bioniclugaw

Isa ako sa mga taong malikot ang isip. Kung dati'y wala akong mapaglagyan ng mga pautot ko sa buhay, ngayon meron na. Salamat sa blogging. At least di na ako mabubuwang sa kakaimagine lang ng mga bagay-bagay. Dati kasi pag wala ako ginagawa e nagbibilang ako ng langgam sa aming kusina tapos pag nagsawa ako, hinaharang ko yun daanan nila. Gusto ko kasi malaman kung maliligaw ba sila pag ginawa ko yun.

Enjoy the ride na lang. Magpost ka na din ng comment para kunwari may nagbabasa ng blog ko.

Bulong

Wednesday, February 11th, 2009

Naalala ko tong water color painting na ito. Nakita ko lang siya habang nagbobrowse ako sa mga file ko. Di ko matandaan kung nabigay ko ba ito or nakatago lang sa aking baul. Sa tagal ko kasing di na nagpipinta e nakalimutan ko na kung san naglagalag ang aking mga obra.

Gawa ko ito noon sa isang subject namin, kay Prof. Ariel Ponce sa FEU. Striktong prof pero magaling. Ito yung isa sa mga madaliang gawa namin noon sa illustration. Medyo barubal ang pagkakagawa kasi limited lang kami sa isang oras. Parang exam namin ito e. Binigyan lang kami ng isang word tapos bahala na kami mag-isip kung anong ipipinta namin.

Ang binigay saming word is “GOSSIP”. Ibig sabihin mga dakilang tsismoso dapat ang ilagay ko. Yun ang unang pumasok sa kukote ko kaya lagare kaagad ako. Limitado lang ang oras kaya banat agad. Medyo green minded ako nung mga panahon na yun kaya kung mapapansin mo ang expression ng mga mukha ng character ko eh para silang mga manyakis na di nakapagtikol ng sampung taon.

Actually may pagka-sexual nga ang intensyon ko dito. Kung mapapansin mo parang nashock yun isa dahil malamang tigas titi siya sa binulong nung kasama. Para bang nakakita siya ng animal sa harap na nakatihaya at nagsasabi sa kanya ng ” Common baby! Spank me! Oh yeah! oh yeah!”.( nakuha ko lang yan sa pornsite na binibisita ko. besides lahat naman ng pornstars ganyan ang dialogue kapag nakikipagpapitin-pitin.)

Nag-astang demonyo naman yun nasa kaliwa sa kakabulong. Kung ano man ang ibinulong e bahala na kayo mag-isip. Para siyang kunsensya de dyablo na nagsasabing,” Common man! Spank her! spank her!”.

Ngayon ko lang naapreciate ang gawa kong to. Parang gusto ko na ulit bumalik sa pagpipinta. Madami akong artwork dati pero pinamigay ko yun karamihan simula nung mawalan ako ng interest sa pagiging artist. Pero lately, parang hinihila ulit ako pabalik ng sining. Talagang kapag pinanganak ka talaga na alagad ni Kalantyaw…este alagad ng sining pala, malamang hahanap-hanapin mo pa rin ang kinagisnan mo. Mahirap pala talikuran.

Posted by bioniclugaw at 4:41 pm | permalink | comments[4]

Singaw!

Anlupit naman ng tadhana sakin ngayon nakaraang dalawang araw. Tinamaan ako ng singaw sa gilid ng gums ko sa ibabang harap na ngipin( “ibabang harap? ano yun?” — pekto pakialamero). Basta dun na yun. Wag kana aangal at baka gusto mo maboldyak sa yagbols.( may singaw din kaya sa yagbols?). Tatlo-tatlo pa. ansakit! Lintek!

Sabi nila ang cause daw ng singaw e galing dun sa init na naipon sa loob ng bunganga. Feeling ko tuloy hotpapa ako kasi naipon daw yun init sa loob. Basta ang alam ko lang gawin pag may init na gustong kumawala e tinatae ko na lang. O kaya nagkukunwaring tumatae pero iba ginagawa. hehe…

Nahirapan tuloy ako makakain ng maalat at maasim na chibog. Sarap pa naman ng ulam ko kahapon na sisig. Siguro aabutin pa ito ng another 3 days bago talaga gumaling. Basa kasi loob ang bunganga na nagpapabagal sa paggaling ng sugat. Naisip ko tuloy dahil nahihirapan na ako eh sagad sagarin ko na pahirap sa sarili ko. Bigla ko tuloy naisip kung ano sa ingles ang salitang SINGAW. Pucha! Lalong sumakit ang singaw ko nung magresearch ako sa google.

