet sila. Penge naman.
Yung opisina namin, hindi nakaligtas sa mga lintek na magnanakaw. Ninenok nang dalawang beses yung sa power supply namin. Powerbox daw tawag dun sabi ng tsismoso naming guard. Bwisit naman kasi natutulog lagi sa pansitan yung tagabantay. Pangalawang beses na nangyari yun. Christmas pa naman. Isang linggo kaming generator ang gamit. ansakit sa tenga, bwiset. Naudlot tuloy krismas party namin.
Pati yung malaki naming garbage can hindi rin nakaligtas.Basura na nga tinira pa. Kaya kung subukan mong manirahan dito e mapapansin mong malaking negosyo ang mga security agency. hehe. May pera talaga sa basura.
Tabo
Paggising ko ngayong umaga,
Takbo agad sa kubeta
Naupo sa trono, sabay pito.
Sumilip sa balde, wala ang tabo.
Haynaku naman, pano huhugasan?
Pwet na malagket, wala nang atrasan!
Tingin-tingin sa gilid baka adyan.
Ngunit wala! di na masilayan.
“Ala na ba talaga?” aking tanong.
Yaring pwet ay tila umurong.
Ayaw na bumuga sa pag-aalala,
Problema talaga, nalintikan na!
Hanap na lang papel, naisip ko.
Tingin-tingin ulit sa loob ng banyo.
Sa isang sulok aking nakita.
Isang lumang dyaryo na nakabukaka.
Naibsan ang aking pag-aalala.
Ang tagapagligtas ay andito na!!!
Tinaas ko na ang aking kamay
Upang abutin ang dyaryong pasaway.
Ngunit kalauna’y aking napagtanto
Di ko pala abot, makapangyarihan dyaryo.
Napilitang tumayo upang kunin sa taas.
Ngunit bago maabot, ako ay nadulas!
Sumemplang sa sahig, pwet ko’y gasgas.
Araguy! ansaket! buto yata’y kumalas!
Buti pa sana, sa bukid na lang nagbawas.
Doon sa gitna, madaming pamunas.
May fresh air pang bumubuga sa pwet na malagkit
Sa uulitin na lang, nang di ako magalit.
PS. Kung nagtataka ka dahil wala ang tabo dun sa picture sa taas. Malamang di mo binasa ang tula ko. Pakihanap na lang yung tabo.
Post Balentyms Day!
Monday, February 23rd, 2009Tingnan mo nga naman, dahil sa nangyaring isang linggong maintenance ng site, di ko tuloy namalayan na tapos na pala ang balentyms day. I missed the chance to chronicle the exciting day, V-Day! As in Vagina Day para sa mga manyakis na kelot. Ambashtush ko! hehe… Sige pekpek na lang.
Ano nga ba nangyari nung araw na yun? Hirap talaga pag alang lab layp. Di mo talaga maenjoy ang araw na ito. Unless isa kang dakilang manyakis at ang hangarin mo lang sa buhay ay magbilang ng babaeng tutuhugin. Pero ip yu truli valyu lab, syempre magkakaroon ka ng respeto sa bebot at yung kakalantiriin mo lang ay yung babaeng mahal mo talaga. Para sa mga nagsisimula pa lang sa career ng papitin-pitin, iba ang sex sa babaeng mahal mo sa hindi. Ang akala kasi ng iba na pagdating sa sex, basta shoot lang ng shoot. Hindi ganun yan. Wag ka maniwala dun sa commercial ng Enduranz. “Shoot! dribble! shoot! dribble!”. Kelangan responsable ka pa rin sa pagshoshoot. Baka mamaya wetpaks ang mapasukan ng pototoy mo. Mahirap na. hehe…Eeew…isa pang eeeeww.
Naging associated na tuloy ang Valentines Day sa SEX at mga motel. Hindi naman talaga dun lang nababase ang love. Kaso nga lang, typcast na siyang ganun kaya wala na tayong magagawa. Kelangan kumita ng mga capitalista kaya ginawa nang commercial itong okasyon na ito. Di ko rin sila masisisi. Kelangan kumita e. Kaya ayun, kada dumarating ang Feb. 14, kaliwa’t kanan ang putukan sa SOGO saka sa Victoria Court. In fairness, enjoy na rin ako sa ganitong setup. Mas madali kasi mambola ng bebot pag malapit na Valentines. Hehe! Andun kasi ang pressure na wala pa silang dyowa pagdating ng araw nato. Kaya gusto rin nilang magbuzzer beater kumbaga. Tsk! Parang basketbol rin pala. Dying seconds na gusto pa ishoot. Ingat lang ineng at baka magkaroon ka ng bola sa tiyan. hehe…Malakas din ang psychological effect ng season na ito.