Eto ang ilan sa mga kuru-kuro ng mga henyong nagbigay ng kahulugan sa palaisipang ito:

mango: Canker sore.

mikis196: Herpes (herpes? ang alam ko sa pototoy lang yun. Di kaya may sinubo na pototoy kaya naging herpes?–pektopakialamero)

oblivious m: I believe it’s a cold sore. I used to get them in my mouth and my mom always called it that.

 eto pa tsismisan na nakita ko sa pinoyexchange tungkol sa singaw:

car728

May 22, 2004, 12:17 AM

aren’t they called canker sores?

karencorleone

May 22, 2004, 01:26 AM

aphthous stomatitis <<<<——–di ko akalain na pwede pala maging ganito kamiserable ang meaning ng singaw.

iwuvme

May 22, 2004, 01:34 AM

alam ko cold sore….

 milewarrior

May 22, 2004, 06:06 AM

Canker Sore/Apthous Ulcer (http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/ency/article/000998.htm)

 

Etong mga to eh malamang galit na sa mundo dahil sa singaw:

«FickleMinded»

May 22, 2004, 01:09 PM

http://www.miamihost.net/ims/u/SweetPea_no8/Dolls/lightoflife2.gif
*pexadik*– hay naku, naging hopeless na talaga ako kung paano gagaling ang pagsingawin ko,minsan nawawalan na ako ng ganang gamutin,kasi kapag maliit pa lang at ginamot ko,wa epek din lumalaki pa din talaga,buset!!!

skuidward

May 22, 2004, 07:10 PM

ako grabe magkasingaw… e naka-braces pa ako.. kahit nung wala pa akong braces plagi din. grabe talaga, pagkagaling ng isa, may bago nanaman… siguro mga 2 weeks lang ata ako walang singaw w/in a period of 2 months… 

skuidward

May 22, 2004, 08:15 PM

smilewarrior, siguro nga sanayan na lang pag sa akin. well, medyo nasasanay nanaman ako na palaging may singaw. :D ——–>>> eto malupit. sanay na daw sa singaw. siguro ginamitan ng promo: “But wait! there’s more!  hehehe… ako din sanay na.

Parang kuliti din kaya ang singaw? kasi sabi nila pag namboso ka daw e magkakaroon ka ng kuliti sa mata. Yun may singaw kaya, nandila naman? ano kaya yun dinilaan?

Hirap naman nito. Dahil lang sa singaw kung saan-saan na napunta utak ko. Pero tingin ko e mas mabuti na yun sa bibig ko ang sumingaw kesa naman matrap ako sa loob ng elevator tapos iba yun sumingaw. Yun yung weapons of mass destruction which is caused by too much eating of kamote.  Nasubukan ko na rin kasi mautot sa loob ng elevator at nakita ko kung pano umasim ang mukha ng mga kasabay kong pasahero. Syempre deadma ako. Ang unang pumiyok, guilty!

Posted by bioniclugaw at 11:42 am | permalink | comments[1]

Piyesta ng Quiapo

Saturday, February 7th, 2009

Tapos na pista ng Quiapo (Jan. 09 para dun sa nakakalimot) pero ngayon ko pa lang naisip na pag-aksayahan ng oras magmuni-muni ng mga karanasan ko nung nasa kolehiyo pa ako. Sa Quiapo na rin kasi ako inabot ng pagbibinata habang nag-aaral dati sa FEU. Dun na ako tinubuan ng sungay at nakaranas ng kung anik-anik na bagay na dapat maranasan ng nagbibinata. Mga limang taon din ako nagkalat ng lagim sa Quiapo bago ko naisipang lumipat ng lungga. Dun ako dati nakatira sa mismong harap ng Baste. Katapat mismo ng boarding house namin yun Burger Machine (Nung huli kong dalaw dun e wala na, nagsawa na siguro sa pagmumukha nung dati kong Landlady).

Anyway, balik tayo sa Pista. Kada pista noon ay sinasabayan ng magarbong selebrasyon ng mga resident manginginom. San ka pa? Bumabaha ng alak  kada pagdating ng Enero 9. Eto yun time na nag-geget-2-gether ang mga bigatin ng lasingan. Lahat yata ng tomador  at mga astig ng Quiapo ay naging barkada ko. Andyan si Butchoy, tulak ng Bilibid Viejo.  Siya ang leader ng grupong OPG. Para sa mga di nakakaalam kung ano ang OPG: ang sabi ng mga founders nila ay OPG stands for Original Pinoy Gangster. Di ko alam kung saan lupalop ng mundo na naman  nila nakuha to pero may suspetsa ako. Malamang nasobrahan sa kakasinghot ng katol ang nakaisip nito. Sabi kasi nung kalaban nilang gang  ay Original Patay Gutom daw. Mga tirador kasi ng rugby ang mga lekat. Andyan din si Kuya Toto na self proclaimed former addict pero naging alcoholic na lang. Di ko alam kung renewed ba siya or naubos lang talaga pambili.In fairness naman eh mabait siya samin so wala ako problema sa kanya. Madami pang tambay na pwedeng banggitin pero hahaba na ang susulatin ko. Ang pinaka-astig ay si Ike. Basta, siya yun pinakatigasing tomador sa Hidalgo.

Meron pa akong sinalihang grupo dun. Pangalan ng grupo namin ay KABISIG. Ewan ko kung bakit eto naisip nilang pangalan. Medyo nagkulang siguro sa iodine yung nag-isip nito kaya kung ano na lang ang unang lumabas sa kukote eh yun na yun. Pero kahit ganun, dito ko nakita yun mga taong mrurunong makisama. Wala ako masabi.

 May seremonya ang pagsali dito (kala nyo mga franternity lang sa UP Campus ang may K gumawa ng seremenya ha).Syempre di mawawala yun mga seremonya. Eto yun nagbibigkis ng samahan para lalong dumami ang mga lasenggo sa buong Pinas.Since grupo ng mga lasenggo itong sinalihan ko, syempre may pautot muna na mahaba-habang inuman. Tutumbahin nyo muna ang dose-dosenang stainless bago isakatuparan ang pang-finale. Actually, kasama na yun lasingan dun sa seremonya. Makakatulong daw kasi yun para dun sa final initiation. Eto na. Tatlo kami nun nakapila sa deathrow…este para sa initiation. Di ko na babanggitin yun ibang eksena kasi baka magalit ang MTRCB. Too much violence daw kasi. Andyan yun pitik-pitikin yun betlog mo habang bangenge kang gumugulong na sa kalsada. Gagawin mo din yun snake crawl paakyat sa hagdanan habang tinatawag mo yun mga uwak.  At pagkatapos ng kung anu-anong kabulastugan, sinunog yun kaliwang braso ko ng isang stik ng sigarilyo. Buti na lang bangenge na ako. Atlist di ko naramdaman masyado yun sakit. Ayus! Naalala kolang ay umuusok yun balat ko nung ginawa yun. 3rd degree burn. Ok na sana kaso paggising ko kinabukasan, dun ko na-realize na nagsisimula pa lang pala yun kalbaryo ng kaliwang braso ko. Lekat! Pagpasok ko sa skul, nagtataka ako kung bakit lahat ng makasalubong ko e nagbubulungan. Feeling ko naman poging-pogi ako. Dali-dali akong pumunta sa CR para magsalamin. Bwisit, may siraulong nagdrawing ng pototoy sa pisngi ko. Kaya pala di ko mahanap yun mga salamin kanina umaga.

Naalala ko pa nung first time ko masaksihan ang kapistahan ng Nazareno. More than 400 years na yata nila sineselebrate ito kaya naman bilib ako. Nagulat nga ako, dito ko nalaman na bago pa nauso ang Rock N’ Roll e meron na pala mga nag-iislam dancing. Imaginin mo, kelan lang naimbento ang Rock ng mga Kano. Di pala sila ang original ng mga pautot na slam dancing na yan. Walang binatbat ang Woodstock pestibal.  Anong sinabi ni Eddie Vedder sa mga debotong nakikipagbalyahan paakyat sa rebulto? Takot lang nya.Ha!