Teka nga, kwento ako ng kwento wala naman talaga ako maikwento tungkol sa experience ko nung Balentyms Day. Masyado nang censored. hehe… Dito sa Clark Pampanga, daan ka lang dun sa may Fields Avenue. Araw-araw may putukan dun kahit di Balentyms Day. Imported pa! Yun nga lang, di ko alam kung maawa ako dun sa mga kababayan nating babae na nagtatrabaho sa lugar na ito. Kapit na sila sa patalim. Nagbabakasakali silang makajockpot ng foreigner na magmamahal sa kanila sa kabila ng trabaho nila.
Pagdating ng Balentyms Day, It’s time for love! so have some fun! Naalala ko tuloy yung isang sakayan ng jeep dyan sa bandang QC. Sumisigaw lagi yung barker na pinaglihi yata kay Manny Pacquiao, “Sex! Sex! Maluwang pa! Sex! sex! Maluwang! Konting epet lang po, oh aalis na!”
One Week Of Panic
Grabe, halos isang linggo akong walang access dito sa site. Down ang system. Kala ko maglalaho na lahat ng pinaghirapan kong isulat. Isang linggo pa lang ako nagbabablog dito pero tingin ko madami na ako naisulat. Nung unang araw e, ok pa ako kasi lahat naman ng site ganun e. May maintenance day sila. Parang pekpek, isang beses kada buwan e kelangan muna magpahinga. Malalaman mo yun pag sinalat mo siya. Oo, sinasalat yun. Pag naramdaman mo may ketchup, yun na yun. O kaya pag nagsisimula nang magsungit si kumander, malamang red light na. Pag red light, ibig sabihin, may maintenance na nangyayari sa loob. Di ka pwede pumasok. Bawal! Subukan mo lang, kung gusto mong dumanak ang dugo. hehe…
Nung pangalawang araw na, medyo praning na ako. Usually kasi di naman inaabot ng dalawang araw yun maintenance na ginagawa. Pangatlong araw. Apat na araw… medyo nabubuwang na ako. Kating-kati na kasi ako magsulat kaso ala pa rin. Hanggang inabot na ng halos isang linggo.
Worst nightmare ng isang blogger ang mawala ang lahat ng sinulat nya. Pag wala ka backup file, paktay ka. Mahirap yun. Para ka na rin ninakawan ng kaluluwa. Bilang blogger e mortal sin yata pag nasira yun system tapos wala ka man lang backup.
Sa mga ganitong bagay kelangan na talaga ng backup copy ng mga entry mo sa blog. Yun ang masaklap, wala nga talaga akong backup. Buti pa ang pototoy, pag tumira, million-milliong backup na spermcells ang susugod. Siguradong buhay kang bata ka.
At least maayos na ulit ang lahat. Di na ako magpapanic. Maglalagay na rin ako ng backup at magiging responsible blogger na rin ako. Ititigil ko na ang pagbabrowse sa mga pornsites…mali…babawasan ko na lang ang tulog ko para masa madami akong oras dito sa blog.
Don’t Judge A Cover Because It’s Not A Book
Thursday, February 12th, 2009Natatawa talaga ako sa isang karaket ko. May business meeting kanina. Yung kausap kasi namin e isang Chinese businessman na gustong sumaydline saming raket. Kumbaga sa salita ng mga lintek na capitalista e magiging imbestor siya sa isang franchise ng raket na pinapatakbo namin. Ngayon pa lang mamimit ng grupo yung negosyante. Sa telepono kolang siya nakausap at nagpaset lang ng meeting this morning para pagusapan yung raket nga.
May dumating sa opisina na isang kelot at isang bebot. Ang expected kong darating e isang matandang hukluban na negosyante ang makakaharap ko pero dalawang nasa mid-30s na couple ang bumulaga. Hotchick yung bebot. Eto na, pagpasok ng dalawa, biglang hirit ba naman yung kasama ko dun sa babae,“Miss, ikaw yung secretary ni Mr. Sy?”. Blagag! Palpak! Hayup sa ganda ng icebreaker.
Minsan sa kagustuhan nating simulan ang usapan, kung ano-ano na nasasabi natin. Masakit nito, isa pala siya sa decision maker ng grupo nila. Paksyet na malagket.
Di ko alam kung saan patungo tong pinagusapan pero very responsive naman sila during the meeting. Sana lang Lord e makalimutan nung bebot ang di sinasadyang panlilibak ng kasama ko. Sayang naman laway namin.