Sino nagsabing gaya-gaya ang mga pinoy? haha!

Umaakyat ako dati sa bubong ng boarding house namin kada dumadaan na yung Nazareno sa may Hidalgo.  Anggandang tingnan sa taas. Minsan gusto ko tumalon dun sa madaming tao ala Eddie Vedder. . O kaya natetempt ako tapunan ng tumbtaks yung kalsada (Salbahe pa ako mag-isip nun). Buti di ko ginawa, kundi malamang deadmeat na ako ngayon at pinagdadasal na ng mg kamag-anak ko na sanay makaalis na ako sa purgatoryo.  Kundi man ako mabugbog ng mga slamdancers na deboto e malamang tinamaan na ako ng kidlat ni Lord.

Bilib din ako sa mga debotong nakikipagrambulan para lang di makabitaw dun sa lubid. Antitibay ng  mga betlog. Kayang-kaya makipagsagupa sa init at libo-libo pang mga betlog din na nakikipagsiksikan sa init ng kalsada. Para bang simpleng-simple lang siyang nakikipagsiksikan habang kumakanta ng “ding-aling-aling-ding-dong…”. May nakapagsabi sakin na yung hibla daw ng lubid ay maswerte. Kaya ayun, meron nakaipit sa wallet ko ngayon. hehe!

 Sa tagal ko tumira sa Quiapo nun e ni minsan di ako nakapasok sa simbahan. Bago ka kasi makarating ng simbahan e may dadaanan ka munang lugar kung saan madaming sumisigaw ng “Dibidi! Dibidi!”. Sabay may lalapit sayo at bubulungan ka ng “Boss, dragonbold…may bago kaming scandal…”. Dun ko lang nahanap yun mga palabas na: Nang Gabing Lumandi si Lola Part 2, Huwag Bayaw at Hugutin Mo’t Isisigaw ko.

Gutom na ako. Sa susunod ulit.

Posted by bioniclugaw at 4:34 pm | permalink | Add comment

Nakalimutan ko, 2009 na pala

Friday, February 6th, 2009

Pebrero na pala ngayon. Di ko yata namalayan na tapos na pala ang 2008. isang taon na pala ang nakalipas. Di man lang ako nakapagpaalam ng matino sa 2008. Di pa naman ako katandaan pero unti-unti ko na nararanasan ang signs of aging. Anghirap minsan aminin sa sarili na tumatanda na pala ako. Parang kelan lang eh kayang kong patumbahin ang limang bote ng Red Horse, tapos maglalakad pa ako pauwi sa bahay na parang walang nangyari. Partida pa yun dahil nakainom na ako sa kabilang kanto ng isang bilog bago tumoma ng beer sa bidyokehan. Sa Quiapo pa ako dati nakatira nung estudyante pa ako. Lagi kami dati dun sa GLO-B Videoke Bar sa may Bilibid Viejo (Buhay pa kaya yun bidyokehan na yun?). Pag umiinom kami nun eh parang wala nang bukas. Ngayon, isang bote palang eh para na akong  isinakay sa rollercoaster ng patiwarik at umikot-ikot ng isandaang beses. Mahina na talaga sikmura ko pagdating sa inuman. Pero syempre pag may libre eh lumalabas parin ang pagka-lasenggo ko Nyahaha!!!

 Ang ikinakatakot ko lang eh baka matulad ako dun sa commercial ng Arthrosin (mali yata spelling ko)sa TV. Imaginin mo, pag uminom ka nung gamot na yun sa artaritist eh magiging paatras ang lakad mo ala moonwalk ni Michael Jackson? Astig!

 Ansarap din mag-reminiscing the past kada bagong taon. Ansarap balik-balikan yun mga kwentong paulit-ulit mo na rin kinkuwento kada mag-geget-2gether kayo ng mga hyskul prens mo at nagiinuman. pare-parehong kwento pero nakakatawa parin kada pinag-uusapan sa harap ng serbesa. Haay sarap!

Teka anong petsa na ba? Ah oo 2009 na nga pala. Mahirap tanggapin pero 2009 na nga talaga. malapit na ako lumagpas sa kalendaryo! Ilang taon na lang eh kasama na ako dun sa mga 30 something people. Minsan madaya talaga ang oras. Hanggang ngayon feeling ko teenager pa rin ako. Gusto ko nga minsan iumpog ang ulo ko at baka na-timetravel lang ako eh. Hindi kaya napunta lang ako sa isang warp-zone? Parang ambilis kasi ng mga pangyayari. Fresh pa kasi sa utak ko yung time na bagong tuli yun pototoy ko eh. Sabi ng doctor German Cut daw ang style. Di ko maisip kung bakit tinawag na German Cut yun tuli ko.Dahil ba sa ang pototoy ay parang asong German Shepherd na naglalaway? O kaya kamukha ni Hitler na capable of World Domination? Ah ewan! Makatulog na nga.

This portion is brought to you by:

 

Posted by bioniclugaw at 4:17 pm | permalink | Add comment

Booger Unlished!

Nasa foodcourt ako kahapon ng isang sikat na mall dito. Kasama ko mga tropa. Nauna ako natapos kumain. Habang nagtatanggal ako ng tinga eh yun isang daliri ko ay napadaan sa ilalim ng mesa. Nababagot ako kaya kung saan-saan napunta yun daliri ko. Nagulat ako nang may makapa akong malagkit at mamasa-masa. Dumikit siya sa aking hintuturo. Binilog-bilog kopa siya na parang toy clay. Naalala ko kasi yun pamangkin ko na naglalaro lagi ng nito. Kung anu-anong korte ang ginagawa. Enjoy naman siya. Kaya ayun nagenjoy din ako sa kakabilog sa bagay na yun. Huli na nang marealize ko kung ano yun malagkit na nakapa ko. Kulangot pala.

Bakit nga ba kasi ugali nating mga pinoy ang mag-iwan ng kulangot sa ilalim ng mesa? Kainis.

Di ko na alam kung saan ko ipapaphid. Curious lang ako. Ano kaya lasa?

Posted by bioniclugaw at 10:54 am | permalink | Add comment

     

July 2010
M T W T F S S
« Oct    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Sponsored Links

About

I am bioniclugaw. Dibidi! dibidi!

Higop Muna Dito

cleotie:

Lugaw! magparamdam ka na sa blog mo :P

cleotie:

awwooo..minumulto na ang blog na ito :P

hippiesappho:

woi, batet tengga yata ang blog? heheh.. update nah!

lovely:

wala pa ring update hehe..

cleotie:

woi! mag-update ka naman! :)

keko:

:D bc ka rin ba tulad ng iba? sana bumalik na ung iba sa pagbblog :D

hippiesappho:

woi, kuya bionic! hehe.. i was here..

bioniclugaw:

medyo bangag sa work. hahaha. nasira laptop ko. di ko pa napapaayos. kainis.

bampiraako:

parekoy, musta na? ano na nangyari sa’yo? busy ba masyado?..ingat!

cleotie:

oi! ok pa naman, buhay pa! hahaha! :D sige add mo lang ako sa plurk :D dahil callboy ka na ngayon, ok ang plurkpang-alis antok (yun eh kung allowed ang net sa inyo during call hours) :P

Simang:

hello! nakidaan happy graduation hehehe. labs, Simang

bioniclugaw:

bakit ba anghahaba ng mga entry ko lately? pati ako mismo naduduling na sa kakabasa

lohki:

kuya Bernard daan k sa blog ko ah.. pwa aman may 2mingin…

bioniclugaw:

brooke musta?

bioniclugaw:

oy may toll fee ang pagdaan sa lungga ko. bayad muna bago daan.

binobogart:

daan

binobogart:

dumaan

binobogart:

dumaan…

brooke:

daan daan lang…

bioniclugaw:

tisay naconfirm ko na yungsa plurk. mukhang bisi-bisihan ka ngayon ah.

Leave a message ▼

    

MyBlogLog

Hits

NAKIHIGOP LUGAW

Subscribe

Technorati
Bloglines

PLURK